CHAPTER 27: her pov (2)

1.6K 101 2
                                    

"Class! Quiet down and go back to your seats! You'll be having a new classmate." Lumingon ang guro sa pintuan kung saan ako nakatayo. "Iha, pasok ka." 
 
I walked inside the classroom and stopped in the middle, where the teacher was. Inilibot ko ang paningin sa paligid habang patagong kinukurot ang sarili para mabawasan ang kaba na nararamdaman.
 
"From now on, she'll be joining our class, so treat her right. Iha, go on, you can now introduce yourself so your classmates can know you better."
 
I nodded. 
 
"Good afternoon, I'm Lynpen Reign Cortez." 
 
"Yun lang?" Mukhang nagtaka siya dahil sa maikli kong pagpapakilala. "Your hobbies? Dislikes? You can share a little detail about you if it's okay lang naman sa'yo, iha." 
 
I have no choice but to nod again. 
 
"I prefer being called by my first name. Hobbies? I like studying and anything related to things that will give me new knowledge. Dislikes? Hm.. loud people." 
 
"That's it?" 
 
I nodded. Ano pa bang gusto nito?

"Okay-"
 
Napunta ang atensyon ko sa bandang dulo nang may isang babaeng pumalakpak mula rito.

She's blonde. Her hair is in a ponytail, and she's wearing a black sports headband. Mukhang may lahi ang isang 'to dahil masyado siyang maputi kumpara sa iba naming kaklase. Her eyes are blue, and she has a proud and pointed nose. I almost couldn't take my eyes off her when she also looked at me. Pinanliitan niya pa ako ng mata habang nakikipagtitigan sa'kin. 
 
"Fuertes, what is it this time?" Nauubusan agad ng pasensyang tanong ng guro.

Kung pagbabasehan ko ang reaksyon niya, mukhang palagi na talagang nagpapasaway ang estudyanteng ito.
 
"Sorry, akala ko po kasi papalakpak pagtapos niyang mag introduce yourself." Tapos ay pilyo itong ngumiti. 
 
The teacher made a tsked sound before glancing at me. "You can now sit down, iha—oh! wait a minute, you're wearing a glasses. Gusto mo bang palipatin ko ang isa mong kaklase para rito ka sa harap maupo?"

"It's okay, ma'am."

"Are you sure? Baka mahirapan kang makakita niyan?"

"Malinaw naman po ang salamin ko," kaya nga ako may suot na ganito.

"Sabagay.. matangkad ka naman kumpara sa mga kaklase mo. Ano bang mas gusto mo? May dalawang bakanteng upuan pang natitira. Isa yung nandoon sa bintana, tapos yung isa naman ay yung nasa pinaka dulo." She pointed in both directions. 
 
"Sa tabi nalang po ng bintana." Sagot ko at saka nagsimulang maglakad. 
 
"Hala, 'wag ka d'yan. Maingay 'yang katabi mo." Napalingon ako sa babaeng nagsalita. 
 
Her hair is long and dark. She's looking at me in a friendly manner, yet I feel very intimidated by her stare. Her eyes are so unique. Siren eyes ba ang tawag dito?
 
"Anong maingay?! Binabash mo agad ako sa transferee, ah!" Nagsalita iyong lalaking sinasabi niyang maingay. 
 
I nodded. 
 
Maingay nga. 
 
Dahil ayoko sa maingay, dumiretso ako roon sa upuan sa pinaka dulo. Inilapag ko ang bag ko rito at inilabas ang notebook at ballpen dahil nagsimula na agad magturo ang teacher. 
 
Math pala ang first subject nila. Tamang-tama, nag-advanced study ako kanina sa subject na ito habang nasa byahe. 
 
"Let's have a quick review before I start a new lesson. Has anyone here remembered what fraction is for?" Agaran akong nagtaas ng kamay para sumagot. "Yes?" 
 
"A fraction is used to represent the portion or part of the whole thing. It has two parts, the numerator and denominator. The number on the top is called the numerator, and the number on the bottom is called the denominator."
 
"Correct!" Pumalakpak ito, naupo naman ako pabalik. "Good job, Lynpen! Tama ba ako? Lynpen ang gusto mong itawag namin sa'yo?" 
 
"I would appreciate." 
 
"Gan'yan dapat class. Kahit na kakapasok niyo lang, dapat nag p-participate na agad kayo. Because of that, I'll give you a plus point, Lynpen. You gave me a complete answer even though you weren't here in our class yesterday." 
 
Tumango lang ako. 
 
"Back to our topic, can anyone here in the class give me the meaning of decimals and what they're used for?" 
 
Pasimple kong inilibot ang paningin sa paligid dahil inaabangan kong may sumagot. Wala nanamang nagtataas ng kamay. 
 
"Anyone? Lesson lang natin 'yan kahapon!" 
 
I sighed, then raised my hand again. Mukhang nagulat ang teacher nang ako nanaman ang magtaas. 
 
"Y-Yes, Lynpen?" 
 
"In algebra, decimals are numbers with a whole integer and a fractional part separated by a decimal point. The dot between the full number and the fractional part is identified as the decimal point."
 
Naupo ulit ako. 
 
This is basic knowledge. Bakit hindi sila sumasagot?
 
"Correct!" Pumalakpak ulit ang teacher. But this time, nahaluaan ng galing sa ilang mga kaklase ko. 
 
"Wow, ang talino mo pala?" Nilingon ako nung morenang may kakaibang mata. "I'm Tamg." Naglahad siya ng kamay, tapos ay nginitian ako. 
 
"Lynpen." Hindi ko rin napigilang ngumiti dahil nakakahawa ang paraan niya ng pagngiti. Hindi bagay sa ugali niya ang mukha niya.

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now