Chapter 41

11.3K 374 18
                                        

Farah's POV

"Eyy! Pang Wattpad ang datingan!"

Kasalukuyang kinukulit ng triplets ang ama ng mga ito.

"Kamukha nya yung triplets, sya ba ang fatherlulu?"

"Oo."

"Taray, ganda ng genes! Pasabi naman sa kanya kung pwede magpalahi— Aray!" kinurot ko sya sa bewang at sinamaan ng tingin.

"Wala na kayo? Ang sabi sakin ni Drew ay nagkalabuan lang daw kayo, tapos ngayon, divorced na kayo?" nakasimangot na naman si Mama.

"Opo, Ma. N-napagdesisyunan naming dalawa na maghiwalay na lang—"

"Bakit Tito yung tawag ng mga bata sa kanila?" singit naman ni Felicity.

"Hindi nila alam na si Phoenix ang tatay nila. Sinabi ko na...wala na ang ama nila—"

"Taray, taguan ng anak ang atake!" marahas akong napabuga ng hangin. Konti na lang ay kukurutin ko na ulit si Felicity.

"May balak ka bang sabihin sa kanila?" tanong ni Mama.

Tumango ako. Mahirap pero kailangan kong sabihin sa kanila. Actually, naisipan ko na yung dati, nung birthday nila, but then, it didn't happen.

"Pasyal po tayo dito, Tito Phoenix!" ani ni Faria na nakapasan na naman sa likod nito.

"Ayy, papasyal daw! Ate, ipasyal mo dito! I tour mo!"

"Farah, pumasyal kayo pagkatapos nating kumain."

Ako, si Phoenix at ang mga bata? Hindi kaya mag away lang kami nito. Plus, mapapansin yun ng mga bata. As much as possible, nag iiwasan kami, may pader sa pagitan namin.

"Kayo na lang po kaya, Ma. Pagod pa kasi ako—"

"Ako na lang, Ate! Bago ko sya ipasyal sa barangay natin, itu tour ko muna sya sa kwarto ko at ipapalasalap ko sa kanya ang galing ng isang Felicity Asun— Aray! Sabay nyo pa talagang kinurot ang bilbil ko!"

"Farah, sige na. Mamasyal kayo." ang mataray na tono ni Mama ang nagpatango sakin.

"Ano, san mo gusto mo pumunta?" tinaasan ako ng kilay ni Phoenix. Kakatapos lang naming magsimba.

"Hala, Tito, bili tayo nun!" ani ni Pixes habang nakaturo sa lobong spiderman ang tatak.

"Let's go." ani nito. Hindi nya sinagot ang tanong ko.

Pinuntahan namin ang nagtitinda ng mga lobo. Agad itong ngumiti samin.

"Keep the change." aniya at binigay ang isang buong isang libo.

"Po? Pero—"

"Keep it."

"Yehey! Ang pretty!" tinignan ko sila. Tinatago ni Phoenix ang pagngiti, his eyes are smiling though.

Agad tumahip ng malakas ang dibdib ko ng magtama ang tingin namin, agad akong nag iwas ng tingin.

Naglalakad na kami pauwi. I can sense awkwardness between us. Panaka naka rin ang pagtingin nya sa tyan ko.

"Let's stop at the park. Play muna kayo." masuyong ani nito sa mga bata.

"Dun tayo!" aniya ng isa at sumunod naman ang dalawa. They started to play.

Parehas kaming nakatingin doon.

"Still no bump?" bulong nito. Agad akong umiling at napapikit ng mariin.

"Farah?" sabay kaming napalingon. I gasped.

"Drew?"

"F*cker." bulong ng katabi ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" lumapit ako sa kanya. Tsaka ko lang napansin ang kulay green na sasakyan nito sa likod. Lumabas dito ang isang lalaki— Tariq! It's him!

"May client akong kakausapin dito. Sumama lang 'yang isang yan." baling nya dito.

Kinawayan kami nito at walang emosyon kaming tinititigan.

Nangunot ang noo ko. Something changed on him. Di ko lang mawari kung ano.

"Kasama mo pala ang triplets." I just nodded.

"Let's go home." ani ni Phoenix.

"Ha? Pero..."

"Pupunta ba kayo kila Mama?" nakangiti— nang aasar na tanong nito.

"Mama?" agad akong nagtaka.

"Sabi kasi nya ay tawagin ko syang 'Mama', dahil dun din naman daw ang punta non." agad akong napasinghap.

Suddenly, biglang uminit ang paligid. I can sense heat between this two. They are giving each other a dagger through their eyes.

"Ahm, ano..."

"Tara na, pre." tinapik ni Tariq ang balikat ni Drew. Mukha naman itong natauhan at tumikhim.

"Gusto ko sanang bumisita kila Mama. Pwede ba, Farah?"

"Ayos lang naman—"

"Hindi pwede." malamig na ani ng katabi ko.

"I am asking for Farah's opinion, not yours."

Nag igting ang panga nito. Lalapitan nya na sana ito kaso nga kang ay pumagitna ako.

"Pwede naman, Drew. Sabay sabay na tayong pumunta sa bahay."

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon