CHAPTER 18: SHS

1.5K 102 12
                                    

Pag-uwi ng bahay, niyakap ko ang aso ko na si Pudding habang pinipilit ang sariling makatulog.

Nakakainis, kahit na busog na busog ako sa comfort kanina si Lynpen, pakiramdam ko kulang parin. Naiirita ako sa tuwing naaalala si Elijah tsaka Zamika. Yung totoo? Ano bang nakita niya ro'n at nagcheat siya sa'kin?

Tama nga ang prangkang si Tamg. Kahit na hindi ako makakuha ng mismong sagot sa kaniya, kung halata naman na kung ano ang totoo sa hindi, wala rin. Siguro kailangan ko nalang talagang buksan ang mga mata ko at tanggapin ang katotohanan.

"What the hell is wrong with you, Sabrina?! Umiiyak na nagpunta sa'kin kanina si Charlotte! Hindi ka raw sumipot sa date niyo?"

Tumigil ako sa pag s-skate at nilapitan ang nag-aalburoto kong kaibigan.

Shoot. "Gagi, nakalimutan ko."

Nalukot ang mukha niya, natatawa ko naman siyang tinabihan. Nakasuot pa ng uniform ang isang 'to.

"What a bitch," umirap si Tamg. "Kapal mo, ikaw nagpush sa'kin na ireto sa'yo yun tapos hindi mo naman pala sisiputin?"

"Galit ka ba?" I chuckled while putting my arms on top of her shoulders. "Chill ka lang, hindi naman siya mamatay kapag hindi natuloy ang date namin. Tsaka, nawala ako sa mood kanina e. Dapat siya nalang ang pinapunta mo rito, imbis na ako ang pupunta sa kaniya."

Hinampas niya ako sa hita kaya lalo akong natawa. She pointed at me. "Red flag ka!"

"Red flag?" I rolled my eyes.

Palagi akong nasasabihan ng gan'yan simula nang grumaduate kami ng junior high. E sa anong magagawa ko? I can't just find the sense of entering a serious relationship right now. Mahal-mahalan pa, e hindi rin naman kayo ang magkakatuluyan sa dulo.

"Hi Sabrina," lumingon ako sa gilid nang marinig ang sariling pangalan. Dito ko nakita ang isang babae na nakausot ng uniform pang HUMSS.

"Humanista?" I chuckled.

Nakangiti siyang tumango bago ako lapitan. While she's doing that, I started checking her out. This is my first time seeing her, but I can tell that she's attractive. Her hair is short, pareho sila ng hairstyle ni Tamg. Pero maamo ang mukha ng isang 'to, parang hindi makabasag pinggan at mukhang tahimik lang.

"I watched you at your game awhile ago, and you're really good at playing basketball. A-Ah.. eto oh.. binilhan kita ng energy drink." Nanginginig pa ang kamay niya habang inaabot saakin.

I smirked before accepting it. "Thanks,"

Namula ang mukha niya at bahagyang nag-iwas ng tingin.

Bruh.. seriously? Ganito ba talaga ako kapogi para makahatak ng mga magagandang babae kahit na hindi ako ang nag f-first move? So far, pangatlo na siya ngayong araw sa sumubok na kausapin ako.

"What's your name, by the way?" I started a conversation while opening the bottle. Lumagok ako rito habang nakatingin sa kaniya at hinihintay siyang sumagot.

"My name's Zamika and I'm from-"

Naibuga ko ang energy drink. Muntik pa akong mabulunan bago salubong ang mga kilay na tignan siya. "Seryoso ka?"

"S-Sorry, may nagawa ba akong-"

"Sorry," I laughed after seeing her nervous face. "Hanap ka nalang ibang crush. Study first ako ngayon." Ibinalik ko sa kaniya ang binigay niya bago magsimulang maglakad.

It's cruel to leave her wondering. But what can I do? She has an ugly name.

Wala namang masayang nangyayari sa buhay ko. Gigising sa umaga, papasok sa school, mag b-baskteball, mag t-training, mag s-skate pauwi, tapos matutulog. Minsan, hindi ako pumapasok kapag hindi ko trip tsaka wala kaming practice with coach.

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now