Farah's POV
Napaatras ako. Si Phoenix? Sya ang may ari nito? Apo sya ni Madam Victoriana? Then, ang pupuntahan naming mansyon ay sa parents ni Phoenix!
"Ano po, Madam Victoriana. Kailangan na po naming umalis—"
"I know. Aalis din tayo kapag natapos na si Pixes." hinawakan nito ang larawan. It was a photo of Phoenix riding a black horse.
Nag iwas ako ng tingin. Kinakabahan ako. Papunta kami sa mansyon, kung ganon, nandon si Phoenix. Makikita nya ang triplets!
"Madam Victoriana—"
"There he is, tara na iho." hinawakan nito ang kamay ni Pixes na kalalabas lang ng banyo.
Hinawakan ko ang kamay ni Calyx at Faria. Natulos ako sa kinatatayuan ko.
"Aalis na po kami, Madam." nangunot ang noo nito.
"Why?"
Tinignan ko ang triplets. The resemblance, mukhang di nya napansin. At mukhang di nya rin alam na ako ang asawa ni Phoenix.
"I just remembered na may pupuntahan pa po kami." tumaas ang kilay nito.
"Really?" pinilig nito ang ulo at mukhang di nagustuhan ang sinabi ko. Napahigpit ang hawak ko sa kanila.
Nakarinig kami ng ugong ng sasakyan. Sabay kaming napalingon sa labas ng pinto. Tumigil ang isang kulay pulang Ferrari.
Lumabas doon ang isang matangkad na lalaki. A petite and handsome fair skinned man. Dire diretso itong pumasok sa loob.
Ngumiti ito ng makita si Madam Victoriana. Humalik ito sa pisngi ng babae at binalingan ako ng tingin.
"Tariq, anong ipinunta mo dito, iho?"
"Papers. Sabi ni Nix, dalhin ko daw dito." he smiled.
"It's Tariq Cristobal, kaibigan ng apo kong si Phoenix." pakilala nito sa akin. Tumango lang ako.
"Hmm, who might you be? Are you perhaps my friend's wife?" nanlaki ang mga mata ko.
"And these are your kids?" tila namamangha nitong ani.
"I didn't know na may mga anak pala ang lalaking yun." umiling iling pa ito. Natahimik naman si Madam Victoriana.
"Anong sinabi mo, Tariq?" Madam Victoriana asked.
"Aalis na po kami. Pixes, tara na." mukhang naguguluhan ang triplets sa nangyayari.
Kumindat sa akin si Tariq.
"Here." inabot nito sa akin ang envelope na hawak nya. Wala akong nagawa kung hindi kunin iyon.
"Read it. So sorry to tell you that infront of La Victoriana."
"Farah..." malamig na tawag sa akin ni Madam Victoriana.
Binuksan ko iyon at napasinghap. It was the papers. I bit my lips nang mabasa iyon. Ito ang katunayan na hiwalay na kaming dalawa ni Phoenix. We are now divorced.
"Mommy, why are you crying?" malungkot na tanong ni Faria. Agad kong pinahid ang mga luha ko.
Nakipagtitigan ako kay Madam Victorina.
"Wala na po kami ng apo nyo." binigay ko sa kanya ang papel na agad nya namang binasa.
Umiling iling ito ito habang nakangisi.
"Tariq, call Phoenix. Papuntahin mo sya dito." nanlaki ang mga mata ko.
"Aalis na po kami." agad kong pinaglakad ang triplets. Hindi naman umimik ang matandang babae at mukhang hahayaan lang kaming makaalis.
"Mommy, it's butterfly! Ang pretty!" Faria exclaimed. Sinundan nito ang kulay violet na butterfly.
"Faria, no. Dito ka lang!" tumakbo ito. Napabuntong hininga na lang ako at nilingon ang bungalo house. Kasalukuyang nag uusap ang dalawa.
"Ouch!" sigaw ni Faria ang narinig ko.
Agad kong pinuntahan ito. Halos mawalan ng kulay ang mukha ko nang mapagtanto kung sino ang lalaking nasa harap nya.
Hawak ni Faria ang noo nya at nakalabi. Mukhang nauntog sya dito.
"Ang tsakit ng noo ko, Mister." nakalabing ani ni Faria habang nangingilid ang luha sa mga mata.
"Mommy!" atungal nito at tumakbo papalapit sakin at yumakap.
He's not talking. Nakamasid lang ito.
"First day on going back here in the Philippines at marami na agad ang nangyari." ani ni Madam Victoriana habang nasa likod nito si Tariq na nakangisi.
"Pumasok kayo sa loob ng bahay. Baka mainitin ang mga apo ko. Pag usapan nyong mabuti ang bagay na 'to. Ayokong magkaroon ng mga apong bastardo." pinunit nito ang papeles na nagpapatunay na divorced na kami ni Phoenix.
"Let's go, Jack. To the mansion."
Nilagpasan ako ng nakataas noong si Madam Victoriana. Hinagod ako ng tingin ni Tariq na nakapagpa igting ng panga ng lalaking nasa harap ko.
"Best of luck, bro." tinapik ni Tariq ang balikat nya.
"I am going to explain—"
"We have a children?" malamig na tanong ni Phoenix.
(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

BINABASA MO ANG
Hiding My Husband's Triplets
Romance"Leave, Farah." he coldly said to me. "Ha? Why? Did I do something wrong?" naiiyak kong tanong. "Did you thought that I will not know? I knew you were with Drew last month! Magkasama kayo!" "I'm sorry, but I did not expect that we will meet-" Isan...