Chapter 9

10.6K 247 14
                                        

Farah's POV

"Mommy, sabi sakin Janna uuwi yung Daddy nya galing abroad. Pinapapunta nya ako sa bahay nila kasi marami daw chocolates." Faria said. It was her friend and also, classmate.

"I hope that our Daddy is just on abroad too." Pixes said.

"But, he's on heaven. We cannot see him." Calyx added.

Alam kong hindi ko kailangan pagsisihan na sinabi ko sa kanilang patay na ang ama nila pero tila may balakid sa puso ko. He will not see them. Kapag naghiwalay na kami ay uuwi kami ng probinsya ng mga anak ko. Paninindigan ko ang pagtatago sa kanila. I don't want to hurt them. Ayokong malaman nila na may kapatid sila ngunit sa ama lang. They will be hurt and I don't want that.

"Thank you po talaga, uuwi rin po ako agad." I smiled at 'Nay Anita.

"Okay lang yun, 'nak. Wala rin naman akong gagawin sa bahay."

She's the triplets' nanny. Sya ang kasama ng mga ito pag wala ako. Nasa 40's na ito at malakas pa. Sinusunod din sya ng tatlo.

Nakasuot lang ako ng simpleng dress at stiletto. Sabi ko kay Phoenix ay sunduin nya na lang ako sa tapat ng coffee shop. I was so shocked ng may magtext sa akin kanina ng time and venue. And yes, it was him.

Pagkababa ko ng taxi ay natanaw ko ang kotse nya. Lumapit ako doon at bumaba naman ang salamin nito.

"Hey there, wife."

Pumasok ako sa loob ng kotse. It has mint scent which is my favorite.

"After this, we will have a divorce." ani ko.

"Yes... We will." pinaandar na nito ang sasakyan. Tumikhim ako. Should I start a conversation?

"What do you think about this car?" tanong nya.

"Maganda."

"You like the scent?"

"Yup."

"How about the seat? Is it comfortable?"

"Oo, malambot. Masarap upuan."

"How about me?"

"Ha?!" agad nag init ang pisngi ko. Masarap upuan? Sya? Napalunok ako... Oo...

"Nothing." ani nito na mukhang nagpipigil ng tawa.

"We did it in the car once-"

"Phoenix, just stop!" tinakpan ko ang mukha ko. Pulang pula ako ngayon.

"Magmaneho ka na lang dyan." lumabi ako.

"Alright, wife."

I can't believe it. Did we really had that conversation? Parang di nya ako pinalayas, sinampal at sinaktan five years ago. At talagang may gana pa akong mahiya at kiligin sa mga sinasabi at ginagawa nya. Ganon ba talaga ako karupok?

Nang makarating sa mansyon ng parents nya ay para ako napako sa loob ng kotse. I don't want to go out.

"Hey, get out." binuksan nya ang pinto sa gilid ko.

"I am trying to memorize what I will say." hinigit nya ang braso ko kaya wala akong nagawa kung hindi sundan sya.

"Phoenix and I had a good relationship. But, I felt tired all of a sudden. I want to have a divorce dahil gusto kong maging malaya. Wala na akong nararamdamang sparks sa pagitan namin. That's it. Okay lang ba, Phoenix?" nilingon ko sya habang naglalakad kami papasok.

"Yeah." he boredly replied.

Napasinghap ako ng makarating kami sa sala. Narito ang parents nya. Hindi pa rin nagbabago ang dalawa. They are still beautiful and handsome despite their age.

"Farah, iha. It is so nice seeing you. It's like...five years ago, right?" ani ni Tita. She's smiling widely to me.

Nagbeso ako sa kanilang dalawa. Hinawakan ako ni Phoenix sa bewang at umupo kami sa harap nila.

"You still look good together." ani ng ama ni Phoenix.

"You look more beautiful now, iha." ngumiti ako. Tumingin ako kay Phoenix. Ahm, should I start?

"Let's have a dinner first." aniya. Mukhang nabasa nya ang nasa utak ko. Okay, sige, mamaya na.

Tahimik lang kaming kumakain. Ramdam ko ang init ng titig ng asawa ko. Uminom ako ng tubig at ibinaba iyon. Nanlaki ang ang mga mata ko ng maramdaman ang kamay nya sa hita ko.

"How are you, iha?"

"Okay lang po." hinawakan ko ang kamay nya ng bigla itong tumaas papunta sa sentro ko.

"May gusto po sana akong sabihin." natigilan si Phoenix. Binawi nito ang kamay at uminom ng tubig.

"Phoenix and I had a good relationship-" panimula ko kaso nga lang ay agad akong pinutol ni Phoenix.

"So, we decided to hold a wedding again in a church this time." ani nito na nagpanganga sa akin.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon