Chapter 26

4.2K 170 10
                                    

Farah's POV

"No, don't do this to me, Farah." puno ng emosyon ang mukha nya habang umiiling iling.

Sinampal ko sya ng malakas.

"Do you think I will just forget what you did to me? Pinalayas mo ako at pinapirma ng divorce papers. You even slapped me, nabuntis mo pa si Sasha. And now, you are going to come back na parang wala lang? You have a child with her. The thought of it— disgusts me." no, it's all lies. Kailanma'y hindi ko pinandirihan iyon. Every child is a blessing.

"No, Farah please. Don't hurt me like this. Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko noon. I will tell you everything— the truth! Please, just don't do this to me, hon. Don't leave me." hinawakan nya ako sa kamay ngunit iniwaksi ko iyon.

"Let's divorce and just be happy with your family, Phoenix." tumayo ako. Niyakap nya ako sa binti. I gasped. He's crying.

"I've been a j*rk. Dapat mas pinili kita noon. I'm sorry. Wag mo tong gawin sakin. Promise, I will not be possessive to you, hindi kita sasakalin. I can shower you sweet things everyday. I will never hurt again. Please, Farah. Please." humihikbing ani nito.

Tinakpan ko ang bibig ko. I am now crying. Ang sakit sakit.

Gamit ang buong lakas ko ay itinulak ko sya

"Tama na, wag mo na akong guluhin pa. It's time for you to let me go." I said.

Nakasalampak ito sa sahig habang umiiyak.

"Then, why are you crying? Tell me, Farah. Masakit din para sayo, diba? Please, let's just be happy together—"

"T*ng i*a naman, Phoenix! Wag kang makulit! Wala na kong nararamdaman sayo. I just played with your feelings! I regret being married to you. Pakawalan mo na ako!" sigaw ko rito. Natahimik ito at napayuko.

"It hurts, Farah. F*cking hurts. Fine, if that's what you want. I will sign the papers." mahinang ani nito.

Tinalikuran ko sya at naglakad na papaalis. Hindi oa ako nakakalayo nang magsalita ulit sya.

"Thank you for your birthday gift, wife."

I stopped my tears. Ang sakit. Parang tinutusok ng maraming punyal ang puso ko.

Habang nasa eroplano ay iyak ako nang iyak. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakialam. I had to let him go for Noah to be happy. But, what about me? What about us? I knew that I shouldn't regret my decision but it hurts too much, I feel like my heart is bleeding.

Pagkarating ko ng Hong Kong ay agad tinext ni Seira ang pangalan ng hotel kung nasaan sila.

I took a cab papunta doon. Nang makarating ay dumiretso agad ako sa hotel room.

When I saw the triplets, agad ko silang niyakap.

"Mommy, why are you crying?" tanong ni Pixes.

"Don't cry, Mommy." Pixes said.

Pinahid naman ni Calyx ang luha sa pisngi ko.

"I just missed you. Mommy just missed you, babies." binigyan ko sila ng tig iisang halik.

We are back. Kaming tatlo ulit. I thought pagdating ko dito sa Hong Kong ay kasama ko ang ama nila pero hindi natuloy. It was for good. Hindi nila alam na buhay pa ang tatay nila kaya hindi sila masasaktan. But, what about Noah? He will be upset kapag nalaman nya ang totoo. I chuckled. I sound so selfish with that, I know.

"Mommy, oo nga po pala! Ninong Drew is here." nai ni Faria na nagpalaki ng mata ko.

"Hey." kumaway sakin ang bagong dating na si Drew. Katabi nyang naglalakad si Abram. Nakasunod dito si Seira na kumaway sakin.

"I didn't know you were going here." tumayo ako.

Muli, naalala ko ang mga salitang sinambit ko sa kanya noong nasa office kami.

"I'm sorry." dagdag ko. Ngumiti lang ito.

"Nandito ako dahil sa new project na ginagawa ko. Bumisita lang ako saglit since Abram told me na nandito rin kayo."

"Ninong gave us gifts! With a lot of S!!!" ani ni Faria.

I smiled at Drew. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. I eyed him, he chuckled.

"It's friendly kiss, Farah—"

"I saw it. Ninong Drew, jowawa mo na ba si Mommy?" Faria asked that made me gasped.

"Kanino mo natutunan ang salitang iyan, Faria Asunsion?" inosente itong tumitig sakin. Dahan dahang pumunta ang tingin nya sa likod ko.

"Seiraaaa!!!" sigaw ko nang magsimula na itong tumakbo papaalis.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon