Chapter 12

11.5K 238 5
                                        

Farah's POV

Nang makarating sa restaurant ay nakita ko agad si Phoenix. Umupo ako sa harap nya at tipid na ngumiti.

"What do you want to eat?" tanong nito.

"Ikaw bahala." tugon ko.

Sya na ang nagsabi ng order naming dalawa. Nangunot ang noo ko ng banggitin nya ang isang order. How did he knew that I like spare ribs?

"Don't frown. If you are wondering on how I knew you like spare ribs. It was because of your wishlist." agad akong nagtaka.

"Ha? Wishlist? Ano yun?" ngumisi ito.

"Year End Party noong college tayo. Nilagay mo sa wishlist mo 'one tupperware of marinated sweet and spicy spare ribs'. Remember now?"

Napanganga ako. Nakita mo ang pagpipigil nito ng tawa.

Yes, I did. Iba ang kurso nila Phoenix noon pero pumupunta ito sa room namin. Classmate ko noon si Sasha kaya di na nakapagtataka. But then, how did he remembered it? Hindi pa naman kami nagkakakilala noon. We just met a month before our graduation.

"I don't like how you stare at me. Seems like you have too many questions on your mind- but, if you will ask, I will not answer it."

I was craving that time with the sweet and spicy spare ribs that time kaya iyon ang nilagay ko. Malay ko bang malalaman nya yun. Inirapan ko sya.

"Hmm, so why did you agree to have a dinner date with me?" tanong nito pagkalaunan.

"It was just a simple dinner, Phoenix. Drop the 'date' part because it is not one." ngumisi lang ito.

Lumipas ang ilang minuto at tahimik lang kaming kumakain. Tumigil sya saglit at mataman akong tinignan.

"I am serious about what I told you. I want to marry you again." umiling iling ako.

"Ayoko, Phoenix." you have Sasha now. Bakit ganito ang sinasabi mo sakin?

Bumuntong hininga ito.

"Mapapapayag din kita." mahinang ani nito na ikinailing ko.

"By the way, yung coffee at cupcakes na inorder mo, where did you use it? Maybe, sa event?" curious kong tanong. Tinatanya ko ang reaksyon nya.

"I already told you. You don't need to know, wife." I sighed. Ang tigas nya- I mean, matigas na as in di ko mapaamin.

Dumekwatro ko at isinandal ang katawan sa upuan. Pinagkrus ko ang kamay sa tapat ng dibdib ko. Sumasabay ang mata nya sa bawat paggalaw ko. I gulped.

"Tell me, Phoenix. Where did you use it for? I thought at first that you just ordered a lot of it because you want to piss me off, but I guess I was wrong."

Tumaas ang kilay nito at uminom ng tubig.

"You saw them?" tanong nito at tumango ako.

"You are heartless, Phoenix. It's so impossible for you to do that." ani ko na ikinangisi nya.

"If I am heartless, why am I trying to win you back?" mahinang bulong nito na hindi ko masyadong narinig.

"Anong pinagsasabi mo dyan?"

"Nothing." agad na tugon nito.

"It was because of Nay Ising." tinagilid ko ang ulo ko. Ang mayordoma ng mansyon?

"Her son went missing when he was eight years old. She found him five years ago but it was too late. Noong nawala ito ay naging pulubi ito at nagpalaboy laboy ito sa kalsada. He d*ed out of starvation. This is the same day he went missing. Ginagawa ko na ang pamimigay sa kanila mula noong mangyari yun." tumango tango ako.

Naramdaman ko ang pakiramdan ng may humaplos sa puso ko.

"You've changed." ani ko. Nabigla ako. And so as he.

"Yes, I changed. For the better. To be better for you." seryosong ani nito. Nahigit ko ang paghinga. His stares are making me uncomfortable.

"Aalis na ako. Tapos na rin naman akong kumain." tumayo ako at akmang aalis na.

"Listen to what I will say, Farah. I am f*cking serious about this."

Nagtitigan kami. I sighed at nanghihinang napaupo sa upuan.

"What is it? I don't want to hear nonsense and hurtful things from you again." umiling iling ito. Tinikom ko ang mga labi ko.

"Farah, I want to make things right this time. I will never hurt you again. Please, can you come back to me?"

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon