Chapter 44

4K 264 28
                                    

Farah's POV

"Felicidad!!!" napatigil ako sa pagsimsim ng kape dahil sa isang matinis na boses. Si Joselito lang pala.

Joselito sa umaga, Josie sa gabi— o buong araw na rin.

"Tamang tama, may dala akong mainit na kape. Ang dami palang pandesal dito. Nangingintab sa sarap at tigas!" tili nito.

Ang mga taga ibang bayan na mga babae ay dumayo pa talaga dito. May pakpak nga naman ang balita.

"Ang hot!" sabay na ani ng dalawa habang pinagmamasdan si Drew at Phoenix na nakatopless habang nagsisibak ng kahoy.

"Tagaktak yung pawis nila! I volunteer, pupunasan ko na!" rinig kong sabi ng isang babae.

"Bakit pa pupunasan kung pwede namang dilaan?" tugon ng isa at naghagikgikan sila. I rolled my eyes. Inisang tungga ko ang kape at umalis na.

Naabutan kong naglalaro ang triplets habang nakabantay naman dito si Mama.

"Papasukin nyo na yung dalawa, Ma."

"Hindi. Hayaan mo silang magsibak ng kahoy—"

"Andaming babae sa labas."

"Bakit? Nagseselos ka? Gusto mo ikaw lang makakita ng pandesal?" I gasped. Tumikhim ito.

"Sisihin mo ang kapatid mo. Mula hapon hanggang ngayong umaga, ganyan ang palaging lumalabas sa bibig."

"So, yung pandesal is abs?" tanong ni Faria habang hawak hawak manika nya.

"Yes, nakukuha yun if naggi gym ka." Pixes said.

"Me and Pixes will have it kapag malaki na kami." Calyx added.

Napahilamos ako ng mukha. Sinaway ko sila. Narinig ko naman ang munting tawa ni Mama. Once in a blue moon lang mangyari.

"Farah Asunsion, my prendlalu's sisteret! Sinong bet mo— ow to the em to the gi! Sino ang mga batang ito?!" gulat na tanong ni Josie na kapapasok lang. Kasunod nito si Felicity. Napatakip pa ito sa mga labi.

"Anak nya. Triplets. Kay Phoenix, yung Mexicanong nagsisibak ng kahoy sa labas." bulong na sagot ng kapatid ko.

Lumaki ang mga mata nito at napatili.

"Triplets? OMG! Ilang putok yun, sisteret? Parang ang sherep sherep! Paparetoke ako, gagamitin kong basis ang feslak mo!"

Nilingon ko ang triplets at mukhang nagtataka sila.

"Prendlalu? Sisteret? Feslak? What language is that, Mommy?"

"Ha? Ano..."

"Gay lingo, baby! Ang pretty mo! Mexicana ang features pero ang kutis ay pang Australiana! Kavogue!" pumalantik pa ang daliri nito.

"Hala, thank you po!"

"Ako nga pala ang fairy Ninang Josie nyo!" kumembot pa ito at umikot na ala Miss Universe.

"Pak!" hiyaw nito at nag split.

"Nag agahan ka na ba, Josie? May pagkain dyan sa lamesa. Kumain ka." yaya ni Mama.

"Yes na yes, mader! Busog na busog ako dahil mga pandesal na nasa labas."

"Panong mabubusog e hindi mo naman yun nakakain." sabat ko.

"KJ mo naman, sisteret. Masarap pa rin kayo yun. Ikaw nga tong nabusog ang matres sa tamo—" tinakpan ko ang bibig nya. Nakatingin kasi dito ang triplets.

"What is it, Ninang Josie?"

Sinamaan ko ito ng tingin pero nag peace sign lang ito.

Kumuha na lang ako ng isang malinis na tuwalya. I pouted.

"Ma! May tuwalya ka pa ba dyan?"

"Pinalabhan ko sa laundry yung mga tuwalya dito. Ayang hawak mo, bago lang yan. Kabibili lang nung isang araw."

"Ganon po ba?" kinuha ko na lang iyon at lumabas. Naabutan ko naman sila na nagpapahinga. Umiinom ng tubig sa bote si Drew habang si Phoenix naman ay nakaupo at nakatingala. Mukhang hinahabol nito ang paghinga.

Halos mapairap ako ng makita ang mga babae na tumitili at titig na titig sa kanila.

"Drew." tawag ko dito at lunapit sa kanya.

"Yes, Farah?" napawi ang ngiti at namula nang simulan kong punasan ang pawis nya.

"Pahinga ka na sa loob. Pwede na yung mga nasibak mo."

"How about me?" malamig na tanong ni Phoenix. Nilingon ko sya, agad nanginig ang sistema ko sa sama ng tingin na binibigay nya sa akin.

"P-pwede na rin."

"The towel? Hindi mo ba ako pupunasan?" irita itong tumayo.

"Isa lang ang tuwalya, Phoenix—"

"So, hahayaan mo kong matuyuan ng pawis?"

Sasagot na sana ako kaso nga lang...

"Ako magpupunas sayo, baby boy!" ani ni Josie na tumatakbo sa direksyon namin habang may hawak na pink na tuwalya.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon