Chapter 7

11.1K 226 2
                                        

Farah's POV

"Ikaw?" tinignan nya ito mula ulo hanggang paa.

"Opo, Mam. Patawarin nyo po kami kung nilihim namin sa inyo." ani nito.

"Ako nga po pala si Drew Centillion." dagdag nya.

"Bakit hindi nyo sinabi sa akin ang kasal nyo? Anong dahilan?"

"Mahaba pong kwento. Kung gusto nyo po ay iku kwento ko po sa inyo bukas. Gabi na rin po kasi." ani ni Drew.

"Pinapaalis mo na ba ako, iho?"

"Hindi. It's just that- masyado na po kasing gabi. I am also going to check our children if they suddenly wake up." ngumiti ng alanganin si Drew.

"Anong trabaho mo?"

"Architect po ako. Actually, ako po ang nag design ng isa sa mga bahay na nadaanan nyo papunta dito. Yung three storey po doon." tumango tango si Mama at ngumisi. Mukhang nagustuhan nito ang sagot ni Drew.

"Aalis rin ako ngayong gabi dahil may pupuntahan din ako dito sa Manila. Farah, pumunta kayo ng probinsya sa susunod na buwan. Kayong pamilya ang ibig kong sabihin."

"S-sige po, Ma." yun na lang ang nasabi ko.

Nang makaalis si Mama ay hinila ko papasok ng bahay si Drew.

"Bakit mo yun ginawa?"

"You look scared earlier. Pumunta ako dito para bigyan ng pasalubong yung triplets. Kakauwi lang kasi ni Papa galing Italy. Then, I saw you and your mother. I overheard what you are talking about. Naisip kong makialam kasi mukhang natatakot ka. I am sorry if you didn't liked what I did. Lilinawin ko rin sa Mama mo, pupunta rin ako ng probinsya nyo para magpaliwanag sa kanya." I sighed. Dapat ba akong magalit? I think no. Tinulungan nya pa rin ako. Wala akong masagot kay Mama patungkol sa asawa ko. He helped me get through with it.

""It's fine, Drew. Salamat sa ginawa mo. Di mo na kailangan pang pumunta ng probinsya, ako na ang magpapaliwanag kay Mama." I smiled at him. Wala na akong magawa ng yakapin nya ako. I just hugged him back. And then, I realized something. He doesn't know that I am still married to Phoenix.

Eksaktong 7:00 am ay binuksan ko ang coffee shop. Nilinis ko ito at isa isang dumating ang mga trabahante ko.

"Good morning." I greeted them.

"Mam Farah, may sasakyan po sa labas. May poging naghahanap sayo." Diana said.

Lumabas ako ng coffee shop at nahigit ko ang paghinga. It was Phoenix Salvatorre. Nakahilig ito sa kotse habang matamang tinitignan ako.

"What do you want?" tanong ko pagkalapit dito.

"I am going to have a coffee in my wife's coffee shop." I sighed. Nameywang ako.

"Then, hindi ka ba papasok?" dapat pinapaalis mo sya, Farah!

"Papapasukin mo ako?"

"My coffee shop is open to all." napalunok ako ng tumaas ang sulok ng labi nya.

"So, it's open? Hmm, there is other thing that I want to open right now." bumaba ang tingin nito sa binti ko.

"Ang b*stos mo, Phoenix!" he chuckled.

"Is it a sin to be tempted to my wife?" inirapan ko sya.

"Bahala ka sa buhay mo." tumalikod na ako at akmang aalis na.

"You look more sexy right now. Your curves were more defined. Especially, the size of your br*ast-" humarap ako sa kanya.

"Bawal ang m*nyak sa coffee shop ko, Mr. Salvatorre." ani ko tsaka umalis na.

Hawak hawak ko ang kaliwang dibdib ko nang makapasok sa shop. Nagtimpla ako ng kape at ininom ito. F*ck! Hindi pa rin nagbabago ang asawa ko! Berde pa rin ang utak.

Habang nasa office ay tinitignan ko ang monthly sales namin. I am assessing kung ano ang pinakamabenta sa hindi. Maybe, I will consider in launching a new coffee-

"Mam! May malaking gulo po sa labas!" ani ni Diana pagkabukas ng pinto.

"What happened?" lumabas ako at sumabay sya sa paglakad.

My eyes widened when I saw what's happening. Nakatumba ang table at upuan, nagkalat din ang kape sa tiles.

"Gusto ko lang naman na mag usap tayo e!" sigaw ng isang lalaki sa babae. Maybe, an LQ between them?

"Sir, huminahon po kayo-" ani ko at lumapit. Hinawakan ko ang braso nito kaso nga lang...

"P*t*ng i*a, wag kang mangialam dito!" malakas nya akong tinulak at tumama ang likod ng ulo ko sa gilid ng lamesa.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon