I'm lost for words. Well, first of all, how the heck did she come up with this kind of idea?
"Ayiee! Kinikilig na 'yan!" Inulan agad ako ng pang-aasar ni Linken paglapit ko sa kanila.
Kakatapos lang ng training ko at naisipan ng isang 'to na tipunin ang mga kaibigan namin para ikuwento sa kanila ang ganap kanina.
"Tapos alam niyo ba, abot tenga yung ngiti niya kanina. Nagyakapan pa sila at-"
"Dapat talaga marites ang pinangalan ng nanay mo sa'yo, e." Sumingit ako habang nagsasalita siya.
"Totoo ba? May girlfriend ka na ulit?!"
"Who told you that?" Inakbayan ko si Tamg na kaagad niya namang inalis.
"Ayokong nagseselos baby ko." Inilingan niya ako.
"Tss," I whispered, rolling my eyes before answering her question. "I don't have a girlfriend. 'Di totoo 'yang chinichismis ni Linken sainyo."
"Pero soon to be girlfriend meron!"
"Sasapakin na kita."
"Kunwari ka pa, e nag yes ka nga dun sa alok ni Heather. Hindi mo naman tatanggapin yun kung 'di mo siya bet. Why don't you guys ask Lynpen about it? Kung 'di kayo naniniwala sa'kin, ask her. She's there when everything happens, napanood niya lahat. Kung pa'no 'to umoo at kung paano siya yakapin ni Heather dahil sa sobrang saya."
"Is that true, Lynpen?"
Pare-pareho kaming lumingon dito. Mukhang wala siya sa wisyo dahil hindi niya agad naramdaman ang titig namin sa kaniya.
"I'm sorry, what?" Nakabawi lang siya pagtapos siyang tapikin ni Van.
"Are you okay? You looked terrified." Tapos ay hinawakan siya nito sa kamay.
"I'm fine. I'm just..." She looks so nervous, she couldn't even find her right words. When our eyes met, she immediately looked away. "Sorry, mauuna na ako. I still need to do something."
"H-Hey! Wait, where are you going?" Tanong ni Gail pero hindi siya nilingon nito kaya hinawakan nalang siya ni Van sa balikat bago sumunod kay Lynpen at iwan kaming apat.
"What happened to her?"
"Dunno, baka wala ulit sa mood." Ikinibit ko ang balikat ko.
Totoong nandoon ito kanina at napanood niya ang lahat ng nangyari, kaso pagtapos kong tanggapin ang alok ni Heather at habang niyayakap ako nito, bigla nalang siyang naglaho. Late na nung marealize kong wala na pala siya sa tabi ko. Weird nga kasi yung kasama siyang babae na parte rin ng council, nanatili namang nandoon sa gym, pumapalakpak at pinanonood pa nga kami.
"Grabe! Tatlong linggo niya kaya pinaghandaan yun! Tapos nahirapan pa kami sa paghahanap ng babagay na music. Nakailang practice kami! Magkakaibang sound lahat!"
Natawa ako sa kwento ni Linken. "That's crazy."
Kaming dalawa nalang ang nandito ngayon sa loob ng cafe sa labas ng school. Wala narin sila Tamg at Gail, sinundo na ng mga driver nila.
"She really likes you, bro! Grabe, habang pinapractice namin yung sayaw, seryosong-seryoso talaga siya. Nakailang tanong din siya kung may kinakausap ka raw ba ngayon o 'di kaya naman ay natitipuhan dahil natatakot siyang mareject! Overthinker pala siya, bro."
"It doesn't matter. I can reject her even if I'm not talking to anyone."
"What? You serious? She's actually so attractive. Just why?" Pabiro niya akong tinulak sa balikat kaya natawa ako.
He's right. Heather's attractive and a nice-looking femme. Hindi mo siya makikitaan ng kahit na anong butas ng pagiging baliko. She's also smart and good when it comes to leadership skills. One of the reasons why she became the director of our film. Magaling siyang mag handle ng mga bagay-bagay.
"Pero ano nga? Ayaw mo talaga sa kan'ya?" Tinanong nanaman ako ni Linken.
"Ayos lang,"
"Ayos lang? Anong ayos lang? Linawin mo naman, bro. 'Di ako makachismis, e."
"I'll be honest, I'm not that interested. Probably because I'm not looking for any relationships right now." I shrugged my shoulders. "But she's cute, and I like her determination. It's just that.. hindi ko makita ang sarili kong magiging girlfriend siya. To be fair, hindi ko makita sarili ko na magiging girlfriend ng kahit na sino."
"Seryoso?"
"Oo."
Huminga siya nang malalim. "Grabe, sure ka naka move-on ka na niyan?"
Hinampas ko siya nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin dito. Mabilis siyang tumawa at umilag sa mga sumunod ko pang hampas.
"Baka gusto mong patayin kita."
"Grabe naman!" He playfully laughed.
Lumipas ang mga araw at parang apoy na kumalat sa campus ang imbitasyon sa'kin ni Heather para sa darating naming prom. Pinost kasi sa story nung ibang mga kumuha ng video ang nangyari kaya madaming nakapanood. Hays! Malamang broken-hearted nanaman mga nagkakacrush sa'kin nito! Pogi ko kasi masyado, e.
"Thanks," tinanggap ko ang inabot na gatorade saakin ni Heather. Kakatapos lang ng training at pinanood niya ako buong magdamag.
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...