Chapter 14

11.2K 222 0
                                        

Farah's POV

Matapos umalis ni Drew sa office ay napaupo na lang ako sa silya. I did the right thing kahit na nasaktan ko sya.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.

"Hello?"

"May gusto ka bang meryenda para mamaya? Ipapadeliver ko dyan."

"No, hindi na, Phoenix. Hindi na ko nagmemeryenda tuwing hapon." natahimik ng ilang segundo ang kabilang linya.

"Really? Okay. I guess your preferences changed after almost five years. I am here in the office, reviewing some contracts. I will call you back kapag nakauwi na ako."

"S-sige..."

"Bye, wife."

"Bye din." nakagat ko ang labi at pinatay ang tawag.

Phoenix Salvatorre, kailangan mo ba talaga mag update sakin?

Lumabas ako ng office at nakita ko ang maraming tao. Mula nung nagviral yung video na iyon ay dinayo na ng mga tao coffee shop ko.

Ang alam ko ay naayos ito ni Phoenix at pinakulong nya yung lalaki. The video is a great evidence but then, naglabas sila ng statement na yung lalaki yung unang nag amok. Nagkibit balikat na lang ako. That's Salvatorre's way of doing though.

Pumasok ulit ako sa office. Habang nakaupo ay sinariwa ko ang nakaraan...

"How can you forgot our anniversary, Drew?" asar kong tanong sa boyfriend kong si Drew. We are both fourth year college.

"I am sorry. Andami ko lang ginagawa lately. Tinatambakan kami ng gawain ng Prof namin—"

"Ganyan din ang sinabi mo noong nakaraan!"

"Can't you just understand me, Farah?" tila nawawalan ng pasensya nitong tanong.

"Magbreak na lang tayo—"

"No! Ayoko! Break talaga ang solusyon na naisip mo?"

"Oo, you are always like this. Nasa iisang campus lang tayo pero bihira lang tayong magkita. Hindi mo rin ako tinatawagan o tini text man lang! Kapag mag uusap naman tayo, palagi mong sinasabi na pagod ka at kailangan mo na agad umuwi. Kalahating oras nga lang ang tinatagal nating magkasama— No! It was even less! Nakakainis na sa sobrang sakit! Do you even love me, Drew?" umiiyak kong sagot. Natahimik ito.

"Is that what you really want? Then, I will give it to you. Let's break up." mahina nitong ani at tumalikod na.

"You are not even going to explain, huh?" inis kong bulong nang makaalis na sya. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko.

"That was quite a show." nangunot ang noo ko at tumingala.

And there, in the second floor of the school court... I saw him.

Phoenix Salvatorre, ang anak ng may ari ng school at ang pinakasikat na lalaki dito. Mayaman at pogi kaso nga lang, taken na.

"Kalalaki mong tao, chismoso ka!" sigaw ko rito. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

Naglakad ito papunta sa hagdan. Mukhang bababa sya. He's now walking towards my direction. Napaatras naman ako.

"I'm not, woman. You should wipe your tears, it doesn't suit you."

"Ano bang pakialam mo?!"

"Don't shout, Miss Half Aussie. I can definitely hear your voice." napasimangot ako. How did he know that I am a half Australian?

"Nakakainis ka! Pare parehas kayong mga lalaki!" tumalikod na ako at akmang aalis na.

"I think he still loves you. Just get back to him—"

"Babalik talaga ako sa kanya." kinuyom ko ang kamao ko at nilingon sya para bigyan ng masamang tingin.

I sighed. Kinabukasan ay nakatunganga lang ako habang nakamasid kay Drew. He's laughing with his friends. Ayos na ayos ang itsura nito, hindi katulad ko na parang panda ang mga mata.

"I thought you are going to get back at him?" may gumulo ng buhok ko.

"Ikaw na naman, Salvatorre?" inis kong baling dito.

"Why? Aren't you happy to see me?"

"Why would I be happy? Wait, don't tell me you are trying to flirt with me?"

"Of course not, I have a girlfriend, you know." inirapan ko lang ito.

"Let's be friends. I will help you to get that Drew get crazy over you again." I agreed fastly.

But then, I never thought that I will be poisoned with something that I can't get away from. I fell deep. I fell with someone that I shouldn't fell with.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon