Chapter 23

10.3K 238 12
                                        

Farah's POV

"Mga bata? What did Santi mean?" nangunot ang noo nito.

Agad agad akong umiling. Pahamak na Santi yan! Hindi ko alam ang isasagot ko!

"Farah, I am asking you. Ano ang ibig nyang sabihin—"

"Si Jaxon!" nasabi ko na lang. Sorry, Seira. Gagamitin ko muna ang pangalan ng anak mo.

"Who's Jaxon?" mas lumalim ang gatla sa noo nito.

"Anak ni Seira. K-kasama ko kasi si Jaxon tapos yung mga kaibigan din nya noong nagmall ako, pinabatantayan kasi sa akin ni Seira. Santi and I met and talked, kaya nya siguro sinabi yun." I smiled awkwardly. Nangtatantya nya akong tinitigan.

"Fine." napahinga ako ng maluwag.

I yawned. Binalingan nya ako ng tingin. Puno na ang cart namin.

"We'll go home after this." ani nito habang pumipili ng chicken sa chicken section.

"Uuwi ako sa sarili kong bahay, Phoenix."

"Tsk. Alright."

Napalingon ako sa kaliwa. That woman— si Seira!

"Wait, nakita ko si Seira. Dyan ka lang, piliin mo yung sariwa at malalaking manok."

"Noted, wife." bored nitong tugon.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Seira. May inaabot ito itong corned beef na nasa pinakataas. Ako na ang kumuha noon.

"Here." nakangiti kong inabot sa kangya iyon.

"Farah! You're here?"

"Kasama ko si Phoenix." napawi ang ngiti nito.

"Teka? Ano?!

"We talked. I— ahm, he wants me back." mahinang usal ko.

"Babalik ka naman?"

"Pinag iisipan ko pa—"

"Tanga. Sasaktan ka lang ulit nun." umiling iling pa ito.

"May nararamdaman pa rin ako sa kanya." napalabi ako.

"Ituktok ko to sayong delata na hawak ko e!"

"Seira naman."

Tiningnan nya ito sa likod. Tumaas baba ang kilay nya. Lumingon din ako at agad nangunot ang noo.

"Tignan mo, oh. Yan ang sinasabi ko sayo." ngisi sa akin ni Seira.

May kausap itong babae. Nagpi flip pa ng hair ang hitad habang pahaplos haplos pa sa braso ng asawa ko.

"Ano, resbakan na ba natin?" tanong nito at dinugtungan pa ng tawa.

Nanlaki ang mga mata ko ng hinawakan ni Phoenix ang babae sa kanang braso. May mga nahulog kasing yelo sa tray na pinaglalagyan ng manok.

Narinig ko bigla ang pagclick ng camera. Sinamaan ko ng tingin si Seira na mukhang pinucturan ako.

"Papakita ko to sa triplets. Sasabihin ko na ganito ang itsura ng Mommy nila pagnagseselos." umirap ako sa kanya.

"May kotse ka ba? Sayo ako sasabay."

"Yup, meron. Kaso nga lang— mukhang di ka makakasabay sakin. Look, papalapit na yung husband mo." tinuro nito si Phoenix na tulak tulak ang cart papunta sa direksyon namin.

"Bye-bye, my friend. Balik ka na lang sakin pag luhaan ka na." kinindatan pa ko nito at nilayasan na ako.

"Sino yun?" tanong ko dito. Nagtaka naman ito.

"Oh? The woman? Nagtatanong lang kung pano pumili ng magandang manok." napatawa ako.

"Nakapili naman ba?" asar kong tanong.

"Yeah. Why? Bakit parang galit ka— Sh*t!" tinulak ko sa kanya ang cart at magsanhi yun para magulungan ang paa nya.

"Deserved." ani ko at inikutan sya ng mata.

Tahimik lang ako habang nasa sasakyan kami.

"Nagseselos ka ba?" tanong nito pagkatapos ng ilang minuto.

"Bakit naman ako magseselos? No, I will never be jealous." angil ko. He chuckled.

"I am jealous too, you know."

"Ha?"

"Tanggalin mo yang singsing na nasa daliri mo. That Drew gave it to you, right?" nawalan ng emosyon ang boses nito.

"Bakit ko naman tatanggalin? Tsk."

Gamit ang kanang kamay ay may kinuha ito sa bulsa. Inilapag nito ang isang pabilog na bagay sa dashboard.

"Because this is what you will wear from now on." I gasped. A diamond ring. Mas malaki ang dyamante noon sa taas. Hindi kaya ako manakawan sa sobrang laki at kinang ng singsing na yan?

"B-bakit mo ko binibigyan ng singsing?"

"I didn't gave you one when we are still married. So, I am giving you now and I wish you could wear it...forever." humina ang boses nito ng banggitin ang panghuling salita.

Tinanggal ko ang suot na singsing. Kinuha ko ang singsing na nasa dashboard.

"I will wear it— on your birthday." I smiled at him.

Giving him a second chance is not going to be bad afterall.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon