Farah's POV
I yawned. Nasa van kami at nagda drive si Seira. Papunta kami ngayong Enchanted Kingdom. Iniwan ko ang triplets sa bahay nila. They are close with Jaxon at sa ama nito kaya kampante ako.
"Wala ka bang naging tulog, Farah?"
"Ha? Well, kasi..."
"Don't tell me, nagpuyat ka na naman para basahin yung mga articles patungkol kay Phoenix at Sasha?" I bit my lips at tumango.
"Oh gosh, Faria! Phoenix and that b*tch hurted you! Di ka pa rin ba nadala?"
"I can't help it. I am curious. Atsaka, ako naman kasi ang naunang nanakit. I mean, pinikot ko si Phoenix na magpakasal sakin. Girlfriend nya noon that time si Sasha."
"E nagpapikot naman-"
"Pero nasira ko pa rin ang relasyon nilang dalawa. Kung hindi lang sana ako pumunta sa bahay nila Phoenix at nagpakalasing, hindi sana kami ikinasal. But still, nung kinasal kami. I did my duty as a wife- siguro, inisip ko rin noong oras na iyon na...mamahalin nya rin ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya."
"G*ga ka kasi. Hindi ka pa nadala sa pagiging cold nya sayo at pumayag ka pa talaga na maulit ulit yung nangyari sa inyo noong naging mag asawa kayo."
"Sa kama ko lang naman kasi nararamdaman yung pagiging mabait nya sa akin. Kapag mga normal na araw lang, tahimik lang sya. Tipid lang din magsalita."
"But, he gets jealous sometimes, right? Naalala ko pa na sinapak nya yung asawa ko noong minsang hinatid ka nya sa bahay nyo."
"Ayaw nya lang na machismis na may kabit ako. Kasiraan din yun sa pangalan nya."
"Well, I doubt that." tinigil nito ang sasakyan.
"But, I still can't forgive him sa pagsampal nya sayo. Kag*guhan yon. Men shouldn't lay their hands on women."
"It's my fault too, hindi ko sinabi sa kanya na aksidente kaming nagkita ni Drew. He was my ex boyfriend. Natural lang na isipin nyang niloloko ko sya." lumabas ako ng sasakyan at sinabayan ang paglakad ni Seira.
"He also cheated. He got Sasha pregnant. G*gong yun, dalawa pala kayong pinup*tukan." napangiwi ako.
Nang makarating sa office ay ngumiti samin ang isang babae. Nasa 50's na ito.
"Pwede bang isingit lang? I mean, kahit 8 pm onwards lang." ani ni Seira.
"We can't do that, Seira iha. He's VVIP. Ganon din ang ginawa nya last year. Pinasara nya ang buong pasyalan."
"Sino bang mayamang tao na yan? I mean, may anak ba sya?"
"No. Actually, mag isa lang sya noong nakaraang taon. I heard that he rode multiple rides last year too."
"Isip bata lang?"
"Seira naman. Baka hini heal nya lang yung inner child nya." bulong ko dito.
"It's Mr. Salvatorre." nanlaki ang mga mata ko.
"He's a famous businessman. Maimpluwensya at mayaman sya at kaibigan din sya ng anak ko. I can't say no to him. If you really want that day, you can talk to him. Para naman iyon sa anak mo, iha. Right, Ms. Asunsion?" napalunok ako.
Ano na lang ang sasabihin ko dito?
'Phoenix, pwedeng gamitin namin yung EK ng 8 pm onwards para makapagcelebrate kami ng birthday ng triplets na tinago ko sayo ng limang taon?'
Napailing ako ng maisip yun.
"Hindi na lang po. Siguro po magsisine na lang kami ng araw na yun." ngumiti ng tipid ang ginang.
"May Disneyland na lang kaya tayo? I can help you. May private plane ang asawa ko." umiling lang ako.
"Mapapagod lang sila sa byahe. Atsaka, ibang bansa yun. Walang mga papeles ang triplets." napatungo ito at lumabi.
"But still..."
"Tara na. Showing din naman sa birthday nila yung paborito nilang show. That will do."
"Ikaw bahala."
Papasok na sana ako sa sasakyan kaso nga lang ay natigilan ako.
"Phoenix..." may kausap ito sa cellphone at nakakunot noo. Umiigting ang panga nito na tila nagagalit.
"Hala! Si ex husband mo ba yun?" napalunok ako at tumango. Nasa kotse na si Seira at nakadungaw sa labas.
"Why is he here?" bulong ko sa sarili.
Nagtama ang mga mata namin. Parang nanghina ang tuhod ko. Mas bumagsik ang anyo nya.
(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

BINABASA MO ANG
Hiding My Husband's Triplets
Romance"Leave, Farah." he coldly said to me. "Ha? Why? Did I do something wrong?" naiiyak kong tanong. "Did you thought that I will not know? I knew you were with Drew last month! Magkasama kayo!" "I'm sorry, but I did not expect that we will meet-" Isan...