Chapter 30

10.9K 302 22
                                        

Farah's POV

Hindi maipinta ang mukha ko habang nag i scroll sa social media. Ilang araw na rin palang trending ang billboard na iyon. Hindi ko lang nakita dahil noong nasa Hong Kong kami ay di ako nagbukas ng kahit na anong social media account.

'Sanaol, pinapabillboard.'

'Magbalikan na kayo.'

'Wag mo ng balikan, sasaktan ka lang nyan.'

Napakurap kurap ako. Gusto ko sanang i like ang pangatlong komento kaso nga lang ay pinigilan ko ang sarili.

'Grabe naman si guy.'

'Kilala ko kung sino yang dalawa. Sikat si guy sa university namin dati at si Miss Half Aussie naman ay kilala rin dahil pretty din sya.'

Napanganga ako sa comment na yun. Maraming reacts at reply. Binasa ko ang mga reply. Lahat nagtatanong kung sino daw ang mga iyon.

Agad ko inistalk ang profile ng nag comment. A dummy account. But, the bio is familiar.

'M.Z'

I rolled my eyes. It can't be her, right? May kumatok at binuksan ang pinto.

"Mam, may naghahanap po sayo sa labas." ani ni Diana.

"Sino daw?"

"Miriana daw po." nangunot ang noo ko. Then, I suddenly remembered the one who commented on the post. That's right!

Nakasimangot ako nang pumunta sa isang table. Naka sunglasses pa ito at sopistikada ang ayos ng itsura.

"Hi, Farah." she smiled. It's her, my batchmate when I was in college, Miriana Zarosa, a former beauty queen.

"Why are you here, Miriana?"

"Just visiting a friend. You're really famous right now." ngumisi ang mapula nyang mga labi.

"Phoenix Salvatorre, right? It's him." dumekwatro ito at pinasadahan ako ng tingin.

Miriana Zarosa is also famous when we were in college. Palagi kaming napagkukumpara nito.

"I am getting married to a Dela Fuente. You know, the politicians here." tumaas baba ang kilay nito.

"So?"

"I'm inviting you." natawa ako ng pagak.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?"

"So, in return of inviting you, I need money. Give me some money, dear." natawa na lang ako.

"Get out of my coffee shop, Miriana—"

"I was in Hong Kong a few days ago. I saw you and your children. You were with Architect Centillion, right? Akala ko pa nga anak nyong dalawa ang mga batang yon— until, I saw the kids' faces. They look like Phoenix. Hmm? So, what happened, Farah?" nakuyom ko ang kamao ko.

"Affair? Hindi ka sinusustentuhan? Or maybe, di nya alam na may anak kayo? Which one?"

"Shut up, Miriana!"

"I took pictures. Ilalabas ko sa press kapag di mo ko binigyan ng fifty thousand, right now."

Pinigilan ko ang sarili na sampalin sya. Maraming tao sa coffee shop.

"Let's go to my office." naramdaman ko ang pagsunod nya sa akin.

"So, where's my fifty thousa—" isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya nang makarating kami sa office.

"I don't know why you really hate me, Miriana. Pero wala kang karapatan na iblackmail ako." Tumawa ito at asar akong tinignan.

"I will tell the press about this. I will tell them that Phoenix is married and has a children—"

"Then, I will tell the press too that you have a child." gulat nya akong tinignan.

"I knew you hid your child five years ago, Miriana. Three years ago, you lied saying that you don't have a child and still compete in the pageant. How do you think people will react?" she gritted her teeth.

"How did you find out about Maggy?" ang tinutukoy nito ay ang anak nito.

"Your fiance, Martini is a friend of Drew. Nakwento nya na may anak kayong dalawa— and you are not really a great mother—"

"Shut the f*ck up! I will tell Phoenix about this!" galit na galit nitong ani.

"Then, tell him. I will make sure that your name will be on the tabloid as well." nagsukatan kami ng tingin. She scoffed.

"Such a b*tch, given that you are pretty, but Sasha is more innocent looking than you. Can't believe that he had an eye on you."

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

"I still remember what he said back then, you know, noong foundation week noong college tayo."

"Wala akong oras para alalahanin ang nakaraaan—"

"Pumunta silang dalawa ni Sasha sa wedding booth, pero alam mo ba kung anong sinabi nya? He told everyone that he will not marry anyone except Miss Half Aussie— and you are the only half Australian in our university. So lucky." inirapan ako nito at umalis na.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon