Farah's POV
'I can't meet you today, Sasha.'
Sinend ko ito. I can't meet her today. Pagod na pagod ako ngayong araw na 'to. Phoenix told me that they were civil- but I doubt that, there's this feeling na para banag mas malalim silang relasyon- Am I overthinking?!
"Aalis ka ba ngayon talaga, iha?" Madam Victoriana asked. Tumango lang ako.
"How about yung mga apo namin? Gusto ko pa silang makabonding." Tita said. I bit my lips.
"May emergency po kasi sa coffee shop. Kailangan ko pong bumalik-"
"They can stay here. Balikan mo na lang sila pagkatapos mo dun." Tito said.
Pumasok sa sala si Phoenix. Nakapasan dito si Faria. Nakasunod naman si Prixes at Calyx dito.
"Where are you going, Mommy?" tanong ng panganay ko.
"Sa coffee shop lang, anak. Babalikan ko kayo maya maya. I just need to go there."
Nagpaalam na rin ako sa triplets at sa kanila. I just simply nodded to Phoenix na hindi manlang ako tinapunan ng tingin.
Nag taxi ako paalis ng mansyon nila Phoenix. Napapatingin pa nga sakin ang taxi driver dahil nakailang buntong hininga ako.
I texted Drew nang nasa coffee shop na ako.
"Farah!" he called me nang makalabas sya sa kotse. Dali dali akong pumunta sa kanya at niyakap sya.
"Drew..." hinaplos nya ng marahanan ang likod ko.
"Missed me?" natatawa nitong tanong.
"Yeah, hindi man lang kayo nagpaalam sakin na aalis na pala kayo." umiling iling ito.
"Sorry 'bout that. Nagkaroon lang kami ng konting problema ni Tariq. But yeah, were fine now. Hmm, so care to tell me about what happened?"
"Sa loob tayo, sa office ko."
Ngumiti ako sa mga trabahante ko. Sabi ko sa kanila ay di ako papasok ngayon, ang nangyari tuloy ay parang half day ang nagawa ko.
Pinaupo ko sya sa sofa. Napakamot ako ng ulo at nagsimulang magkwento.
"...I told him that I am pregnant with your child. Eventually, nalaman nya na hindi ako buntis. He got mad." mababa ang boses na ani ko. I heard how Zidrew sighed.
"That's complicated. Do you still have feelings for him? Maybe, you still have. Cause as I look at you, you are just hiding it."
Nag iwas ako ng tingin.
"Nagkakasakitan lang kaming dalawa. Masasaktan din namin ang mga tao sa paligid namin. I don't want that. Lalo na ang anak nya kay Sasha, si Noah, ayokong masaktan sya."
"It's hard. Sobrang hirap ng sitwasyon mo. You know, yung gusto mo ang isang bagay pero hindi pwede." lumamlam ang mata nito habang nakatitig sakin.
"Just like me, I can't get what I want kasi hinde pwede. She doesn't feel the same way- you doesn't feel the same way as I do."
"Drew..."
"Noong nasa Bicol tayo, I am always staring at you. But, you keeps on staring at him. I tried to get you back, back there but then- wala talaga. Talo na ko sa simula pa lang."
Hinawakan ko ang kamay nya at inilagay sa kanang pisngi ko. I tightly closed my eyes.
"I'm sorry. Hindi ako magsasawang mag sorry sayo-" natigilan ako ng may dumampi sa labi ko. Binuksan ko ang mga mata. His lips...are on mine.
I closed my eyes again. To feel...but none. Wala talaga. Hinawalay ko ang sarili ko sa kanya.
"How does it feel?" Drew asked.
"A friendly kiss." I said that made him chuckled.
"Pwede pa bang maulit?" pilyong tanong nya.
"No, that will be the last one, Drew. I'm sorry, I felt that I just used you use to test my feelings. You were genuine about that, I'm sorry-"
"You don't need to say sorry. Right now, I accepted defeat- ilang beses ko na bang sinabi yun? I can't count." tumawa ito ng marahan at ginulo ang buhok ko.
"We will stay as friends, Farah." ngumiti sya ng malapad. Niyakap ko sya ng mahigpit. I felt how he hugged me back.
"This is a friendly hug." turan nya na nagpailing sakin.
Natigilan ako nang makita ang pinto. Hindi ako nagla lock ng pinto sa office. Kanina, sianrado ko lang iyon. But why... bakit nakaawang ito?
Napakurap kurap ako? Did someone open the door and saw us?
(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

BINABASA MO ANG
Hiding My Husband's Triplets
Romance"Leave, Farah." he coldly said to me. "Ha? Why? Did I do something wrong?" naiiyak kong tanong. "Did you thought that I will not know? I knew you were with Drew last month! Magkasama kayo!" "I'm sorry, but I did not expect that we will meet-" Isan...