Kasalukuyan akong nag d-drive habang nakaupo naman si Lynpen sa passenger seat. Papunta kami ngayon sa park sa likod ng school dahil dito raw may ice cream.
Lakas nga ng trip niya e, meron din naman nun sa convenience store sa tapat ng school, pero mas pinili niya parin talagang magpunta rito.
"Parang bata," I whispered after seeing her run towards the ice cream pushcart. I can't help but laugh. She seems so excited about it. Akalain niyo yun? May side pala siyang ganito?
"Sab!"
"Papunta na po." Ipinasok ko sa bulsa ang susi ng sasakyan at saka siya nilapitan. "Hello, manong." Ngumiti ako sa matandang nagtitinda.
Ngumiti ito saakin pabalik bago sulyapan si Lynpen na nandoon sa mga flavors ng ice cream ang tingin.
"Girlfriend niyo ho?"
"H-Ha? Hindi po! Kaibigan ko lang po siya."
"Gano'n?" Parang nanlumo pa talaga siya. "Pasensya na iha, ang dami kasing mga dumadayo ritong magkasintahan, kaya madalas napagkakamalan kong mag nobya kapag dalawa lang silang magkasama."
Tanging pilit na ngiti lang ang nagawa kong isagot. Awkward! Alam kong nakikinig si Lynpen kahit na hindi siya umiimik!
"Anong flavor sa'yo?"
"Strawberry." I tried so hard to stop myself from smiling because there's literally no reason to smile! Ewan ko sa sarili ko kung bakit ako ngumingiti ngayon.
"What's so funny?"
"Wala." I chuckled and turned my head to the side a little. "Bilis na, sabihin mo na kay manong kung anong iyo tsaka kung ilang scoop bawat flavors."
Kinuha ko ang wallet sa bulsa para iready ang pera. Nang dudukot na sana siya ng ipangbabayad, inunahan ko agad siya.
"Ako na." I smirked at her, but she just rolled her eyes and walked away. Mahina akong natawa at iniling ang ulo. "Keep the change na, manong."
Pagtapos ay sumunod ako kay Lynpen habang hawak-hawak ang ice cream. Muntik pa akong madapa dahil sa mga batang naglalaro ng habulan. Mabilis ko itong hinawakan sa braso para masalo at hindi sumubsob ang mukha sa semento."Muntik mo nang makita si papa Jesus." I joked, but he just smiled.
"Thank you, Kuya!"
Kuya?
Mukha ba akong lalaki? Nakawolf-cut naman ako, ah? Kahit papaano mahaba-haba parin ang buhok ko.
Lumingon si Lynpen sa'kin para tignan kung anong nangyari. After seeing me completely okay and still standing up, tumalikod siya agad at nagpatuloy sa paglalakad. Naupo siya roon sa bench na good for two people.
Napanguso ako.
"Sarap." I licked the ice cream and sat next to her. Tumaas ang kilay ko nang makitang nakatingin siya sa'kin. "What?"
"You have something on the side of your lips." Pupunasan ko na dapat ito pero inunahan niya ako. "Tsk. How old are you again? Next time bring your own handkerchief, or much better if you stop eating like you're a baby."
I side-eyed her. Pero mukhang hindi niya ito napansin dahil nagpatuloy siya sa pagpupunas dito."There. All clean."
I clicked the sides of my cheeks and looked away. Grabe! Sarap ng hangin dito, sobrang lamig tapos amoy probinsya.
Inabala ko ang sarili sa panonood sa mga batang nagpipiko sa harap namin. Lynpen's also doing the same thing. Mukhang nag e-enjoy nga siya dahil nagkikislapan ang mga mata niya. She looks so damn interested, and it's surprising me.
I quickly took my phone out of my pocket when I felt it vibrate. Nang makitang notification ito galing sa group chat namin at si Linken ang nag cha-chat, hindi ko napigilang matawa. Deserve! kulang nalang gawin akong personal driver, e.I was about to show it to Lynpen if she just didn't stand up and begin walking. I instantly followed her out of curiosity.
"Cotton candy?" Tanong ko nang huminto kami sa tapat ng nagbebenta nito.
"Giant flower nga po," she pointed at the available choices posted on the transparent glass. "Dalawa po d'yan. Magkano po?"
"50 isa ganda,"
"Here-"
"Hey!" Pinigilan ko siya, pero tuluyan na itong nakuha nung nagtitinda. I looked at her. "I should be the one paying!"
"You don't owe me, Sabrina. Ikaw na nagbayad kanina diba? This makes us even."
"Pero 30 pesos lang yun. Mas mahal yung cotton candy."
"So? It doesn't matter." Wala akong ibang nagawa nang iabot niya sa'kin ang cotton candy. "Here. Hindi naman kita inaya rito para magpalibre sa'yo."
Okay... Para namang may magagawa pa ako.
Pagbalik namin sa inuupuan kanina, hindi ko napigilang pagmasdan siya. Tuwang-tuwa rin siya sa cotton candy katulad kung paano siya matuwa kanina sa ice cream. Weird nga kasi halatang pinipigilan niya ang sarili niyang ngumiti masyado. Bigla nalang siyang aayos ng upo o 'di kaya ay uubo tapos hihinto sa pagngiti sa tuwing marerealize niyang masyado siyang nakangiti.
I smirked. Hindi niya naman kailangang itago kung may mga soft side pala siya pagdating sa mga bagay na ganito. Siguro punong-puno ng masasayang memories childhood niya.
"Gusto mo sumali?"
"Huh?" Nilingon niya ako.
"Sa kanila," tumingin ako sa mga batang naglalaro ng piko. "Parang anong oras tatalon ka nalang bigla e."
I laughed when she rolled her eyes. "Shut up."
I ignored her. Tumayo ako at nilapitan yung mga nagpipiko. Rinig ko ang pagtawag ni Lynpen sa pangalan ko, pinipigilan ako.
"P'wede sumali?" I asked the one girl who was just about to jump.
"Sabrina! Ano ka ba?!" Nakalapit na pala siya sa'kin.
"What?" I couldn't help but chuckle after seeing the expression on her face. Ang higpit pa ng hawak niya sa braso ko na parang takot na takot sa isasagot nung bata.
"You're bothering them."
"Guys! Sasali raw sila ate!" Inanusyon na nung bata ang sinabi ko. "Tara! From the start tayo! Sasali sila ate!"
"Not me-"
"Maiba taya!" Hinila ko na ang kamay niya.
"Mali ka naman ate, e."
"Ay, mali ba ako? Sige nga, pa'no?" Hindi ko napigilang matawa. Hinampas naman ni Lynpen ang balikat ko.
"I'm really sorry. Nag jo-joke lang si ate Sabrina niyo sa pagsali sainyo. Sige, babalik na kami sa-"
"Luh?! Ano ba 'yan! Edi inistorbo niyo lang pala kami?!" sigaw nung isa.
"Ayan, lagot ka." I laughed at Lynpen's face. Mukhang na-offend siya at natakot sa bata.
"This is all your fault-"
"Hindi naman maiba taya isisigaw e, dapat maiba mauuna!" Naputol nanaman siya nang magsalita iyong kaninang batang nag e-explain saakin.
"Halatang hindi alam ang rules, ano ba 'yan! Sasali ba talaga kayo?!"
"Hindi-"
"Oo naman!" Hinawakan ko sa kamay si Lynpen. Nagsimulang ipatong ng mga bata ang kamay nila saamin.
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...