Farah's POV
I am currently driving my car, papunta ako ngayon sa condo ni Phoenix.
Bakit ako pupunta? Tumawag kasi sya sakin at malat ang boses nya.
"May lagnat ka 'no?"
"Wala." irita nyang ani.
"Where are you? Nasa company ka ba?"
"Condo."
"I see. Pwede pumunta?" nakagat ko ang labi ko. Rumurupok ka na naman, Farah!
"Yeah. Please do." napalunok ako ng marinig kung gaano ka husky ang boses nya. Ang hot— D*mn it! Siguro sa lagnat lang kaya ganon, yes tama! Dahil sa lagnat!
Kumatok ako at pinihit ang seradura, agad na bumukas iyon. Hindi ba sya nagla lock ng pinto?
Dumiretso ako sa kwarto namin— I mean, kwarto nya. And there he is, nakatalukbong ito ng kumot.
"Dapat nagla lock ka ng pinto. Kahit mahigpit ang security ng condominium na 'to, kailangan mo pa rin maging maingat." dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"Hoy, Phoenix." kinalabit ko ang kumot.
"Hoy— Kyahh!" napatili ako ng hawakan nya ako sa bewang at ihiga sa kama. I still can't see him. Natatakpan pa rin sya ng kumot.
"Don't be playful. May sakit ka na nga e."
"It was just a simple headache." sagot nito.
Pinilit kong tanggalin ang kumot. Nakasimangot ito nang mapagtagumpayan kong matanggal ang kumot.
"Simple ka dyan? Your eyes looks so dull. Lulutuan kita ng soup. May dala rin akong gamot dyan." tumango lang ito.
"Do I need to get naked?" nanlaki ang mga mata ko.
"At bakit naman?"
"Sabi ni Abram sakin. Kailangan daw nakahubad para makalabas yung init ng katawan." napangiwi ako at sabay nangunot ang noo.
"Akala ko ba di kayo close ni Abram?"
"Business partners, kahapon lang." niyakap nito ang unan at prenteng nahiga.
"Ganon? Ayy, basta! Di mo kailangan ng ganon! Pwede naman nakasando ka lang tapos shorts, yung komportable at di mainit na tela dapat. Sige na, magluluto na ako."
"Noted, wife." ngumisi ito. Pinigilan ko naman ang mapangiti. As much as possible, pipigilan kong mahulog sa mga ngiti nya.
Sinimulan ko ang pagluluto.
"He did not change it?" bulalas ko. Lahat ng mga kitchenware at mga lalagyanan ng mga rekados ay ganon pa rin ang pwesto kahit na limang taon na ang nakararaan. Maayos na nakasalansan ang asin, asukal, toyo at iba pa.
"This is the way I arranged them." bulong ko. Parang may humaplos sa puso ko. He still remembered it. Agad akong napailing, hindi ako aasa.
Naamoy ko ang mabangong aroma ng soup. I smiled. Luto na ito.
Dahan dahan kong dinala ang tray kay Phoenix. Nakaupo na ito at nakasandal sa headboard ng kama.
"It smells good."
"Syempre naman. Ako nagluto e." he chuckled.
Habang kumakain sya ay naupo ako sa gilid ng kama.
"Uminom ka ng gamot pagkatapos mong kumain. Uuwi na rin ako kapag nakainom ka na."
"Can you stay here for like an hour more?"
Nag iwas ako ng tingin. Kasama ng triplets ang nanny nila kaya ayos lang kung mali late ako ng konti. But still, nasabi ko sa kanya na bigyan ako ng oras para mapag isipan ang sinasabi nyang chance. Kung papayag ako ngayon, baka isipan nyang bumibigay ako—
"Please, wife?"
"S-sige!" gusto kong batukan ang sarili nang mabulalas ko yon.
Iniligpit ko ang kinainan nya. Pinainom ko na rin sya ng gamot kahit na ayaw nya.
"I don't like medicines." ngumiwi ito.
"Inumin mo na!" sigaw ko rito. Ilang minuto na rin kaming nagsasagutan.
"Iinumin mo o isusungalngal ko dyan sa bibig mo?" nawawalan ng pasensya kong ani.
"Ayoko nga, Farah. Ang pangit ng lasa nyan."
"Ang tigas ng ulo mo!"
"Yes, I know. Parehas matigas, sa taas at sa baba." nangunot ang noo ko.
"Wala ka namang ulo sa baba."
Nagpigil ito ng tawa.
"Can't believe that you are still innocent even after what happened to us." umiling iling ito.
"Ewan ko sayo. Di ko gets sinasabi mo, inumin mo na 'to. Bilisan mo na."
Wala syang nagawa kung hindi inumin ito.
"I want to kiss you right now." ngumisi ito.
"Ha?"
"But I will not do it kasi may sakit ako, ayokong mahawa ka. When I get better, ready your lips, wife."
(Don't forget vote after you read this chapter, thank youuu)

BINABASA MO ANG
Hiding My Husband's Triplets
Romance"Leave, Farah." he coldly said to me. "Ha? Why? Did I do something wrong?" naiiyak kong tanong. "Did you thought that I will not know? I knew you were with Drew last month! Magkasama kayo!" "I'm sorry, but I did not expect that we will meet-" Isan...