CHAPTER 25: Dance

1.5K 100 3
                                    

"Come on, Sab! Kanina ka pa tulala?" Bumalik ako sa wisyo nang biglang humarang ang mukha ni Heather sa paningin ko. 
 
"Huh?" 
 
"See?! Ni hindi ka manlang makasagot." Tumusok siya ng pagkain na nasa plato at saka ito isinubo sa'kin. "Taste this, ang sasarap ng mga pagkaing hinanda nila."
 
I have no choice but to open my mouth and swallow the food. 
 
"Hmm.. sarap nga." Tumango ako para hindi na siya magtaka at magtanong pa. 
 
Hiwalay ang lamesa namin sa lamesa ng mga kaibigan ko kaya pasimple akong nagnanakaw ng tingin sa tuwing may pagkakataon. I just couldn't waste the moment looking at her. Lynpen's so mesmerizing tonight kaya kong tumitig sa mukha niya buong magdamag nang 'di nagsasawa. 
 
"Sino kayang magiging prom queen at prom king? Excited na akong malaman."
 
No'ng nasa tapat kami ng entrance kanina, biglang sumulpot si Van at tinangay siya papasok dito sa loob, hindi ko na tuloy nagawang purihin pa ang outfit niya. 
 
"Ang ganda ng design ng paligid, 'no? Infairness, mukhang hindi tinipid ng school." 
 
Na starstruck talaga ako. This is my first time seeing her put so much effort into her appearance. Simula no'ng mag senior high kasi kami, madalas kapag christmas party o 'di kaya naman ay a year-end party, palagi lang siyang naka polo at fitted na pantalon at long skirt. Hindi rin siya nagtatanggal ng salamin at naglalagay ng kahit na anong make-up at palamuti sa buhok.
 
Kaya ngayong nakikita ko siya sa ganitong ayos, hindi ko mapigilang humanga. Walang malisya, ah! Sadyang napakaganda niya lang talaga kaya hindi ko mapigilang hindi tumingin.
 
"Uy, nandito ka na pala!" Naupo si Linken sa pwesto namin at binati ang katabi ko. Heather just smiled at him. "Pogi ng kaibigan ko 'no? 'Di ka na lugi d'yan." 
 
"Linken."
 
"Oh? Ibinibida lang kita." Tawa niya bago pabirong sikuhin si Heather. "Diba?" 
 
"Totoo! Hindi ko na nga mabilang kung ilang schoolmates nating babae ang nahuli kong nakatingin sa kan'ya, tapos hindi ko pa kilala ang iba, mukhang mga taga ibang strand." 
 
Napainom ako ng tubig at bahagyang inilibot ang tingin sa paligid para patunayan kung totoo ang sinasabi niya. 
 
It is true! 
 
Mayroon agad akong naka eye contact. 
 
Shit, sa sobrang busy ko kakanakaw ng tingin kay Lynpen, hindi ko na ito napansin. 
 
"Sus! Okay lang 'yan. Nag-aalala ka ba kasi baka maagaw 'tong date mo ngayon? Wag. Maganda ka rin naman Heather," ani Linken kaya ibinalik ko ang pokus sa kan'ya. He smirked at me playfully. "Hair loss." 
 
Napairap ako. Tarantado. 
 
Nagsimula na ang party at naunang mag perform ang abm strand. Ganito raw kasi sa prom, kailangan may kanya-kanya ihahandang dance performance ang bawat strand.
 
Hindi ako sumali rito, katamad umattend ng practice nila bawat weekends. Masyado rin namang madami ang estudyante sa school kaya marami silang choices at hindi nila kailangang mamilit ng mga katulad kong ayaw. 
 
"Bilib na bilib talaga ako sa'yo, Tamg! Napakagaling mo!" Nakatayong isinigaw ni Linken nang strand na nito ang sunod na mag p-perform.

"Make us proud, Tamg! Wohoo!" Sigaw ko rin.
 
"Batukan niyo nga mga 'yan!" We both laughed when she yelled at us from the other table. Hindi kasi siya kasali sa sasayaw, gusto lang talaga namin siyang asarin. 
 
Hindi naging boring ang prom, organized kasi masyado at halatang pinaghandaan kaya walang boring na partr. 
 
"Gago, para tayong nasa unli buffet." Si Linken na nakakailang balik na para kumuha ng pagkain niya. 
 
I laughed at his face. Big claps talaga sa council, ngayon lang ako natuwa sa kanila. Especially to their beautiful president!
 
Nagnakaw ulit ako ng tingin dito kaya hindi ko napigilang ngumisi. Tangina, ganda talaga niya.
 
She's sitting beside Van; they're probably talking about something funny because she's laughing with him. Ang ganda-ganda niya.. ang sarap niyang pagmasdan.. lalo na siguro kung ako ang dahilan kung bakit siya tumatawa–
 
Wait, what?
 
Napaayos ako ng upo at sinampal ang sarili. What the fuck are you talking about? 
 
Napainom ako ng tubig at kaagad na natakot sa sarili. Stop with your bullshit, Sabrina! She's Lynpen! Lynpen! The girl who you used to hate the most for treating you differently from the others! 
 
"Come on! Let's dance!" Hinila ako ni Heather nang magbago ang tugtog sa paligid. Pang party ang music kanina, tapos ngayon naging malumanay at marahan. 
 
I stood up and let her do whatever she wanted. Napapalunok pa ako dahil nadaanan namin ang lamesa kung saan nakaupo si Lynpen.
 
Chill.. alam kong matalino siya, pero wala naman siguro siyang super powers para basahin kung anong iniisip ko.
 
Hingang malalim, Sab.
 
Inulan kami ng pang-aasar ng mga kaibigan ni Heather na nadaanan namin kaya natawa ako. Pagdating sa gitna, marami na agad ang magjojowang nandirito. Namumukhaan ko ang iba sa kanila, sila iyong mga sikat na mag shota rito sa campus. 
 
"Ayieee! 'Di talaga sila nagpaawat oh!" 
 
Heather encircled her hand around the back of my neck and rested her head on my chest. Kumapit ako sa magkabilaang bahagi ng baywang niya habang mabagal siyang isinasayaw. 
 
"Ang daming nakatingin sa'yo, Sab." 
 
"Sa'kin?" I asked, completely confused, before looking around. 
 
Mata ni Lynpen ang una kong nakasalubong. She's holding a glass of water while seriously eyeing me. 
 
I looked away. 

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now