Chapter 25

4.4K 170 8
                                    

Farah's POV

Parang naumid ang dila ko. It's Noah. Ang anak nila Phoenix at Sasha.

"What's your name?" tanong nito pagkalaunan.

"I am Farah...Asunsion." it was right for me to use that surname. Kahit kasal kami ni Phoenix ay di ko kayang banggitin sa harap ng bata ang apelyido nya.

"I hate you." parang piniga ang puso ko nang marinig iyon.

"Are you really getting married to my Daddy? Then, he will left me and Mommy?" umiling iling ako.

"I found out about your coffee shop when I saw the note on Daddy's bedside table. I was curious... but my Mommy said that he's going out with another woman. Naisip ko na baka nandito ang babaeng gusto ni Daddy. It's you. I still remember that ring. I thought he will give it to Mommy but I am wrong."

"I'm sorry." napaiyak na lang ako. Napatakip ako ng bibig dahil ayokong marinig nya ang hagulgol ko.

"Don't take Daddy away from us. Daddy is for my Mommy only." lumapit ito sa akin at pinagdikit ang dalawang kamay. It is as if he's...begging.

"Please, wag mo po syang kunin samin. Please po, Ate Farah. I will be a good kid from now on. I will say 'po and opo', and I will be respectful too. Wag mo lang kunin ang Daddy ko po samin." napailing iling ako. This kid... He shouldn't be doing this.

"I am sorry, Noah— No, honey! Don't kneel, baby!" pinigilan ko sya ng mukhang luluhod na rin sya.

"I will never take away your Daddy, okay? I will not do it. Don't cry, baby. I don't like seeing tears, especially a child's tears. It hurts me so much." pinahid ko luhang naglalandas mula sa mga mata nya.

"I want to have a complete happy family. Promise me po, Ate Farah." tumango tango ako.

How can this be? Ito ang pinakatatakutan ko. This kid is too young for him to be experiencing this. I don't want to be selfish and keeps hurting this child.

"Yes, I promise." I smiled at him. He smiled too.

I am smiling but deep inside, nasasaktan ako.

Nakauwi na si Noah. Sya mismo ang tumawag sa nanny nya at nagpasundo dito sa coffee shop.

Tinignan ko ang walk clock. 9:15 p.m. I sighed. Phoenix and I agreed to meet. Mukhang pupunta kami sa EK, just like before noong birthday nya.

Kinuha ko ang cellphone at dinial ang number nya.

"F*ck, Farah! You are not answering my calls! Nasaan ka? Your coffee shop is closed. I had to pull some strings at pinuntahan kita sa bahay mo pero walang tao!" I smiled weakly. Buti na lang nakaalis na ang triplets.

Tinignan ko ang paligid ko. I am in a convenience store. Dito na rin ako nag gabihan.

"Where are you?" tanong ko.

"Parking lot. I am tracking your phone."

"No need. I will go to you. Dyan ka lang sa condo mo." tumayo ako at lumabas na. Binaba ko ang tawag.

Habang nagmamaneho ay di ko maiwasang maiyak. I have to do it. Even if it pains me. Patawarin mo ako, Phoenix. Pero ayaw kong makasakit ng damdamin ng isang bata, may mga anak rin ako. I don't want to húrt an innocent child.

Bumaba ako ng sasakyan pagkarating ko sa condo nya. Dire diretso akong pumasok dito. Nagtaka ako sa dahil sobrang dilim.

"Phoenix—" natigilan ako ng may yumakap sakin mula sa likod. Nang masamyo ko ang pabango nito, I knew it's him.

"What are you doing?" kinalas ko ang yakap nito.

"Let's go to the rooftop. I will show you something you will like." hinalikan ako nito sa sentido.

"Let's go." hinawakan nito ang kamay ko at marahang hinila. He can see in the dark?

Nang makalabas na kami sa condo nya ay tsaka ko lang napansin ang ayos nya. A corporate suit.

"Galing ka ba sa trabaho?"

"Nah, this is a special day. At may espesyal din ako gagawin."

Nang makarating kami sa rooftop ay napasinghap ako. May mat doon at may mga petals ng red rose.

Kinuha nya ang kamay ko at umupo kami doon.

"11:58 p.m." ani nito habang nakangiti. Two minutes before his birthday. Tumulo ang luha ko na agad kong pinahid.

"Phoenix..." tawag ko dito.

Tumingin sya sa akin. Narinig ko ang tunog na fireworks. It's exactly 12 midnight, his birthday.

Hindi namin binalingan ang magandang fireworks display, bagkus ay nanatiling nakatitig lang kami sa isa't isa. Binuka ko ang labi ko at sinabing...

"I just played with you. The truth is... I still hate you. I gave you a dose of your own medicine. I had fun playing with you, pero di ko na kaya pang makisalamuha pa sayo ng matagal, nakakadiri at nakakasuka ang presensya mo, Phoenix. The signed divorce papers will be delivered to you this morning. Sign it and don't bother me again."

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon