Chapter 40

4.9K 279 11
                                    

Farah's POV

Ang lakas ng kabog ng puso ko. Nasa bus kami ngayong mag iina. Papunta kami ngayong Bicol.

"Sleep, baby." hinalikan ko sa noo ang inaantok na si Pixes.

"We will go to Lola?" tuamango lang ako.

"How about Tito Phoenix?" I gasped. Hindi ko binuksan ang cellphone ko mula nang tinawagan ako ng kapatid ko.

"Nasabihan ko naman sya. Sleep ka na, baby. Look, si Calyx at Faria tulog na, ikaw na lang ang hindi—"

"Ikaw rin naman, Mommy."

"Matutulog ako pag nagsleep ka na. Mahaba pa ang byahe natin, so you better sleep, baby."

Ite text ko na lang si Phoenix. It was an emergency afterall.

Pagkadating namin sa bahay ay napabuntong hininga ako. Gabi kami bumyahe at ngayong umaga kami dumating.

"Si Mama?" tanong ko kaagad kay Felicity, ang kapatid kong call center agent.

"Nasa loob. Ayaw magpaconfine. Sabi naman ng doctor ayos na sya, wag lang daw masyadong magpaka stress."

"Oh my gulalay! Sino 'tong mga batang ito, Ate?!" gualt na tanong nito habang pinagmamasdan ang tatlo.

"Mga anak ko."

Dumiretso ako sa sala at naabutan kong nagpapaypay ng abaniko si Mama. Nakasimangot ito habang nanonood ng palabas na comedy.

"Ma..."

"Nagpunta ka pa talaga dito, inatake lang naman ako. Nagsayang ka lang ng pera."

"Ma naman. Nag alala ako noong sinabi sakin ni Felicity na nasa ospital kayo."

She eyed me from head to toe. Binalingan nya ng tingin ang triplets na kausap ang kapatid ko.

"Hindi mo ba kasama si Drew?"

"Po? Hindi nya po ba nasabi sa inyo ang totoo?"

"Nasabi nya naman. Pero, mukhang matinong lalaki iyon. Magiging mabuting ama sya sa mga anak mo pagnagkataon." napakamot ako ng ulo.

"Magkaibigan lang po kami ni Drew, Ma."

"Oo nga, magkaibigan lang sila ni Zidrew!" ani ng kapatid ko.

"Felicity?" takang tanong ko. Agad namula ang pisngi nito.

"Hay nako, Ate! Kung hindi mo sasagutin, sabihin mo single ako! Tutal Amerikano naman sya, sabihin mo pumatol sya sa isang katulad ko na purong Filipina. Wag na sa Australianang katulad mo!" napaawang ang mga labi ko.

"Magtigil ka dyan, Felicidad Asunsion!" parehas kaming napangiwi.

"It's Felicity, mother!" sabay kaming natawa.

Kinuha ko ang cellphone ko at bumungad sa akin ang texts at missed calls galing kay Phoenix.

'I am going to pick you up, nasabi mo na ba sa kanila?'

'Respond.'

'Aren't you going to respond to my text, Farah? Pick up your phone.'

"How dare you ignore me?'

'Don't test my patience.'

'What is happening with you?'

'Is this what they call seenzoned? Am I being seenzoned by you, Miss Half Aussie?'

'Talk to me.'

'I have already reached my limits. I will track your phone.'

Nanlaki ang mga mata ko sa panghuling message na ipinadala nya. Tracking my phone, seriously?!

"Ate, inom tayomg lambanog mamaya kapag tulog na yung mga anak mo." yaya sakin ni Felicity.

"Ayoko. Panigurado may hang over ako nyang kinaumagahan, aasikasuhin ko pa ang mga anak ko."

"Nakakatampo na kayo. Si Kuya Francis, mula noong tumuntong nang Manila, lagi na kong tinatanggihan. Di na umuuwi dito. Porket nakaasawa ng mayaman, hay nako! Tapos ikaw naman, parang lambanog lang e!"

Tatlo kaming magkakapatid, si Kuya Francis ang panganay, nagkaasawa ito ng isang doctor. Ang huling contact ko dito ay higit tatlong taon na ata, binigay ko sa kanya ang address ko ngunit hindi ito bumisita sa akin.

Magsasalita na sana ako kaso nga lang ay may biglang kumatok. Tinungo iyon ng kapatid ko at...

"Ate!!! May sobrang poging anghel akong kaharap, kukunin na ba ako ni Lord? Owemjiiii!"

Agad akong pumunta doon at napanganga.

"Phoenix? What are you doing here?"

Nakaputing polo ito at maluwag ang necktie na suot, mukhang paulit ulit na hinila. Hawak nito sa kanang kamay ang itim na coat.

"I'm here to see you, Farah. You don't have any rights on leaving me."

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Hiding My Husband's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon