Chapter 33

10.9K 297 21
                                        

Farah's POV

"Wow! Is that a real gold?" bulalas ni Faria.

"It's pretty. Bibigyan ko ng ganyan si Mommy kapag malaki na ako." dagdag naman ni Pixes.

"She must be the owner of the car." lingon ni Calyx sa dalawa.

"Triplets?" ang malamig na boses nito ay bahagyang lumambot.

"Opo, Mam." napayuko ako at pasimpleng sinaway ang tatlo. Kung ano ano kasi ang sinasabi ng mga ito.

Nagulat ako ng ngumiti ito.

"Hi there." malaki ang ngiting bati nito sa tatlo.

"Hi po!" halos magkakasabay nilang ani.

"Mabait pala sya, akala ko masungit." bulong ni Faria.

"Are you in a hurry, iha? Baka gusto mong mag lunch kasama ako." nanlaki ang mga mata ko.

"Lunch po? Ahm..."

"It will be my way of saying sorry dahil masyadomg mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan ko. Hmm? So, is it a yes or no?"

"Mommy, tara na." Calyx smiled. Natigilan ako. Minsan lang ngumiti si Calyx e.

"Sige po."

Tumingin ito sa lalaking naka tuxedo at sumenyas.

"Do you want to go to a restaurant or sa mansion na lang ng anak ko? I am craving for Filipino dishes since kararating ko lang ng Pilipinas after several years."

Napakamot ako ng batok. Kung sa restaurant ay mukhang manlilibre ito, masyadong nakakahiya. Sa itsura pa lang nito ay hindi basta bastang restaurant kami nito dadalhin.

"Kayo po, Mam? San nyo po gusto?" tumaas ang kilay nito.

"Sa mansion na lang. Oh, by the way, hindi ko pala napakilala ang sarili ko. I am Victoriana Aristallano. How about you?"

Agad akong lumabas ng sasakyan at pinababa ko rin ang tatlo.

"Farah Asunsion po. Ito po si Calyx, Pixes and Faria." pakilala ko sa triplets. Tumango tango ito at lumuhod sa harap nila para pantayan ang mga ito.

"Nice meeting you kids. Napakaganda at ang popogi nya." puri nya. Nagpasalamat naman ang mga ito.

"Jack, start the car. Sumunod na lang kayo samin." aalis na sana ito ngunit lumingon pa sya ulit.

"See you there." ngiti nyang paalam sa triplets. Mukhang malambot ang puso nya sa mga bata.

Habang sinusundan ang kotse nya papunta sa kung saan mang mansion na sinasabi nya. Nangungunot ang noo ko. Bakit parang familiar ang daan na 'to? Parang napuntahan ko na dati? Pinilig ko ang ulo ko.

"Bakit, Mommy?" Pixes asked.

"Hmm? Wala, may iniisip lang ako." ani ko sabay ngiti sa rear view mirror.

Diretso ang tingin ko sa harap. I sighed. Magarbo ang kulay itim na sasakyan nito. Napatingin ako sa kotse ko, lumang model na ito pero nagagamit pa naman.

Lumiko ang sasakyan sa unahan kaya lumiko rin ako. Bakit parang ang layo naman?

"Mommy, naiihi na talaga ako." Pixes exclaimed.

"Ha? Wait lang." inihinto ko muna ang sasakyan.

"Ihi ka na lang dyan sa tabi tabi—"

"Mommy naman." tila naiiyak nitong ani. Natawa naman kami ni Calyx at Faria.

"What's the problem, iha?" hindi ko napansin na nakalapit na samin si Madam Victoriana. Binuksan ko ang salamin ng sasakyan.

"Naiihi na po kasi si Pixes." pilit akong ngumiti.

"May isang maliit na bungalo house dito. Pagmamay ari yun ng apo ko. Mukhang nasa mansyon sya kaya sigurado akong walang tao doon. Let's go?"

Nilakad na lang namin ang papunta doon. Nakasunod naman sa amin si Jack. Blangko lang ang tingin nito habang dinadaldal sya ni Faria.

"May powers ka din po ba katulad nung mga butler sa mga princess movies na napapanood ko?" Faria pouted. Habang tahimik lang ang butler na si Jack.

Hawak naman ni Madam Victoriana sa kamay si Pixes habang hawak ko naman si Calyx.

Lumilibot ang tingin nito. Puro puno ang nakikita ko. It feels so refreshing.

"Nandito na tayo." Madam Victoriana said. Nanlaki ang mga mata ko. Ang ganda!

Sumunod na lang ako pagkapasok nila. Amoy na amoy ko ang simoy ng kape— akala ko ba walang tao dito?

"Naiwan siguro ng apo ko ang kape nya." itinaas nito ang tasa na naglalaman ng kalahating kape.

"Iho, andoon ang cr." itinuro nito ang isang pinto. Agad namang tumalima papunta doon si Pixes.

Natigil ang mga mata ko sa isang malaking picture frama sa dingding. I gasped. Ngumiti ang matandang babae sakin at nagsalita.

"Pagmamay ari nya ang bungalo house na ito. Yan ang apo ko, his name is Phoenix Salvatorre."

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon