Farah's POV
"Iho." sinalubong kami ni Madam Victoriana, may ngiti ito sa labi. Sumigla ang anyo ng mukha nito nang makita ang triplets.
"Ang mga apo ko!" niyakap nya ito isa isa. I saw how Phoenix smiled.
"Iha, Farah." baling nya sa akin.
"Nagkausap na ba kayo ng apo ko?" tumango na lang ako. Nakita ko ang pagtango nya.
"Pumasok na kayo sa loob. Hinihintay na kayo nila Isidro." ito ang ama ni Phoenix. Her eldest son.
Habang papasok ng bahay ay rinig ko ang kalabog ng puso ko. I am nervous— a hand held my hand, lumingon ako dito. Walang emosyon ang mukha nya.
"Stay still. Your hand is too cold."
"Oh my?! Ito na ba ang mga apo ko?!" aniya ng kanyang ina pagkakita kila Faria.
Isa isang nagpakilala ang tatlo. Napangiwi ako ng banggitin nila ang apelyido ko, nakita ko rin ang pagbalatay ng gulat sa mga mata nila ng hindi ang apelyido ni Phoenix ang binanggit nila.
"Para akong nakakita ng dalawang mini version at mini girl version ni Phoenix!" puri ni Tita.
"Kumain muna tayo. Marami akong inihanda. I don't have an idea kung anong favorites nyo so marami kayong pagpipilian." dagdag pa nito. Alanganin akong ngumiti nang magtagpo ang mata namin.
Habang kumakain ay dinadaldal ng tatlo ang lolo at mga lola nila. I was still amzed by their family, purong mga Mexicano ang mga ito ngunit matatas sa wikang Filipino.
"We will visit your Lola Fedelino's grave tomorrow." ani ni Madam Victoriana. Ito siguro ang asawa nito.
"Farah..."
"Hmm?" nilingon ko si Phoenix. Malapit ang mukha namin sa isa't isa. Mahina rin ang boses nya kaya kaming dalawa lang ang nagkakarinigan.
"I already told them that we are already divorced."
"You told them?"
"Yes, they were upset about it, naisipan pa daw natin magdivorce kung kelan nalaman kong may mga anak tayo."
Nagbaba ako ng tingin. Hinawakan ko ang tyan ko. Should I clear the misunderstanding?
"I didn't told them that you are pregnant. Ayokong pangunahan ka. It's your decision to make." marahan nyang hinaplos ang kamay ko at tipid na ngumiti.
Parang may balakid sa lalamunan ko. His smile...is different. Masuyo yun pero di na katulad ng dati.
"Thank you, Phoenix." bumalik na ko sa pagkain.
"Do you want to go to Mexico, kids?" biglang tanong ni Tito na nagpalaki ng mga mata ko.
"Mexico? I want to go there!" Faria exclaimed.
"I've seen it in movies, it was such a good place!" Calyx said.
"Do we get to wear cowboy hats, like in Mexican films? Can we ride a horse?" Pixes added.
"I will schedule our flight then, how about you Farah?" I bit my lips. Tumango ako.
"Sige po."
"We have a horse. In my ranch in Mexico." Phoenix said.
"Ayun po ba yung horse na sinakyan mo sa picture frame na nakasabit sa house mo po?"
"Yes, his name is Dark. He's friendly." Phoenix replied.
"Can we ride him?" Calyx asked.
"Yup, and you will get to wear cowboy hat while you are on top of him."
"Ikaw, Farah? Marunong ka bang sumakay sa kabayo?" tanong ni Madam Victoriana.
"Hindi po. Hindi ko pa po nasusubukan." turan ko, halos mahigit ko ang paghinga nang bumulong sa akin si Phoenix.
"Pero magaling kang mangabayo. If you know what I mean." aniya sabay kindat sa akin. Agad namula ang buong mukha ko.
Seriously, infront of the kids and his family? Arrgh!
"You should teach her, Phoenix. My grandson competed before in a race and he always won first place." tumikhim at pilit na ngumiti sa ginang.
Ngumiti naman ang damuhong si Phoenix. Tumingin ito saglit sa tyan ko at lumamlam ang mga mata.
"I'll teach her. Pero, hindi sa ngayon." makahulugan itong tumingin sa mga mata ko.
Looks like I am right. He's thinking na makakasama sakin kung sasakay ako sa kabayo. I sighed. I should make myself clear then.
"Let's talk later." bulong ko rito.
Natapos na kaming kumain. They played with the triplets. Hinila ko si Phoenix papuntang garden. I was biting my lips.
Nangunot ang noo ko nang biglang sumakit ang puson ko. Hinawakan ko iyon.
"What's the problem?" tanong nito pagkaharap sakin.
"Phoenix, kasi ano—" natigilan ako...Kinuyom ko ang kamao ko.
I can feel it. Oh no...
"We'll just talk later!" ani ko at tumalikod. It's on my bag, palagi akong may dalang ganon in case—
"F*ck, Farah! You are bleeding. Sh*t! We need to get you in the hospital! Your baby might— let me carry you!" aniya na ikinanganga ko. Agad nya akong binuhat at tumakbo papuntang kotse.
Wrong timing. Ngayon pa talaga ako nagka mens.
A/N: Hi readers! May story nga pala si Drew, you should try to read it! Just like what I said, hindi green flag si Drew HAHAHA
(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

BINABASA MO ANG
Hiding My Husband's Triplets
Romance"Leave, Farah." he coldly said to me. "Ha? Why? Did I do something wrong?" naiiyak kong tanong. "Did you thought that I will not know? I knew you were with Drew last month! Magkasama kayo!" "I'm sorry, but I did not expect that we will meet-" Isan...