Still nasa byahe pa rin kami dahil hindi naman mabilis ang byahe papuntang baguio kapag nagmula ka sa manila.
Hindi na ako ulit inantok nung pinag usapan nila therese yung about sa bahay sa baguio, sinubukan ko umidlip pero hindi ko na kaya matulog. Kaya pinapanood ko nalang ang dinadaanan namin dito sa express way.
Tinignan ko yung apat sa bandang unahang bahagi ng van eh mga nakatulog na sila dahil nag kwentuhan sila napagod na ata, hindi na ako sumali sa usapan nila dahil pinipilit ko nga matulog kanina.
Ang laki ng pasasalamat ko sa mga kaibigan ko dahil sila ang meron ako at sila ang nag stay sa tabi ko hanggang sa pinaka down ng life ko. Sila ang nagtyaga na kamustahin ako araw araw at samahan ako mapa school o bahay man.
Tipong pag ginusto ko noon mamasyal para mawala si leigh sa isip ko ay kahit busy sila sinasamahan nila ako. Ako nalang rin ang nahihiya dahil sobra nila akong inaalagaan. They always remind me about my meds and meals, maski sa pagtulog eh nag ggoodnight sila.
Hindi nila ako iniwan hanggang ngayon.
Specially shawn...sya ang sumasalo ng topak ko at mga rants or iyak ko sa life. He always made sure na maikukwento ko sakanya kung ano ang bumabagabag sa akin o kung ano ang gumugulo sa isip ko.
Iniintindi nya ang nararamdaman ko at pinapahalagaan nya ang pwede kong mafeel sa isang bagay.
We're not in a relationship, but he confessed about his feelings. I didn't decline his proposal pero sya na rin mismo nag insist na i nedd to heal first...fully healed. At sasamahan nya ako doon.
Kapag naramdaman ko na kaya ko na magmahal ulit ay pwede na.
"Drive thru tayo" nagsalita si seb na kakagising lang "okay ka lang jeu?" tanong nya rin saakin
"Oo naman, tara drive thru." kako "kuya drive thru po tayo" sabi ko sa driver
"Jollibee nalang tayo" si wayne na kakagasing lang rin
Nag drive thru kami at waiting nalang kami dito sa parking ng jollibee dahil madami kaming inorder.
"Saakin nalang yung peach mango pie" sabi ko sakanila nung iniabot na saamin yung order namin
"Hindi ka ba umorder ng sayo jeu?" tanong ni wayne
"Mukha bang umorder ako kung hihingiin ko yan?" sarcastic na tanong ko
"Pwede, gustong gusto mo to eh. Nakakaubos ka nga ng 5ganito dati pag binibilhan ka ni leigh" dire diretsong sabi nya kaya lahat kami napatingin sakanta at maski sya ay napahinto at napatakip din bigla sa bibig.
"Wayne!" hampas sakanya ni chalzy
"Sorry jeu, di ko sinasadya" paumahin ni wayne
"Ok lang gago! Hahahahah akina na yang peach mango pie" sabi ko at natawa sakanya dahil mukha syang kinabahan
"Oh eto na, pati tong kay seb sayo na rin" bigay nya saakin
"Hoy! bakit pati saakin kinuha mo!" reklamo ni seb
"Para di na malungkot si jeu" si wayne
"Ikaw lang may kasalanan eh, madaldal ka kasi masyado"
"Tsssssh! Wag na kayo magtalo hahaha talagang hihingiin ko din yung sayo seb no! Inuna ko lang si wayne kasi mahirap hingian ang isang yan" sabi ko pa.
Natapos kami kumain maski si kuyang driver atsaka kami umandar ulit, halos malapit na rin naman kami base sa google map na gamit ko. Nag silay silay ulit ako sa labas at nalaman kong malapit na talaga kami dahil nadaanan na namin yung kinainan namin ni leigh nung pumunta kami dito. Doon sa may masarap na bulaluhan