Farah's POV
Hindi ako dapat na masaktan, I know. Pero, di nasasabihan ang puso.
"Ofcourse, he's yours. He's your son." I bit my lips when I said that. Sumandal ako sa upuan.
Ramdam ko ang titig nya sa akin. I heard how he sighed.
"You know what? There's a part of me regretting that I passed the divorce paper. Dapat pala hindi ko na pinasa."
"Stop it, Phoenix. Nag usap na tayo. Don't mention the past." ani ko dito.
"But, I keep going back to the past." bulong nito na nagpayuko sakin.
Yeah, me too. I keep going back to the past.
Pagkalapag ng eroplano ay hinawakan ko ang mga anak ko. They are happy. Ang ganda ng gising nila, mga tulog mantika ba naman sa loob ng eroplano.
We are now walking inside of the airport. Malapit na kami sa labas. Nagtaka ako. Andaming tao sa labas. Probably reporters dahil may mga dala itong mga naglalakihang camera.
Tumunog ang cellphone ni Phoenix kaya sinagot nya ito. Nangunot ang noo ko dahil umigting ang panga nito. His face darkened.
"May problema ba?"
"We will use a chopper. C'mon, let's go."
"Bakit chopper? May taxi naman. Wag ka ngang magsayang—"
"Ayun sya!" sigaw ng isang boses.
Nanlaki ang nga mata ko. Papunta sa direksyon namin ang mga reporters. They started taking pictures. Agad kong hinigpitan ng hawak ang mga anak ko. I tried covering their faces gamit ang kamay ko.
Anong nangyayari? Why are they taking pictures of us?
"Sh*t! Where's the f*cking security?!" sigaw ni Phoenix at tinulak ang isang lalaking reporter na malapit na samin.
"Totoo ba na ikaw ang kabit ng fiance ni Sasha Wellington?"
"Anong masasabi mo sa mga taong hinuhusgahan ka sa social nedia?"
"Pwede mo bang sabihin ang opinyon mo sa ginawang statement ni Sasha?"
"Maraming nagsasabi na malandi ka daw at pinaako mo lang kay Phoenix Salvatorre ang mga anak mo—" hindi na natuloy ng reporter ang tanong nito dahil sinapak na sya ni Phoenix. Tumilapon ang katawan nito at nasira ang mic na hawak.
"You f*cking bastard!!"
"Phoenix, t-tama na. Umalis na tayo dito. Yung triplets." pinigilan ko ang maiyak. Umiiyak na kasi ang tatlo.
Sa wakas, dumating na ring ang mga security guards at hinila palabas ang mga reporters.
"Farah, let's go. Nasa rooftop na yung chopper."
Ang bilis ng pangyayari. Inaalo ko ang mga bata. Hindi matigil sa pag iyak ang mga anak ko. They heard it, they heard those questions.
Napapikit ako ng mariin. Ano bang nangyayari?
Pagkababa namin ng chopper ay napagtanto ko na nasa isang di pamilyar na lugar kami. It looks like a castle. May mga matataas na puno ang nakapalibot sa buong lugar.
Bumaba kami mula sa rooftop.
I was right, kastilyo nga ito. Napakalaki at puno ng mamahaling mwebles ang lugar.
Tahimik ang tatlo habang nasa sofa. I tried to talk them— but, did I really tried? Miski kasi ako, hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"Sir..." tawag sa kanya ng isang lalaking pumasok sa sala.
Phoenix held my hand gently grabbed me. Lunayo kami ng konti sa tatlo.
"It's Jasper, my assistant."
Inayos nito ang salaming suot suot at pinakita samin ang screen ng laptop. It's Sasha. It was a recorded live.
"We were planning to get married next month. Yes, the man I am talking about is none other than Phoenix Salvatorre. The CEO of the Salvatorre Inc. and the father of my son. But then, he— he's now in Mexico with his mistress! Her name is Farah Asunsion at may mga anak sya, it was three children to be exact. I investigated her and you knew what I found? Iba't iba ang ama ng anak nya, puro panganay sa kung sino sinong lalaki. Please, help me. I am in the middle of depression right now. Ang sakit sakit. They cheated on me! Lalo na ang malanding babaeng yun! Netizens, please, let her feel what she needs to feel." the video stopped.
⭐️100 VOTES TO UNLOCK NEXT CHAPTER⭐️

BINABASA MO ANG
Hiding My Husband's Triplets
Romance"Leave, Farah." he coldly said to me. "Ha? Why? Did I do something wrong?" naiiyak kong tanong. "Did you thought that I will not know? I knew you were with Drew last month! Magkasama kayo!" "I'm sorry, but I did not expect that we will meet-" Isan...