Chapter 11

11.5K 233 6
                                        

Farah's POV

Nakasimangot lang ako habang binibitbit ng mga lalaki ang inorder nilang kape at cupcake. Is there an event sa company nila? Or maybe, an special occasion?

"Here." inabot ni Phoenix ang isang black card.

"Done. Eto na." pabalibag kong inabot sa kanya ang card. Umiling iling lang ito.

"I will go now, wife." ani nito at kumindat. Nainis ako dahil lumakas ang tibok ng puso ko.

"Grabe, napagod ako dun!" ani ni June. Iwinagayway nya ang kamay sa ere. Isinara ko muna ang coffee shop ng ilang oras para pagpahingahin sila.

"Pero, worth it kahit nakakapagod! Kahit wala pa tayo sa sampu nakaya natin gawin!" ani ni Diana.

I smiled. Nagsimula silang magkwentuhan. Tahimik lang ako sa may counter. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpunta sa browser.

Naiwan ko pa lang open ang tab ng isang article. It was about Sasha and Phoenix. I sighed. Hindi ako magiging imp*krita, halata naman sa sarili ko. May nararamdaman pa ako dito.

Nangunot ang noo ko ng may mabasa pa. Nali link din sya sa mga iba't ibang babae. May Spanish, may Italian, may Korean, may Japanese- seriously? Iba't ibang lahi talaga? I rolled my eyes.

"Mam, bumalik na po yung mga ibang customer natin." ani sakin ni Eya.

Tumulong din akong mag asikaso sa mga customers. Tumigil ako sa table 5, may dalawang babaeng estudyante doon na nag uusap.

"Diba yun yung CEO ng Salvatorre Inc.? Ang pogi at macho pala sa personal!" ani ng babaeng nakapig tails.

Inilagay ko ang kape sa table nila.

"Oo, sya yun. Balita ko may girlfriend na yun. Yung artista. Yung Sasha!" tugon ng kausap nitong nakalugay ang buhok. Sunod kong inilagay ang cupcakes.

"Ayy, yun ba? Di naman maganda yun, tsaka balita ko maldita yun. Ayoko sa kanya." tugon ulit ng babaeng nakapig tails.

Nang matapos ay naglakad ako papunta sa office ko. Ngunit, agad ding natigilan at may binulong kay Diana.

"Diana, bigyan mo ng dalawang libreng cupcakes yung table 5." agad naman nito iyong sinunod.

Iniligpit ko ang mga gamit ko. Mas pinauna ko na silang umuwi. Ako na rin ang nagsarado ng shop.

Habang binabaybay ang daan papauwi ay inapakan ko ang break ng kotse. I stared at them.

Three street people. Mukhang nasa edad bente pataas ang mga ito. Napukaw ang atensyon ko dahil sa kinakain nila.

Cupcakes from our shop. Sa tabi naman noon ay ang mga kape na halos wala ng laman. I knew it's from our shop dahil sa tatak noon. Suddenly, there's a thought came in my mind? Don't tell me...

Inistart ko ulit ang kotse. Malawak ang lugar na ito kaya maramjng mga pulubi ang naririto at natutulog gamit ang mga karton.

Sumulyap sulyap ako sa kaliwa't kanan. I am still driving my car, mabagal lang ang takbo noon. Itinigil ko ito at pinark sa isang gilid.

"Did Phoenix gave it them?" nangunot ang noo ko. That cold heartless businessman? Seriously?

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang number nya. I pressed the call button. Nang sagutin nya iyon ay tsaka ako natauhan.

D*mn it, Faria! Bakit mo tinawagan?! Nagpadalos dalos ka na naman porket curious ka!

"Why?" walang emosyon nitong bungad sa akin. Parang naumid ang dila ko. Napatikhim ako.

"Yung coffee at cupcakes. Anong ginawa mo doon?"

"You don't need to know." I sighed.

"Why don't I need to know?"

"Just because you don't need to know." tila nawawalan ng pasensya nitong ani. I chuckled.

"Nag dinner ka na ba?" tanong nito kalaunan.

"Not yet. Maaga pa naman."

"Hindi pa rin ako. Let's go have a dinner then. Where are you? Nasa coffee shop ka pa ba? Susunduin na kita."

You should say no, Farah-

"I'm in the car. Just tell me where we will have a dinner." I smiled while staring at a woman who's eating a cupcake. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan.

Nang sinabi nito ang pangalan ng isang restaurant ay pinaandar ko na ang sasakyan. It is just a simple dinner. Simple and normal- no feelings involved.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon