CHAPTER 26: her pov (1)

1.6K 95 2
                                    

I knew as a kid that my mother disliked me.

I mean.. I can tell it by just looking into her eyes.

"Mama! Laro tayo!" Inangat ko ang manikang hawak para ipakita sa kaniya. Regalo ito ni papa e, kahapon kasi ang kaarawan ko.

Pero hindi siya nagpunta. Dalawa lang kami ni papa na icinelebrate ito roon sa kusina. Simple lang, isang maliit na cupcake na tinusukan ng kandila. Pero masaya naman kahit na dalawa lang kami. Unang beses kong makatanggap ng regalo kaya tuwang-tuwa ako.

"Mama!"

I felt the chills run down my spine when she turned her gaze at me. Hindi ako p'wedeng magkamali. Every time I look into her eyes, I can see nothing but pure rage.

"Pa'no ka nakapasok sa kwarto ko?! Umalis ka!" Hinagis niya saakin ang nadampot na unan dahilan para makaramdam ako ng takot. "Alis sabi!"

I did what she said.

Takot na takot akong tumakbo palabas ng kwarto habang mahigpit ang yakap sa manikang hawak.

"Anong nangyari?" Si papa na nag-aalalang lumapit sa'kin. He sighed after seeing the door open. Lumuhod siya para magpantay kaming dalawa. "Pumasok ka nanaman ba sa kwarto namin ng mama mo?"

"Sorry papa, gusto ko lang naman pong makipaglaro kay mama dahil maganda ang panahon sa labas."

"Reign naman.. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na pabayaan mo na muna ang mama mo?"

"Pero papa, hindi po mainit at may sapat pong hangin sa labas. Kailangan niya po yun diba? Makakahinga siya nang maayos."

"Oo nga, pero gusto niyang mapag-isa ngayon kaya respetuhin nati-"

"Gusto niya po ba talaga? O ayaw niya lang po akong makita?"

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at marahan akong hinawakan sa braso. "Sinong nagsabi sa'yo niyan?"

"Yun po ang nararamdaman ko papa. Kahit na isang beses, hindi ko po maalalang kinausap ako nang maayos ni mama. Lagi po siyang nakasigaw at.. galit na nakatingin sa'kin. Ampon po ba ako?"

His eyes widened. "No. No, of course not!"

"Pero bakit po siya gano'n? Sabihin niyo na po kasi sa'kin ang totoo! Ampon po ba talaga ako?! Bakit galit na galit sa'kin si mama at-"

"Reign!"

Lalong humigpit ang kapit ko sa manika. Napahawak siya sa sentido, nakapikit ang mga mata. "Papa-"

"Hindi ka ampon, Reign. Makinig ka nalang sa'kin." Marahan niyang inilagay sa likod ng tainga ang ilang hibla ng aking buhok bago tumayo at maglakad papasok sa loob ng kwarto.

I have no choice but to stand up and watch him close the door as if I'm not there.

As if their child is not the one looking at them.

"Congratulations, Reign! Top 1 ka sa klase niyo!" Binati ako ng teacher ko at niyakap.

"Thank you po," tuwang-tuwa ko naman siyang niyakap pabalik.

"Pero dear, nasaan ang parents mo? Hindi ba makakapunta ang mommy or daddy mo para sabitan ka ng medal?"

Again with this question. Hindi ko na mabilang kung ilang teacher na ang nagtanong saakin ng paulit-ulit na tanong na ito.

"Busy po sila e," at paulit-ulit lang din ang nagiging sagot ko sa kanila.

"Gano'n ba? Sayang naman.. baka mapilit mo pa? Bukas pa naman ang awarding, may oras ka pa."

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now