Chapter 13

11.3K 246 6
                                        

Farah's POV

"Please, can you come back to me?" I gulped.

Suddenly, I remembered the reason why he told me to leave five years ago.

"How about Sasha and your child?" nag iwas ito ng tingin.

"Sasha and I, we don't have a relationship. I am just testing your reaction when I lied. Then, about the child, he... I visit him time to time. Sasha and I are civil."

"Ang sakit, Phoenix. Lalo na noong sinabi mong buntis si Sasha. Ginawa ko naman lahat— kulang pa pala." lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Masuyo nyang hinalikan ang likod ng palad ko.

"I will pursue you, Farah. I promise. I am very sorry for slapping you and calling you— that name. I am sorry. You can slap me anytime you want—" sinampal ko sya ng malakas. Ngumisi ito.

"That's my wife." huminga ako ng malalim.

"I don't know— Pag iisipan ko, Phoenix. I need time." ani ko at tumango lang sya.

Matapos naming mag usap ay umuwi ako sa bahay.

Habang nakahiga sa kama ay nag isip isip ako. Do I still have feelings for him? Yes. Nagalit man ako pero mahal ko pa rin sya.

Ang tanga tanga ko alam ko, nagkakasalungat ang isip at puso ko. But maybe... maybe, there's still a chance.

"Hi po, Mam. Good afternoon." ngumiwi ako. Dahil sa pag iisip kagabi ay tinanghali ako ng gising.

"Sorry, na late ako."

"Ayos lang po, Mam. Ayy, oo nga po pala, andyan yung masugid nyong manliligaw, nasa office nyo po." nanlaki naman ang mga mata ko.

Kilala lahat ng trabahante ko si Drew. Mukhang lahat ng mga ito ay niligawan nya kaya hinahayaan na lang nila itong maglabas masok sa office ko.

"Drew." tawag ko dito pagbukas ko ng pinto.

"Yayayain sana kitang mag lunch kaso nga lang sabi ni Diana ay wala ka dito. Akala ko di ka papasok kaya lalabas na rin sana ako, but there you are. Kumain ka na ba? Tara, treat ko." I smiled politely.

I think I should tell him the truth. Ayoko na syang paasahin pa. It has been five years or six years, umaasa pa rin sya sakin. Kahit na noong kinasal ako kay Phoenix, he's still there, waiting.

"Drew... I am sorry."

"Why?"

"I want you to stop."

"Stop what, Farah?"

"Ito. Lahat ng ginagawa mo. I can't reciprocate your feelings, hindi ko kayang suklian. Stop doing efforts on me—"

"I love you." napalunok ako. Those words were the words that I want to hear from that one person. Pero, kailanman, hindi ko yon narinig sa kanya.

"Drew, just stop loving me. Hindi kita kayang mahalin pabalik."

"Is this about Phoenix? Divorced na kayo. You are single. Tutulungan kitang maka move on, I am here."

"I know. But then, I can't love you. I just can't." niyakap nya ako, niyakap ko rin sya pabalik.

"You are my first girlfriend, Farah. Ikaw ang first love ko. Ikaw rin ang first heartbreak ko. Ang sakit. I was planning to take you back pero kasal na kayo. Wala na kong nagawa."

"I am sorry, Drew. Loving me hurts you. You deserve someone better—"

"I love you, I will still pursue you—"

"We are still married." umaasa ako na titigil sya ngunit nagkamali ako.

"May Ninong ako na magaling na abogado, he is based in Italy, maaasikaso nya ang paghihiwalay nyo—"

"Tama na, Drew. You will only hurt yourself. I will think about things first. Pero ngayon, gusto ko na tumigil ka na sa panliligaw mo sa akin."

"Does Phoenix knew about them?" umiling ako.

"So, hindi nya pa alam? What do you think will be his reaction pag nalaman nya?"

"He's going to be mad."

"Looks like I will be that same loser ex boyfriend again. Kasal kayo at may mga anak kayo. I don't have any rights." naihalamos nya ang kamay sa mukha.

"If he found about about them and how you hid them from him, Farah. He will be angry to you— might hurt you too, gusto ko lang sabihin sayo na nandito lang ako. Maghihintay ako. Nandito lang ako kung sakaling saktan ka nya. Just come with me of you can't take it anymore. Itatakas kita." he smiled. Hinalikan nya ang noo ko at umalis na.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon