Chapter 29

11K 291 16
                                        

Farah's POV

"Yes, Phoenix and I were done." tanging nasabi ko na lang.

"Kahit na sila ni Sasha, they are still open with flings. Actually, I..." nagbaba ito ng tingin.

"What is it?" bigla itong umiling.

"I am willing to be the triplet's father, Farah. If only you could give me a chance. I told you, right? Once na masaktan ka, pumunta ka sakin. I am still here, waiting for you."

Para namang may humaplos sa puso ko. Drew is really a good person. And I knew, sobrang nasasaktan ko sya. Sobrang impokrita ko dahil hindi ko sya magawang mahalin pabalik, and I hate myself for that. Kung sana lang ay napipili ko kung sinong mamahalin ko, edi sana nagawa ko na at pinili ko si Drew.

"It was gone, Drew. A long time ago." I am talking about my feelings. At alam kong naintindihan nya iyon.

Napabuntong hininga ito at mapait na ngumiti.

"I'll accept defeat, then." nasabi na lang nito. Natahimik kami ng ilang minuto.

"Mommy?" sabay kaming napalingon ni Drew nang bumukas ang pinto. Bumungad samin si Faria, nakita ko ang paglitaw din ng ulo ni Pixes at si Calyx na nakasimangot dahil hawak hawak sya ni Pixes sa kwelyo.

"Tita Seira said that there will be a fireworks display at exactly 9:00 pm. Nood po tayo!" Pixes said.

"Of course, we will!" Drew said and I just smiled.

Sumama ako sa kanila papuntang rooftop. Seira clinged into my arm and whispered.

"Anyare?"

"Pinaalis ko." nanlaki naman ang mata nito.

"Umalis naman?"

"Oo."

"Hmm, just like what I thought."

"Ha?" nangunot ang noo ko at nakakunot noo syang tinignan.

"You will see tomorrow." kumindat ito sa akin at hinila ako.

May nakalatag na mat sa rooftop. Napakurap kurap ako. It was the same. Parang ganto rin ang scenario namin ni Phoenix just hours ago.

"Let's seat, Mommy."

Nanood kami ng fireworks display. It was too beautiful, iba iba rin ang colors non. Tumitili pa nga si Faria sa sobrang sayo.

Agad akong napatingin kay Drew nang hawakan nya ang kamay ko. He's smiling. I just smiled back at ibinalik ang tingin sa fireworks na nasa langit.

Nag stay pa kami sa Hong Kong ng ilang araw. Maraming nangyari. Gladly, hindi na muling nagpakita si Phoenix dito. How I wish na sana di nya na makita ang triplets.

I was driving along the road of EDSA. Malalim akong napabuntong hininga. Sobang traffic. Kakatapos ko lang kasing i deliver ang kape at cupcake sa isang kabigan. Ngayon, na stuck ako sa traffic.

Dumungaw ako sa bintana ng kotse upang humanap ng paglilibangan. Napangiwi ako. Masyadong maraming usok.

Isasara ko na sana iyon kaso nga lang ay may nakaagaw ng pansin ko.

"What the h*ll?!" bulalas ko. Kinuha ko agad ang cellphone at tinawagan si Seira.

"Seira! Is this what you are talking about when were on Hong Kong?"

"Oh? Nasa EDSA ka?" tila natatawang tanong nito.

"Yes. And it's...oh my!" tuamwa ito ng malakas.

"Actually, may friend kasi ako na actress. She's fuming mad kasi pinatanggal yung billboard nya dyan. Lahat ng mga nakapaskil sa billboard na nandyan ay pinalitan. And, guess what? Nalaman ko sa sources ko kung sino ang gumawa. And it looks like, I am right. Hmm, ilang araw na ring nandyan yan."

"Ilang araw? Oh my gosh, this is not... Is he really the one who did this?"

"Yes, baby Farah. Source ko dyan ang asawa kong medyo close ng lalaking yan. Anong say mo?"

Hindi ako sumagot. Rinig ko pa rin ang tawa nya.

Napailing iling ako habang di makapaniwalang nakatingin sa billboard. Napatapik ako sa noo.

"Kung mahal mo, ipabillboard mo!" ani ni Seira. Pinatay ko ang tawag at marahas na napabuntong hininga.

Lahat ng billboard sa EDSA ay pare parehas lang mga nakalagay na larawan. Napadako ang tingin ko sa isa na nasa harapan ko.

Nakasulat sa pinakamalaking billboard na nasa EDSA ang mga katagang...

'Please, come back to me, Miss Half Aussie. I will not stop. I will still pursue you even if you don't want me to. I can even propose and marry you many times as you want. Just please, come back to me.'

At sa baba ng mga katagang iyon ay ang isang larawan ng isang magandang klase ng ibon. A bird. A Phoenix bird.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon