Farah's POV
"Mommy, sabi mo bibili tayo ng chessboard!" Pixes pouted.
"You told us na luma na yun so you threw it away." Calyx said.
"Chess is not fun. Mas maganda yung dolls." Faria's eyes twinkled.
"Boring." sabay na ani ng dalawang anak kong lalaki.
"Mommy oh!" sumbong ni Faria.
"You're the one who started, anak." pinindot ko ang maliit nitong ilong.
"Mommy, can we go to the mall?" Calyx asked. Agad namang tumalon talon si Pixes.
"Say yes, say yes, say yes, Mommy!" ani nito. I just chuckled.
"Sige, maligo muna kayo. Pupunta tayo ng mall."
Habang nasa mall kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. The triplets are noisy, well maliban kay Calyx dahil busy ito sa pagtingin tingin.
Matapos makabili ng chessboard ay nagyaya ang tatlo na mag World Of Fun. Ang dalawang anak ko na lalaki ay nagsimulang magbasketball habang si Faria naman ay nasa claw machine. Tinignan ko ang cellphone ko ng magtext si Seira.
'Musta? Anyare sa inyo ni Phoenix?'
Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang nangyari samin ni Phoenix. Nagreply lang ako dito na magkita na lang kami sa personal at ikukwento ko sa kanya lahat.
"Mommy, naubos namin yung coins." Pixes said.
"Gusto ko rin sa claw machine." ani ni Calyx.
"Faria is there—" nangunot ang noo ko. Nasa tabi ko lang ito. Asan na yun?
Agad akong kinabahan, marami pa namang tao sa loob ng mall.
Hinawakan ko sa magkabilang kamay si Calyx at Pixes.
"Don't let go of my hand, okay?" ani ko sa dalawa.
Hinanap ko si Faria. Lumukob ang kaba sa sistema ko. Pano kung may masamang nangyari sa kanya?
"Mommy, don't cry." ani ni Calyx. Napakurap kurap ako.
"There! It's Faria!" sigaw ni Pixes.
Agad hinanap ng mata ko ang anak ko. May isang lalaki ang nakaluhod sa harap nito kaya magkapantay lang sila. Faria is smiling widely.
"Mommy!" Faria smiled at me.
"Santi?" lumingon ang lalaki sa akin at tumayo mula sa pagkakaluhod.
"Hey, Ate!" kumindat pa ito sa akin.
"What are you—" natigilan ako ng sipatin nya ng tingin ang dalawang batang hawak ko at nilingon saglit si Faria.
"I thought she's joking when she said that she has two older brothers, triplets daw sila. But, I see. They look like their father—"
"Santi!" I gritted my teeth.
"Do you know our father, Mister?" Faria asked. Tsaka ko lang napansin na kumakain ito ng ice cream.
"Yes, actually he's my cousin." ngumisi ito.
Santi Salvatorre, mas bata ito ng anim na taon kay Phoenix pero mukhang magkaedad lang sila. Hawig din ito sa mukha at magkasingtangkad din silang dalawa.
"Wow! So, you met our Daddy? Do you have a picture of him? Sabi kasi ni Mommy wala syang naitagong picture ni Daddy, we want to see him to check if we really look like him!" Pixes said.
Nakakalokong ngumiti si Santi. He got it.
"Hmm, so you never met your father? I see." nagkibit balikat ito sa akin.
"Santi..."
"I will zip my mouth, Ate. Don't worry, I remember having a crush on you when I was in highschool kaya no prob, I will not tell him. You can trust me."
The only difference they have is that Santi is a jolly person, palagi itong nakangiti. Ibang iba kay Phoenix.
"Here's my calling card, you can call me—" agad na kinuha iyon ni Calyx.
"Thank you, Mr. Santi." ani nito.
Nang makaalis si Santi ay pansin ko ang pagsimangot ni Calyx.
"Why do you look upset, baby?"
"That man likes you, I don't like him. Mommy is for Daddy only." I bit my lips. Nagmana talaga ito sa ama nya.
"Of course, honey." ayun na lang ang tugon ko.
"Mommy, so he's Daddy's cousin? So, he looks like him? He's handsome! Daddy is handsome too." Pixes said.
"Ha? Oo, pogi yung tatay nyo."
"Is he tall and masculine?" Faria asked. Masculine?
"Did you even know what's masculine, baby?" binuhat ko sya.
"Pixes and Calyx, hold hands." utos ko sa dalawa na agad naman nilang ginawa.
"Ahm, yung may abs? Pandesal? That's the term that Ninang Seira told me."
Sasabunutan ko talaga si Seira pagnagkita kami.
(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)
BINABASA MO ANG
Hiding My Husband's Triplets
Romance"Leave, Farah." he coldly said to me. "Ha? Why? Did I do something wrong?" naiiyak kong tanong. "Did you thought that I will not know? I knew you were with Drew last month! Magkasama kayo!" "I'm sorry, but I did not expect that we will meet-" Isan...
