CHAPTER 35 her pov (10)

1.7K 121 16
                                    

"P-Papa? Ano po bang nangyari?" Tinakbo ko nang mabilis ang kinaroroonan ni papa.

"Lynpen, be careful-"

"Papa!" Hinawakan ko ito sa magkabilaang braso at pilit na pinaharap sa'kin.

Nandito kami ngayon sa ospital at naabutan ko siyang nakaupo habang nakatakip ang mga palad sa mukha. Pagtapos niya akong tawagan, si Van ang agad na pumasok sa isip kong tutulong sa'kin ihatid ako papunta rito.

"P-Papa? Nasaan po si mama?" Iling lang ang tanging isinagot niya kaya niyugyog ko ang balikat niya. "Papa! Sumagot naman po kayo! Nasaan po si mama?!"

"R-Reign-"

"Totoo po ba?" Pumatak ang mga luha sa mata ko. "A-Ano po bang nangyari, papa? B-Bakit po kayo nandito sa ospital? May sakit po ba si mama? Bakit po hindi ko alam? Diba po mabuti na ang lagay niya? Ano po ba talagang nangyari?!"

Hinawakan ako ni Van sa balikat pero nagpatuloy ako sa pag-iyak.

"N-Nasaan siya?" Sinubukan kong humanap ng doctor na magpagtatanungan. Nang walang makita, ibinalik ko ulit ang tingin sa kan'ya. "Papa! Ano ba?! Sumagot naman po kayo! Ano po bang nangyari? Hindi po ba magaling na si mama? P-Paanong nangyari sa kan'ya ang-"

"She killed herself, Reign."

"W-What?"

"Nag suicide ang mama mo, Reign. Natagpuan ko nalang siya kanina sa kwarto n-niya na puro mga pills ang hawak at.. at.. hindi humihinga kaya naman ipinunta ko siya sa ospital para mailigtas siya p-pero wala na. Wala na! Patay na si Amora, Reign! Patay na siya!"

Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig. Van immediately kneeled down to give some support.

"W-Wala manlang akong nagawa.. namatay ang asawa ko, wala manlang akong nagawa.."

Nanatiling nakababa ang ulo ko habang pinoproseso ang mga nangyayari. Is this real? Nakausap ko lang siya nung isang linggo, paanong.. wala na siya?

"She's not dead, papa."

"She is!"

"No, no, no, no, she's not." I shook my head countless times. "I cannot accept this. She is not dead."

"She is, Reign. I saw it with my two eyes, w-wala na ang mama-"

"Hindi p'wede papa!" I couldn't stop crying as I stood up and looked around to find a doctor. Nang may makita, kaagad ko itong nilapitan para pagtanungan kung nasaan si mama.

"In the mortuary,"

"P-Po?"

"She's my patient, iha. I'm so sorry for your loss." Tapos ay naaawang tinignan si papa.

Kaagad akong tumakbo papunta roon, pagkapasok, kusang nanlambot ang buong katawan ko. Puno ng mga taong nakataklob ng puting tela.

"Lynpen," Van called my name, full of worries.

But I did not glance at him.

"Yes po, ma'am?" the nurse asked me.

"Si m-mama po? Nandito po ba si mama?"

"Ma'am, can I ask your mother's name?"

"L-Luisa Amora Cortez." After what I said, she immediately checked the notebook she was holding before glancing at the numbers on top of each body.

"Number 4 po," yumuko ito.

Para akong nabingi sa narinig bago mabilis na ilibot ang paningin para hanapin kung nasaan ang pang apat na numero. I slowly walked towards it while my knees, feet, and hands were trembling with fear.

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now