Chapter 6

12.5K 249 2
                                        

Farah's POV

"Here." inabot nito ang tissue sa akin. Nang hindi ko tanggapin iyon ay sya na mismo ang nagpunas sa akin.

I can't talk. Galit ako sa kanya. Pero nagawa ko ang bagay na iyon. We just had s*x! Sa office ko pa talaga.

"Ano bang gusto mo, Phoenix?" tanong ko matapos kong ayusin ang sarili ko.

"You." sinamaan ko sya ng tingin.

"You told me na hindi pa tayo hiwalay. Let's divorce."

"No, we can't. Sinabi ko na sayo na gusto kang bumalik ng parents ko. They want to see you." parents lang? Tumikhim ako.

"Hindi mo ba sinabi sa kanila na naghiwalay na tayo? You have Sasha now."

"They don't know that Sasha and I got back together. Ang akala nila ay tayo pa ring dalawa. I told them that we went to Singapore and had a misunderstanding. Umuwi ka lang dito last year, at sumunod naman ako."

"How can you lie to your parents like that? Tita will get mad at you."

"We had a misunderstanding kaya hindi ka pumupunta sa bahay. Then, when they requested that they want to see you, I agreed, cause we already fixed our problem."

"What do you want me to do?"

"Go there and explain yourself." simpleng ani nito. I chuckled.

"Explain that you told me to leave and you want a divorce because you will marry Sasha and you have a child with her now?"

"Ofcourse, that's not what I mean, woman!" his forehead creased. Naiirita nya akong tinignan.

"Ano ba?"

"Tell them that you left me because you have your own f*cking reasons and you want a divorce. Simple as that." agad nag init ang ulo ko.

"You b*stard! Gusto mong ako pa talaga ang pagmukhaing masama sa paningin nila?"

Itinulak ko sya na ikinangisi lang nya.

"If you do that, I will sign the divorce papers. I will submit it. Kung gusto mo, isasama pa kita pag sinubmit ko yun."

The offer is tempting. Mawawalan ng bisa ang kasal namin pero magiging masama naman ang tingin ng pamilya nya sa akin. But, I need to get away from him. Kailangan ko pa bang isipin kung ano ang mga sasabihin nila sa akin?

"Fine. I will do it." nagkibit balikat lang ito. He smiled. A smile of victory.

"I will text you the date and time. Don't be late."

"How can you text me? Hindi mo alam-"

"I know a lot of things, wife." halos kumalabog ang puso ko ng tawagin nya akong ganon.

Ipagdadasal ko na di kasali ang triplets sa 'I know of things' mo.

Pabalik na ako sa condo ko. Saktong naabutan ko rin si Nay Anita, ang nanny ng triplets na kalalabas lang ng pinto at hawak nito ang cellphone.

"Farah, iha. Buti na lang at nandito ka na. May babae sa loob. Nagpakilalang nanay mo daw. May picture kayong dalawa mula noong bata ka hanggang sa magdalaga ka kaya naniwala ako." napasinghap ako sa sinabi nya.

Agad kong sinabi kay Nay Anita na umuwi na sya. Tutal, ilang minuto na lang at off na nito. Huminga ako ng malalim. Bubuksan ko na sana ng pinto ngunit bumukas ito. Napaatras ako.

"Ma..." tawag ko sa isang ginang na nasa harapan ko. Sya ang nanay ko, purong Pinay ito. Dati itong OFW sa Australia, nagkaroon sila ng relasyon ng amo nya ngunit hindi sya pinanagutan ng ama ko.

"Nasa taas na ang mga anak mo at pinatulog ko na." matigas nitong ani. I gulped. Galit ito.

"Tinawagan ko ang kapatid mo at napilit ko na ibigay ang address mo. Mukhang kailanmay hindi iyon nakapunta dito. Sabi ko'y bibisitahin kita- at di ko inaakala na ito ang madadatnan ko. Ilang taon na mula noong umalis ka sa probinsya at ngayon- ito ang makikita ko?"

"Pasensya na po, Ma."

"Sabi mo noon na gusto mong mag aral dito sa Manila kaya pinagbigyan kita. Hinayaan kita- tapos ito ang dadatnan ko?!"

"Sorry po." napayuko na lang ako. I kept it a secret from them. Hindi nila alam na nagpakasal ako at nagkaanak.

"Nasaan ang asawa mo? Kakausapin ko sya!" umiling lang ako. Magiging magulo kapag nalaman nya ang tungkol kay Phoenix.

"Magsalita ka, Farah! Nasaan ang ama ng mga batang yon?!"

"Ma, sorry po-"

"Wag mo sabihing naanakan ka lang?"

"Hindi po sa ganon, Ma."

"Edi nasaan-"

"I am your daughter's husband, Mam." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Lumingon ako at napasinghap.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon