Lumipas ang mga araw namin sa baguio at halos lahat ng nilista ko sa bucket list ko here in baguio eh nasubukan at napuntahan ko. Wala kaming sinayang na oras at minuto para puntahan ang mga lugar na magaganda dito, dahil pagbalik namin sa manila ay bugbog nanaman kami sa pag aaral.
Andito kami ngayon sa mines view at pinapanood ko ang napakagandang tanawin, mula dito sa taas ay kitang kita ko ang mga magtataasan anyong lupa at mapunong parte sa baguio. Malamig at ang payapa tignan.
Mabilis din kami umalis doon dahil dumarami na rin ang turista, this is our last day here in baguio kaya sulit sa sulit talaga. Sa buong pag lalagi namin dito sa baguio ay palagi ko kausap si shawn bago ako matulog at kausap naman nila seb at minsan ako din si leigh.
Sa ilang araw namin dito ay palagi ko nakikitang maganda ang buwan mula dito sa veranda ng master's. Ang perfect ng spot at gitnang gitna at kitang kita ang buwan. Palagi ko iyon kinukuhanan ng litrato at inilalagay sa facebook story ko.
Andito na ako ngayon sa kwarto dahil oras na para magligpit ng gamit ko at mamayang 2am ay aalis na kami pabalik sa manila. Pagkatapos ko ayusin ang gamit ko ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama tsaka ko kinuha ang cellphone ko para tignan kung may message saakin si shawn pero wala, baka tulog pa iyon.
Kaya nag scroll nalang ako sa facebook tsaka sa instagram, sakto naman na nasa instagram ko eh napunta ako sa archive posts ko at tinignan ko iyon. Puro litrato namin ni leigh ang andun. Napaisip ako ng 'what if iunblock ko na sya dito sa ig?' tutal ok naman na kami at normal na magkaibigan nalang ulit.
Alam nya rin na ok na kami at kamustahan as a friend nalang kami, ang bitter naman na siguro sa part ko kung naka block pa din sya no?. Kaya pumunta ako sa blocklist ko at inunblock ko sya, sinubukan ko sya i-stalk at nagpalit na sya ng profile nya. Solo picture nya na iyon na naka white polo sya at naka shades, naka side view sya at hinahangin ang buhok, sa yate ang picture nya na ito dahil ang backgroud ay dagat at railings ng yate.
Nag scroll pa ako at nakita ko rin ang highlights nya at puro pictures pa rin namin iyon, hindi nya parin inaalis. Pero wala na sakin yon, nakita ko din mga posts nya ay halos mga pics nya sa US mga party at mga business kadalasan ay mga natures ang nakapost. May iilan pa rin kaming picture na andito sa timeline nya at hindi lahat binura nya.
Inisip ko kung if-follow ko ba sya o wag na? Pero nanaig saakin ang wag na at sapat na inunblock ko sya, hindi naman na siguro kailangan magka follow pa kami sa instagram.
"Jeu?" may kumatok sa pinto
"Hmm?bukas yan" sabi ko at dahan dahan bumukas ang pinto at niluwa nun si wayne at seb
"Pasok" sabi ko at dumiretso sila sa tabi ko kaya tumayo ako sa pagkakahiga at umupo nalang sa kama.
"Nag enjoy ka ba jeu?" tanong nila
"Oo naman, kasama ko kayo eh bakit hindi?" tanong ko
"Wala lang haha halata naman nag enjoy ka, at ok na saamin yun" seb
"Luh?hahhaa nyare sainyo?"
"Wala, mag asikaso ka na dyan at aalis na tayo after dinner para maaga pa rin tayo makauwi manila" si wayne
"Oki, ano dinner?"tanong ko
"Gumawa ako pork steak favorite mo atsaka bulalo" si seb
"Wow!" Sige tatapusin ko na tong mga natira ko at baba na ako"
"Sige, bilisan mo. Paluto na ang niluluto ni seb ubusan kita dyan"
"Ay pag inubusan mo ako papainom ko sayo kumululomg sabaw ng bulalo" sabi ko sakany at natawa sila
"Balagbag talaga ampotah" si wayne at lumabas na sila.
Mabilis ko tinapos ang ginagawa ko atsaka ko bumaba, sakto naman na pagbaba ko eh kakalapag lang ni seb sa lamesa mg bulalo.
"Wow! Sakto!" eka ko at umupo na sa upuan "nakapag ayos na kayo gamit nyo?" tanong ko sa girls
"Yes, nakaktamad nga mag ayos eh" si therese
"Why?" ako
"Parang ayoko na iwam ang baguio, gusto ko na dito tumira" si therese na umaktong malungkot pa
"H'wag ka mag alala mahal, dito kita ititira pag nagpakasal na tayo." singit ni seb at sinandukan si therese ng kanin.
"Lalandi potah" sabi ko at kumuha ng maliit na mangkok tsaka nag salin ng sabaw ng bulalo. Kay sarap talaga magluto nito ni kurimaw. Pero mas masarap ako magluto hahaha ano pa at culinary ako kung wala akong alam o hindi masarap ang luto ko.
Tapos na kami kumain at nagsipag pahinga nalang tska kami nag sipag gayak na at lagay ng gamit sa van. Habang nag lalagay sila ng gamit sa van ay inilibot ko ang mata ko sa loob ng bahay
'hanggang sa muli...'
Nasabi ko sa sarili ko,dahil hindi ko rin alam kung kelan ako makakabalik dito, oh makakabalik pa nga ba ako dito. Pero nag iwan na ako iilang gamit ko dito tulad ng damit at mga toiletries ko ay hindi ko na dinala, baka kasi sumpungin nanaman ako at magyaya bigla sa baguio, atleast wala na ako masyadong bitbit at sarili nalang.
Nasa byahe na kami at 11pm palang naka alis na kami, akala ko eh 2am kami aalis sa baguio yun pala ang goal nila ay 2am nasa manila na para daw mahaba ang pahinga nila dahil next day ay linggo at lunes ag pasukan nanaman.
Sa express way palang kami ay namiss ko na agad ang bahay sa baguio, kaya tinignan ko iyon sa cctv para icheck kung na ilock ba ng maayos. Dahil nakaraan lang ay pinakabitan ko iyon ng cctv mula sa veranda sa masters, sa hallways, sa living area, sa kitchen, sa back door, sa garage at sa front gate. Lahat pinalagyan ko.
Suggestions din nila wayne dahil madalas daw walang tao sa bahay kaya kahit nasa malayo ako eh mamomonitor ko ito. Una kong chineck sa cctv eh yung veranda at inikot ko ang cctv paharap sa moon. Ang ganda kasi ng spot, 360 din kasi ang cctv.
Titig ako sa moon sa cctv ng mapansin ko sa ibang angle na may tao sa labas ng bahay at nakatingin.
Kumalabog ng malakas ang dibdib ko at sinusundan ko ang kilos nung taong nakatayo sa front gate. Chineck ko at sya lang mag isa at naka hoddie ito na black.Pinaka titigan ko maigi at inilibot pa nito ang paningin nya sa paligid pagkatapos nyang titigan ng matagal ang bahay, dahan dahan sya lumapit sa gate at binuksan iyon.
Teka?may susi? Kinapa ko sa bulsa ko ang susi ng gate at bahay dahil baka nalaglag ko ang susi doon sa labas ng bahay kaya nya mabubuksan ang gate.
Tuluyan nyang nabuksan ang gate at pinanood ko ang galaw nya, dire diretso syang pumasok sa bahay na akala mo eh pagmamay ari nya. Pinanood ko ang bawat kilos nya at ang puta dumiretso sa master's bedroom. Atsaka binuksan ang cabinet doon, kinakabahan na ako dahil magaling na magnanakaw to at dumiretso sa cabinet at sa master's pa.
Pero nanlaki ang mata ko nung naghubad ito ng hoodie at tumambad saakin kung sino itong minamanmanan ko sa cctv at ang dire diretsong pumasok sa bahay.
S-si L-leig-gh???!!