"Bakit ang saya mo ata?" Pabiro akong binangga ni Ayesha sa balikat.
I smirked at her.
"Luh?" Her forehead furrowed. "Parang nung nakaraang araw lang, badtrip na badtrip ka pa sa'kin ah? Sasanayin mo 'kong nakasimangot ka tapos bigla kang ngingiti ngayon?"
I did a happy dance and laughed. Binuhat ko yung skateboard ko at saka ito hinampas sa kan'ya.
"Tangina, aray!" Binato niya ako ng cap.
I just smirked.
Nagpunta ako sa tapat ni coach Lary para ipakita ang tricks na nagawa ko. Malapit na ang laban ko, sa susunod na linggo na. This will be my first public appearance in three years, which is why he is keeping an eye on me.
"You did great." He praised me. Mabait 'to si coach, kilala siya sa larangan ng pag s-skate. Ako rin ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Ayesha.
I nodded my head.
Pagtapos kong mag ensayo, dumiretso ako sa duffle bag ko para tignan kung anong oras na. It's already 8 PM. I have to pick up Reign.
"Sa'n ka?"
"Sa gf ko," hinampas ko ulit si Ayesha dahil nanggigigil ako sa kan'ya. Nang makitang gagantihan niya ako, mabilis akong kumaripas ng takbo.
"Lakas ng tama mo, gago!" She exclaimed while raising her middle finger at me.
I just laughed.
Pagpasok sa sasakyan, ibinato ko ang duffle bag na bitbit sa backseat dahil sa passenger seat mauupo mamaya si Reign. Mabuti nalang at hindi traffic, mabilis akong nakarating sa university na pinagtatrabahuhan niya.
The moment she got in my car, she immediately gave me a kiss. Sinenyasan ko siyang isarado ang pinto dahil baka may makakita saamin.
"Wild mo naman po, ma'am." I joked.
Minsan natatawa ako sa tuwing nagtatabi kami, e. Ang layo ng outfit niya sa outfit ko. Katulad nalang ngayon. She is dressed in a long skirt that perfectly hugged her body and a white long-sleeve. She appears more formidable in those heels. Her entire appearance looks sophisticated and fancy.
However, if you were to look at me, you might think I'm some random naughty student who's not attending her class and just wearing filthy clothes.
"Who's that?" I asked when her phone rang. Hindi niya ito sinagot at pinatay lang ang phone. Tumaas ang kilay ko sa ginawa niya.
"It's Van," she said.
Sinulyapan ko siya saglit bago ibalik ulit ang tingin sa daan. "Bakit hindi mo sinagot?"
"I just don't want to." Hinawakan niya ako sa isang kamay.
"I'm driving."
"It's okay. I know you're skilled enough to use only one hand." She laughed. Para siyang kinilig sa sarili niyang sinabi kaya hindi ko rin napigilang tumawa.
Baliw.
Hinayaan ko nalang siya sa trip niya.
Lumipas ang ilang mga araw at nagpatuloy kaming ganito. Our relationship with each other seemed to get better after that conversation.I feel at ease.
She's no longer leaving my messages unread, and she often sends me images of what she's doing. I'm not overthinking things anymore. Busog na busog pa ako sa update.
"Nakangiti nanaman amputa," si Yesha, pero hindi ko siya pinansin.
Nagmamadali kong tinignan ang phone nang marinig itong tumunog. I was expecting a notification from Reign, but when I saw Payton's name on it, I rolled my eyes.
Binalik ko ang phone sa loob dahil wala akong balak na replyan ang message niya. Walang magandang dulot ang isang yun, puro bar. Dapat talaga pinapaulanan siya ng sampung libong research para mapirmi sa bahay, e.
"Bebi, sa saturday na yung laban ko." Ngumanga ako para kumagat sa burger na hawak niya.
"I'll watch," she said, wiping the side of my lips.
Ngumiti ako sa kan'ya at mahigpit siyang niyakap patagilid. Tinapik niya naman ako sa likod habang nasa pinapanood naming palabas ang tingin.
Pupunta kaming mall bukas para subukan yung bagong bukas na adventure zone. It's an indoor playground for adults like us. Wala kasi akong maisip na magandang place kung sa'n ko siya p'wedeng dalhin kaya roon nalang. At least doon p'wede pa kaming magligalig.
"Our first date will be here?" She laughed after seeing where we stopped."Bakit? Ayaw mo?"
"No! I love it!"
I nod my head. "Dapat lang. You should match my freak. Maganda 'to, mag e-enjoy tayo."
Hinila ko na siya papasok para makapagbayad.
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...