Chapter 43

4.6K 282 30
                                    

Farah's POV

"D*mn it!"

"Kung mananakot ka lang, mas mabuti pang bumalik ka na lang sa Manila—"

"Para makasama mo si Centillion? No f*cking way!"

Inis akong napakamot ng ulo. Tumalikod na ako at akmang aalis na nang bigla nya akong higitin at yakapin.

"I'm sorry. I will not be a j*rk while I am here with you." pinatili kong tikom ang mga labi.

"Is it your heartbeat?" tanong nya kaya umirap ako.

"No, sayo yun." itinulak ko sya at bumalik na sa loob ng bahay.

"Wait, Felicity!" ani ni Tariq. Nakakandong na kasi si Felicity sa kanya.

"Felicity, akala ko ba dalagang Pilipina ka?"

"Charing lang yun, Ate." ninakawan nito ng halik sa pisngi si Tariq.

"Farah, sasamahan ako ni Drew mamalengke. Dito lang kayo." ani ng kadarating lang na si Mama.

"Sasamahan ko din po kayo." ani ni Phoenix na biglang sumulpot sa likod ko. Tumaas ang kilay na Mama at tumango na lang.

Naiwan kami ng triplets, ako at si Tariq sa loob ng bahay.

"Tariq, kumusta?" tanong ko. Pansin ko kasi ang pananahimik nya.

"Ayos lang." I just smiled.

"So, ahm...Kaibigan ka rin ni Phoenix, right? Then, friend mo rin si Drew." tumango lang ito.

May namuong ideya sa isip ko ngunit agad ko rin iyong tinanggal. I met him nung nasa Leyte ako, accidentally, na meet ko nun si Drew. But, the pictures...don't tell me he's the one who sent those pictures to Phoenix?

"Stop giving me déath stares." aniya na ikinatawa ko.

"Sorry, may naisip lang ako." tinitigan nya ako saglit at nag iwas ng tingin.

Akala ko noong una ay playboy ito. Mukhang hindi naman pala.

"Hmm, so di ka manliligaw ni ate?" tanong ni Felicity.

"No, not joining in the race."

"Pero, sinong mas bet mo sa kanila para future sister in law mo?" nangunot ang noo nito sa tanong ng kapatid ko.

"Zidrew is a good person. He's much better than Phoenix. He will not hurt you, I assure you that."

"Wow, ang supportive bestfriend mo naman. Pa kiss nga." agad itong dumistansya.

"Yan ang gusto ko, pakipot." napailing na lang ako sa narinig.

Lumipas ang oras at dumating na sila Mama. Literal na napanganga ako.

Hindi lang silang tatlo ang dumating, may mga lalaki pa sa likuran nila at pinapasok ang mga appliances.

"Washing machine, ref, cabinet— Owemji! Ate, ibang level ang mga manliligaw mo!"

Napatapik ako sa noo.

"You should consider it, Ma. I can redesign this house for you or I can design a new house and I will build it para sa inyo nila Farah." ani ni Drew kay Mama.

"Tsk, it will take too long. Mam, I can buy you a house right now. Just tell me details like the design you want and I will buy right now. Kahit san pang lugar na gusto mo, Mam. Bibili ako ng bahay para sa inyo." ani naman ni Phoenix.

Naramdaman ko ang paglakas ng yugyog sa akin ni Felicity.

"Kapag sinagot mo yung isa, ipaubaya mo sakin yung isa. Mukhang wala rin naman akong pag asa kaya Tariq e." malakas akong napabuntong hininga.

"What's with building and buying houses?" hindi nila ako pinansing dalawa at matamang tumingin kay Mama.

"Sa tingin nyo ba ay madadaan nyo ako mga ganyan, iho? Oo't pumayag ako na bilhin nyo yung mga kagamitan na iyan, pero ang bahay? Hindi. Ang anak ko ang tanungin nyo dyan."

"Hindi ko kailangan nun. May bahay kami ng triplets."

"Sya nga pala, kung dito kayo matutulog na dalawa ay gumising kayo ng maaga bukas. Magsisibak pa kayo ng kahoy—"

"Ma, may kalan tayo." ani ko.

"Magluluto ako ng biko at iba pang kakanin. Mauubos ang gas sa dami ng gagawin ko. Mas mabuting magsiga na lang ng kahoy. At nandito naman 'tong dalawa na 'to, pakinabangan natin yung mga katawan nyan."

"Trulalu, motherlulu!" sang ayon ni Felicity. Nagtaas ng kamay si Tariq.

"I just want to say that I am not joining the race. I don't need to impress so therefore, hindi ako magsisibak ng kahoy."

"Gusto ko pa namang makita ang pandesal mo." napangiwi ito sa sinabi ng kapatid ko.

Si Phoenix at Drew, magsisiga ng kahoy? Do they even know how to do it?

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon