"Gagi, nag review kayo?"
Inilapag ko ang bag ko sa upuan habang isinandal ko naman ang dalang skateboard sa gilid ng upuan ko. Paglingon ko sa mga kaibigan ko, nakita ko silang nag kukumpol-kumpulan sa isang bahagi ng classroom at nakapabilog ang mga lamesa.
"Para sa'n?" Tanong ko kay Linken na buhat-buhat na ngayon ang upuan niya patabi sa pwesto nila Tamg.
"Baliw, may summative ngayon! Hindi ka rin nag review?"
"Weh?" Tumawa ako. "Kailan sinabi?"
"Sa GC. Nagchat yung teacher natin kagabi, ah? Hindi kayo nagbabasa?" Naglaho ang ngiti sa labi ko nang magsalita si Lynpen.
Luh? Bakit nakikisali 'to? Kami lang po dalawa nag-uusap!
Umirap ako. "Babagsak din naman."
"Gan'yan mindset mo?"
"Ayan! Lagot! Pangit kasi ng mindset." Si Linken na tinawanan pa ako.
Alam kong wala lang sa kan'ya ang sinabi niya. Gano'n naman kami e, palaging nag-aasaran. Pero dahil si Lynpen ang dahilan kung bakit niya 'to sinabi, hindi ko mapigilang mairita.
Purong-puro na 'tong babae na 'to sa'kin, ah! Isang gan'yan niya pa, babarahin ko na talaga 'yan.
"Psh," wala akong ibang nagawa kung hindi ang maupo sa upuan at iyuko nalang ang ulo sa lamesa.
"Hoy, Sabrina! Mag review ka rito!" Sigaw ni Tamg pero hindi ako sumagot.
Ang totoo niyan, mas nakaka-intimidate pa nga ang mukha ni Tamg kasya sa mukha ni Lynpen. Kung hindi ko lang alam kung anong ugali mayro'n siya, baka hindi ko gugustuhing tumabi sa kan'ya, e. Nakakatakot kasi ang mga mata niya, parang mangangain. Kaso dahil alam ko ang ugaling mayroon siya, hindi ako naiintimidate sa kan'ya.
"Sabrina!"
"Ayoko nga sabi."
"Girl, 50 points talaga ang hatak nito sa grade natin. Sayang naman kung hindi mo gaga-"
"Pabayaan niyo siya." Rinig kong pagputol sa kan'ya ni Lynpen.
Talaga! Ayoko rin naman mag review kasama ka.
"Spoiled brat." Dagdag pa nito.
I clenched my jaw in annoyance. Edi wow! Hindi lang pantay ngipin mo e!
Sana talaga hindi na namin siya classmate next school year. Magdadasal talaga ako sa lahat ng santo huwag ko lang siya maging classmate o schoolmate sa darating na highschool life ko. Pakiramdam ko palagi akong walang peace of mind kapag nand'yan siya, e.
Ewan ko! Sa kan'ya ko lang naman nararamdaman yung ganito! Hindi rin naman ako pikon. Ako pa nga yung namimikon sa mga taong nakapaligid sa'kin, kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito epekto niya sa'kin.
"Cortez, Lynpen Reign. Valedictorian."
Pinanood ko siyang sumampa sa stage habang pinapalakpakan ng mga schoolmates namin. Ang ganda niya ngayon ah? Nakafull-makeup siya at wala rin siyang kahit na anong suot na salamin. Kinulot ang straight at mahaba niyang buhok at nilagyan ng glitters. Ang ganda-ganda tuloy sa tuwing nakatalikod siya, kumikintab-kintab.
"Best in english, best in math, best in science, best in filipino, best in-blah, blah, blah and so on and so far." Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod pa rito sa sobrang dami at haba ng sinabi ng principal namin.
Kahit na naiinis ako sa kan'ya, hindi ko mapigilang pumalakpak at ngumiti habang sinasabitan siya ng mga medalya. Grabe, hakot na hakot niya talaga mga awards, ah? Nabalitaan kong sobrang layo rin daw ng average niya roon sa salutatorian.
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...