Farah's POV
"Sinong mas bet mo, Ma? Amerikano o Mexikano?'
Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko. Nasa hapag kami ngayon at hinahanda ang pagkain para sa tanghalian.
"Depende kung sino ang gusto ng Australiana dito."
"Ma naman. Isa ka pa, Felicity. I packing tape ko yang bibig mo e."
"Nagtatanong lang e. Pero, yung kasama nila, yung Tariq, pogi din. Pang boy next door ang datingan. Mukhang masungit pero alam mo na, walang matigas na tinapay sa mainit na kape."
"Bet mo?" tanong ni Mama. Napilig ko ang ulo ko. Mukhang natututunan na ni Mama ang vocabulary ni Felicity.
"Yes na yes, mother!" kumindat ito sa amin at pumunta sa direksyon ni Tariq.
"Mukhang masugid ang dalawang yan, Farah. Parehas kang gusto."
"Hindi naman, Ma." si Phoenix? Si Drew, oo. Pero yung isang yun, mukhang hindi.
"Kaibigan ko lang si Drew. At si Phoenix, ama sya nila Calyx."
"May sabit ba?" agad akong natigilan. Nagtatantya nya akong tinignan.
"May anak sya sa iba." narinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga.
"Anong pakiramdam?"
"Masakit po. Pero, ako rin naman po ang may kasalanan kung tutuusin. Nakausap ko si Noah, yung anak nya." humina ang boses ko.
"Anong sabi?"
"Gusto nya ng kumpletong pamilya. Hindi ko yon maibibigay kung kukunin ko mula sa kanya si Phoenix—"
"Mahal mo ba ang lalaking 'yon, anak?" lumamlam ang mga mata nito.
"Ma...kasi, hinde pwede. Masasaktan ko yung bata—"
"Oo at hindi lang ang sagot na hinihingi ko." I pouted.
"H-hindi po." sa reaksyon nya ay mukhang hindi ito naniniwala.
"Tatanggapin mo ba ang bata kung sakali?"
"Tanggap ko po sya, Mam. Every child is a blessing from Him." ngumiti ito.
"Bakit hindi mo subukan?" agad akong nag iwas ng tingin.
"Pag iisipan ko po, Ma." nasabi ko na lang.
"Iinom tayo ng lambanog mamaya, okay?!" ani ni Felicity habang nakalingkis kay Tariq na tikom ang mga labi.
"What's lambanog, Mommy?" tanong ni Faria. Sasagot na sana ako kaso nga lang ay...
"It's an alcoholic drink, Faria." sagot ni Calyx. Napanganga ako.
"We knew it because we heard the neighbors talking about it." ani ni Pixes.
"Mukhang nagmana nga sa inyong dalawa." napapailing na ani ni Mama.
"Halina't kumain na kayo."
Naupo na ang lahat. Tumabi ako sa triplets while si Drew at Phoenix naman ang magkatabi. Sa kanan ni Pixes ay si Tariq at Felicity.
"Siguro nama'y hindi kayo maarte sa ulam?" inilapag ni Mama ang isang plato ng ngukngok.
"Yes po, actually favorite ko po ito. Palagi po kaming dinadalhan ng mayordoma namin." ani ni Drew.
Tumikhim si Phoenix.
"Actually, this is my first time trying this." pagamin nito.
"Tikman mo, iho. Masarap yan."
"Oo nga, kasingsarap ni Ate— Ouch! Baby Tariq oh!" sinipa ko kasi sa sya gamit ang paa ko sa ilalim ng mesa.
"Magsikain na kayo."
Nagsimula kaming kumain. Konti lang ang kinain ko, panaka naka ang pagtingin dito ni Phoenix at minsa'y napapakunot ang noo.
"You should eat more. You are not the only one who needs it." napasinghap ako sa turan nya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin, Kuya Phoenix?" tanong ni Felicity at sinubuan si Tariq na ngayo'y pulang pula na.
"She's carrying—"
"A lot of burdens. Madami akong problema, actually!" putol ko dito. Nangunot naman ang noo ni Drew. Hinawakan ko sya sa kamay. Umigting ang panga ni Phoenix.
"Tapos ka na kumain? Can we talk, Phoenix?"
Tumayo ito at magalang na nagpaalam kila Mama.
Hinila ko sya sa loob ng bahay. Inis ko syang hinarap.
"Ano bang problema mo? You can't just tell that infront of them!"
"Why? Hindi ba nila alam na pinagbubuntis mo ang anak ng Centillion na 'yun?"
"No, hindi nila alam. So, you should just shut your mouth." nag igting ang panga nito habang masama akong tinitignan.
"I will really chòke him if I see him."
"Pwede ba, Phoenix—"
"Aray!" a woman voice said. Agad nangunot ang noo naming dalawa. It's not familiar.
Pinuntahan ko agad yun at napilig ang ulo. Tanging pusa lang ang nandito. Puro puno na kasi ang gilid ng bahay namin.
"Minumulto na ba tayo? Wala naman kayong kapitbahay—"
"Phoenix!" sigaw ko dito.
"Sorry. I forgot you are afraid of ghosts."
"Shut the h*ll up—"
"Is it a white lady or black lady—" tinuhod ko sya sa pagitan ng hita.
(Fun Fact: I wrote this chapter noong nagbakasyon ako sa Bicol, I tried ngukngok for the first time and nagustuhan ko sya. Rereading this makes me want to try it again😭 btw, kawawa naman si baby phoenix HAHAHA)
(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)
BINABASA MO ANG
Hiding My Husband's Triplets
Romance"Leave, Farah." he coldly said to me. "Ha? Why? Did I do something wrong?" naiiyak kong tanong. "Did you thought that I will not know? I knew you were with Drew last month! Magkasama kayo!" "I'm sorry, but I did not expect that we will meet-" Isan...
