"You know each other?" tanong samin ni bella
"Huh?" ako
"He said 'apaka ganda pa rin' ganda mean beautiful in filipino right?" tanong ulit nito
"Ahh" nangangapa ako ng sagot ng bigla naman dumatin si shawn sa likod ko at hinawakan ang bewang ko
"Is there any problem? love?" tanong nito sakin
"Ah wala, inintroduce lang ako ni bella sa iba nyo pang friends" sabi ko at nakipag batian naman si shawn sakanila.
"Thankyou for coming bro" si shawn kay leigh atsaka sila nag yakap at tapikan sa likod
"Of course" sagot naman nung isa atsaka ngumiti "congratulations bro"
"Thankyou" si shawn "you want to swim?" baling sakin ni shawn
"Sure, let's go!" ako at nag paakay na ako kay shawn after nya mag paalam sa mga kaibigan nya na nandun atsaka kami dumiretso sa room na para samin talaga atsaka ako nagbihis.
"Ikaw hindi ka mag swim?" tanong ko saknaya
"Mag swim din, may kakausapin lang ako" sabi nya at sinamahan muna nya ako na lumublob sa tubig sakto naman na pagka lublob ko ay andito si anne and bella kaya nagkaron ako ng kausap, pag tingin ko ulit kay shawn ay may kausap na sya sa bandang gilid at hindi ko makita kung sinong kausap nya at mukhang kalmado sila.
"Excuse me" paalam ko kay bella na kausap ko atskaa ko umahon kuhain yung robe na dala namin kanina tsaka ako palapit kila shawn na ang kausap pala ay si leigh...
"She wore her pain like armor and it made her stronger, she chose to forgive and forget at ayun ang rason bakit sya matatag ngayon. Ilang buwan ilang taon nya binitbit yung sakit ng pag iwan mo at im so proud of her kasi kinaya nya. Healing was the bravest thing she ever did" rinig kong sabi ni shawn
"Yeah, naiintindihan ko bro. Salamat kasi hindi mo sya iniwan sa sitwasyon nyang iyon" may halong sakit na sinabi ni leigh
"Wala akong dahilan para iwan sya sa ganung parte ng buhay nya" shawn "One last thing na gagawin mo para sakanya ay maging masaya sa kung ano na sya ngayon. Hindi ko pipigilan ang pagkakaibigan niyo dahil ayun naman talaga kayo at may tiwala ako sa girlfriend ko"
"Thankyou bro, im happy for the both of you." leigh.
Naramdaman kong paalis na sila doon kaya dumiretso nalang ako sa bar atsaka kumuha ng cocktail para hindi nila mahalata na nakinig ako, im feel sorry for leigh. I know na nasasaktan sya, i know him very well sa mga salita at emosyon nya kaya alam ko nasasaktan sya ngayon na makita ako.
"Hey love, what are you doing here? I thought nasa pool ka" si shawn na lumapit sakin
"Kumuha ako cocktail" pakita ko sakanya ng iniinom ko
"Let's go?" yaya nya sakin atsaka sabay kami pumunta sa pool at naglublob, apaka lamig na bakit kasi swimming ang naging trip nila eh ang lamig ng season ngayon dito jusko hindi kaya sila ubuhin at sipunin sa mga trip nila?
Nakipag bonding lang kami sa mga pinsan and friends ni shawn dito sa pool madaming kwentuhan at lokohan kahit mahirap sakyan mga jokes nila kasi mga spokening dollars hahahhaa
After namin mag swim ay nag bihis na kami tsaka ulit kami uminom, pansin ko kay shawn ay hindi masyado umiinom at lamang ang pakikipag kwentuhan nya sa mga spokening dollars nyang friends
"bakit hindi ka umiinom?" bulong ko sakanya
"mag drive pa ako at mag asikaso pa ako sayo later" sagot nya sabay kindat sakin
"Di naman ako lasing no, kaya di mo ako asikasuhin" depensa ko naman kahit nakakaramdam na ako ng pagkahilo dahil kahit puro cocktails lang ang iniinom ko ay nakadami na din ako sundan pa ng mga pa shot mga kaibigan ni shawn na hindi oo matanggihan. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni shawn at pumikit muna dahil ramdam ko na talaga ang hilo ko.
"You want to go home?" tanong sakin ni shawn
"No, pahinga ko lang to. Wag mo ako isipin no mag enjoy ka its your celebration bakit ba ako ang pinag eenjoy mo hahahaha"
"This is our celebration" pagtatama nya at ngumiti naman ako sakanya atsaka hinalikan ang tungki ng ilong nya atsaka bumalik sa pagkakasandal sa balikat nya. Sya naman ay nakipag kwentuhan pa rin sa mga friends nya kaya nakikinig lang ako, napansin ko din na kanina pa may naka tingin sakin at kung sino yun ay hindi ko alam. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko ito nakita, isa lang naman ang kilala ko na pwede tumingin sakin dito. Leigh.
"Excuse me" paalam ko kay shawn "Comfort room lang"
"Samahan na kita" sabi nya at tatayo na sana
"Hindi na, you can stay here mag hihilamos lang ako para mawala medyo hilo ko" sabi ko lang at ngnitian sya "babalik ako agad" atsaka sya kiniss sa pisngi
Papunta na ako sa CR ng harangin ako ni leigh...
"Jeu" si leigh
"Hey,wassup" bati ko dito "kamusta?"
"Im okay, medyo busy lang pero buti nalang naka punta pa din ako dito" sabi nya "ikaw kamusta?"
"Im totally fine and happy" diretsong sagot ko
"I see" sagot nya "sila seb?kamusta?" tanong nanaman nya
"Ok lang naman, kakagraduate lang namin ni seb last week and this week si wayne tsaka sila therese and chalzy ang grumaduate" pag sagot ko sa tanong nya "how about you? Engineering ba kinuha mo?si wayne ayun pa din haha"
"No, business management na. I had no choice para mamili ng course dito hahaha" sagot nya kaya napatingin ako sakanya ng matagal
"But why?" curious na tanong ko
"Mahabang kwento eh haha kwento ko sainyong lahat nila seb pag nagkaron tayo get together, malapit na din ako umuwing pinas"
"Okay sige, asahan ko yan. Sabihan ko na din sila" sabi ko sakanya atsaka ngumiti "sige dito muna ako" paalam ko at didiretso na sana ako para lampasan sya pero ng halos magkatabi na kami nagsalita sya ulit
"Im happy to see you happy" sabi nya tsaka sya yumuko
"Thankyou, ako din. Im happy to see myself happy...again" yun lang atsaka ako dumiretso sa cr para mag freshen up. Wala naman ako nafeel na iba nung makita ko si leigh at makausap. Siguro maraming tanong para sa chismis ng buhay nya pero bukod doon ay wala na.
Healed na nga, thankyou lord. I feel his pain but the more important to me right now is myself.
