"Ang galing mo palang magluto?"
Kahit na naguguluhan sa naramdaman kanina, ipinagsawalang-bahala ko nalang ito at nagpokus sa pagkain.
Nilutuan ako ni Lynpen ng bistek. Ang galing niya nga e, sanay na sanay siyang humawak ng kutsilyo. Amaze na amaze parin ako kahit na hindi naman na dapat dahil nakita ko na siyang gumamit nito nung field trip. Katulong kasi siya nung mga teacher namin na magluto.
"Pa'no ka natuto?" Pangdadaldal ko sa kaniya kahit na halatang gusto niyang tahimik na kumain.
"Tinuruan ako ni mama."
"Talaga?" I got excited. "Malamang masarap din magluto si tita. Chef ba siya?"
"Hindi. Wala siyang trabaho, housewife siya at hobby niya lang talaga ang pagluluto."
"Ah.." tumango ako habang nginunguya ang kanin na nasa bibig. Pareho kaming nasa lamesa, magkaharap na kumakain. "Kaya ka ba niya tinuruan?"
"No. It was actually my idea. Ako nagpilit sa kan'ya kasi gusto kong maka-master ng isang bagay."
"Eh? E ang dami-dami mo na ngang talent."
"Still not enough."
Nagsalubong ang mga kilay ko. Still not enough? E halos lahat nga ng teacher namin sa school sinasamba siya, kulang nalang luhuran nila siya kung makitungo ang mga 'to sa kaniya, e. Hindi naman ganun ang mga yun saaming normal nilang mga estudyante.
"Sino nagsabi sa'yo niyan?"
"Myself," she nonchalantly said. Na para bang normal na normal sa kaniya ang usaping ganito.
"Ano ba 'yan, Lynpen. Puno na nga yung isang cabinet mo ng awards at mga medal mo. Pa'nong 'di parin enough? I think you're pressuring yourself too much. It's not a good thing, 'ya know?"
Binitawan niya ang kutsara't tinidor kaya agad akong nakaramdam ng lamig sa katawan. Teka, galit ba siya? sumobra ba ako? Pero sinasabi ko lang naman kung anong nasa isip ko e! Tsaka, magkaibigan kami, diba dapat honest kami sa isat-isa?
"I needed to." She looked up and stared at me. "'Cause who am I without my academic achievement?"
Hindi ako nakapagsalita.
"See? Even you can't answer it."
"Hindi naman sa gano-"
"I am nothing without it. You people will never understand it. Ayokong maalala lang ng tao sa pagiging matalino ko. I want to.. learn something else besides it. Never akong magiging enough kung hindi ko napag-aaralan gawin lahat."
Hindi nanaman ako nakapagsalita.
Ano raw? Never siyang magiging enough hanggat 'di niya napag-aaralan lahat? Where the hell did she get that mindset?
I want to open my mouth to express all of my inner thoughts, but I stop myself. Wala ako sa posisyon para sabihin pa yun kaya mas pinili kong magpatuloy sa pagkain at manahimik nalang.
Talaga ngang hindi ko pa siya kilala. Marami pa kaming bagay na hindi nalalaman sa isat-isa. Masyado naman kasi siyang misteryoso para malaman ko ang mga yun.
I sighed.
Kahit na gusto kong pag-usapan ang tungkol dito, hindi ko parin magawa dahil natatakot akong magtanong. Baka may masabi akong hindi maganda, tapos magkaroon pa kami ng misunderstanding.
Pikon pa naman ang isang 'to, baka bigla niya nalang akong pauwiin kapag nagkasagutan kaming dalawa. Ayoko pa 'no! Gusto ko munang i-enjoy ang bahay niya para may maipagyayabang ako kila Linken bukas.
![](https://img.wattpad.com/cover/361377397-288-k254197.jpg)
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...