Chapter 47

8.1K 266 12
                                        

Farah's POV

"Sino ang pipiliin ko? Ikaw ba na pangarap ko o sya bang kumakatok sa puso ko? Ohhh, anong paiiralin ko, isip ba o ang puso ko— Aray naman, Ate! Kung makahampas!" reklamo ni Felicity ng hampasin ko sya ng walis.

"Tumahimik ka. Ang aga aga."

"Tanghali na kaya, Ate. Kaninang umaga kasi umalis si bebe Tariq, Kuya Drew at Kuya Phoenix."

I sighed. Matapos yung sabihin ni Phoenix ay di na kami nag usap. Paggising ko ngayon, sinabi na lang sakin ni Felicity na umalis na yung tatlo.

"Tulog mantika ka kasi, yan tuloy, di mo naabutan."

"Bakit pati sila Drew umalis?" nagkibit balikat lang ito.

"Uuwi na rin kami mamayang gabi." turan ko.

"Tamang tama, nakapagpa reserved na ko ng upuan nyo sa bus." ani ni Mama.

"Wow, mother! Advanced mag isip yarn?!"

"Tigil tigilan mo ako, Felicidad! Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo kagabi? Ginapang mo si Tariq!" nanlaki ang mga mata ko habang natawa naman ang kapatid ko.

"Pinuntahan ko lang sa kwarto, wala namang nangyari e." nakalabing aniya.

"Ikaw, Farah. Nakita ko pumunta kayo sa kwarto mo, anong nangyari?"

"OMG! Nagjugjugan kayo— Aray! Ma, binato nya sakin yung walis!"

Hindi ko na lang ito pinansin at sinagot si Mama.

"Sinabi nya sakin na...na may nararamdaman pa rin sya sakin." nakita ko ang tipid nitong pagngiti.

"Mukhang nararamdaman mo din naman ang nadarama nya sayo. Parehas kayo ng nadarama. Mahal mo rin sya." I bit my lower lip.

"Kaso nga lang ay pinipigilan mo dahil masasaktan mo ang anak nya. Tama ba?" tumango ako ng marahan.

"Pero pano ka at mga anak mo?" napatigalgal ako.

"Sabihin mo sa kanila ang totoo, anak. Isipin mo muna ang mga anak nyo." lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Habang nasa bus kami ay nag iisip ako.

"Noah..." mahinang banggit ko sa pangalan ng bata.

"Hmm? What is it, Mommy?" tanong ni Faria. Umiling lang ako at nginitian sya.

"Pagbalik natin sa bahay, may sasabihin ako sa inyo."

"Ano pong sasabihin nyo?"

"Something that...will make you have a mixed emotions."

"I'm curious about it. Tell me now, Mommy. We'll keep it a secret na lang kila Kuya." natawa ako.

"No, baby. Dapat sabay sabay ninhong marinig."

Pinatulog ko na ito. Nakatulog din naman ako dahil mahigit walong oras din ang byahe.

Pagkarating namin sa bahay ay pinalitan ko sila ng damit. Mamaya ko na sila liliguan dahil kagagaling lang nito sa byahe.

While unpacking our clothes, napansin ko ang pagkinang ng isang bagay doon. Kinuha ko ito. I gasped.

"Dito ko pala nailagay."

It was the ring that Phoenix gave me. This is the first ring that he gave me. Wala kaming singsing noong ikinasal kami.

When we are married, he was cold I must say. But, he still fulfilled his duty as a husband. Like in the bed, of course. Pinagluluto nya rin ako. Di nga lang sya gaanong sweet, hindi katulad ngayon. Noong kasal kami, wala akong nabalitaan na naging babae nya, so when he told me that he got Sasha pregnant, ganon na lang ang sakit at galit na nadama ko. We promised each other, na hanggat kasal kami, there will be no cheating.

Hinawakan ko ang pisngi ko. When he slapped me that time, I feel so upset. Sobrang sakit ng puso ko. Ang pagtawag nya sakin ng 'b*tch', it made me gate him more. Hindi man lang nya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. He was so determined for me to leave his condo.

Suddenly, I remembered a scene five years ago.

"What is the thing that you will not be able to tolerate?" tanong sa akin ni Phoenix habang inihahanda ang ingredients ng Paella na lulutuin nya. Ipinilig ko ang ulo ko.

"What do you mean? In what aspect?"

"Marriage." sagot nya. Nag isip ako.

"Hmm, cheating and abuse."

"Abuse?"

"Yup, like physical, verbal and emotional. It will never be tolerable."

"If I do that, you'll never forgive me?"

"Yes, I will leave you—" he cupped my face and gently kissed me.

"I will never do that. I don't want you to leave me."

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon