"Goodnight everyone! Congratulate yourself for cooking meals for yourselves. Matulog nang maaga at maaga pa tayo bukas. Madami pa tayong incoming activities na kailangang gawin kaya huwag kayong magpupuyat. Yes, Palma?" Tanong ni ma'am nang magtaas ng kamay si Gail.
"Like what?"
"Tuturuan namin kayong mangisda at mangaso."
"Luh?" Linken reacted.
"Joke! Sige na, matulog na kayo. Secret ang mangyayari bukas para exciting." Patawa-tawang sinabi ng teacher namin bago siya pumasok sa sarili nilang tent.
Kakatapos lang naming kumain at magligpit ng mga kalat at maghugas ng mga pinagkainan. Pagod na ang lahat dahil hindi halos lahat saamin ay sanay na kami ang gumagawa ng mga ganitong bagay. Bukas pa raw magsisimula ang totoong mga activities sabi ni ma'am.
Nag-inat ako ng katawan at tumingin sa mga kaibigan ko. "Tutulog na kayo?"
"Yes, I feel sleepy."
"Saan ka matutulog, Sabrina? Dito ka na sa tent namin, malaki naman 'to."
"Diba by group?"
"Girl, paawat ka, pati pagtulog gusto mo by group?" Tinarayan ni Tamg ang nagsalitang si Dania kaya tinapik ko ito sa balikat. "Tara na, Sabrina. Hindi naman mamamatay 'yang mga kagroup mo kapag dito ka saamin natulog. Saamin ka naman talaga in the first place."
"Balik nalang ako bukas," I smiled at Dania.
Pagpasok sa tent namin, namangha agad ako sa itsura ng loob nito. Sobrang laki kasi, kasya ata ang sampung katao rito. Para kang nasa bahay, ang daming mga gamit sa loob. Tapos may malaking foam pa sila na nakalatag.
"Sino nagdala ng lahat ng 'to?" Tumawa ako. Ang daming unan!
"Si Gail. Pinasabay niya ro'n sa sasakyan ng teacher natin."
"Pwede yun?"
"He wants to make his name smell good in front of me because he knows about my family background." Sagot ni Gail habang sinusuklayan ang kulay blonde niyang buhok.
Pareho kami ng kulay ng buhok. Pareho rin kaming maputi pero mas maputi parin siya lalo na kapag nagtabi kaming dalawa. Ang pinagkaiba lang talaga naming dalawa ay yung height. Maliit kasi si Gail, tapos ako naman, matangkad.
"Truth or dare tayo!"
"Boo! Boring! Wala bang iba?"
"Ay? Kasali ka ba? Hindi ka po kasali!" Sinigawan ni Tamg si Linken.
Natatawa ko itong inilingan bago maupo sa tabi ng nagbubungangang si Tamg. No choice rin siyang naupo at tumabi sa'kin. Gano'n din ang ginawa ni Gail na kakatapos lang magsuklay. Hindi dapat sasali si Van, pero nang makitang naupo si Lynpen, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang sumali.
I smirked. "Under ka pala, e."
"Shut up." He glared at me.
I chuckled but immediately stopped when I saw Lynpen already staring at me. Sabi ko nga, tatahimik na...
"Okay, so first.. truth or dare, Linken?"
"Luh? Bakit ako agad? Diba dapat magpapaikot muna ng bote tapos kung kanino tatapat?"
"Ay! Oo nga pala." Tamg laughed. "Sorry, may false. E wala tayong bote, e. Sige na, ikaw nalang ang mauna-"
"Ayoko! Ang duga nito!"
"Oh, God! Here! Dami-daming bote nag-away kayo." Inilapag ni Gail ang babasaging bote ng skincare niya kaya natahimik ang dalawa sa pag-aaway.
"And the first one is..." Pinaikot ito ni Tamg, lahat kami nandito ang pokus. "Sabrina! You!" Sigaw niya nang tumama sa'kin ang bukasan ng skincare.
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...