Pinanood kong pumasok si Lynpen sa sasakyan ni Van. Nagpunta kasi ang isang 'to rito sa park e, sinusundo siya.
"Ingat." I raised my hand a little and did a simple wave.
Van just nodded at me; on the other hand, Lynpen didn't even bother taking a glance at me. Diretso lang ang tingin niya sa harap, habang nakasandal ang likod doon sa passenger seat at nakakrus ang mga braso.
Napakibit-balikat nalang ako nang tuluyan nang umandar ang sasakyan pero 'di parin siya nagpapaalam sa'kin.Hindi na ako naaapektuhan, normal na saakin yun. Moody naman talaga siya since elementary.
Nagpaalam lang ako saglit sa mga bata bago lumabas ng park at tahakin ang daan papuntang sasakyan. Ayaw pa nga nila akong pakawalan, sali raw ako sa chinese garter. S'yempre tumanggi agad ako. Mamaya may makakita pa sa'king kakilala ko, edi pinagtawanan pa ako.
"Hays! Sa wakas! Natapos din sa mga gawain ko!" Hinampas ni Tamg ang lamesa at pagod na yumuko rito.
I smirked at her. Nahuli ko siya nung isang linggo na kasama si Kaori. I remembered I was craving ramen that day, that's why I decided to go to that shop when I suddenly saw her, so I approached her.
Nagtataka pa ako nung una dahil ayaw niya akong paupuin sa lamesa niya at halatang gustong-gusto agad akong paalisin. Si best friend premium pala ang kasama.
"Tamg, sama ka Free Space?"
"Ayoko."
"The worst answer you can say is no."
"Tama! Tama!" Inakbayan ni Linken ang nagsalitang si Gail. "Buti pa si Gail mabait. Sasama ka bang Free Space?"
"No."
Napailing nalang ako at ipinokus ang sarili sa pagkain. Nitong mga dumaang araw, napapadalas ang hindi pagsama saamin nung apat. Si Lynpen, busy sa school at mga extracurricular activities na sinasalihan niya. Si Tamg, may pinagkakaabalahang hindi namin alam. Si Van, mahal ang oras nun at laging nakabuntot kay Lynpen. Gail is also busy with her new so-called best friend."Tara na nga, Sabrina! Tayo nalang mag skate. Wala 'tong mga 'to, mga nang-iiwan." Nagtampo agad si Linken.
I laughed at him.
"Sab, group mates tayo sa philo!" Inakbayan ako ni Heather pagpasok ko sa room.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Okay na kami, nagkausap na kami nung nakaraang linggo at nilinaw ko na sa kaniyang wala akong time pumasok sa isang seryosong relasyon.
I can't reciprocate her feelings because I feel nothing for her to begin with.She said it's fine. Buti raw nireject ko siya agad dahil baka lumala ang feelings niya sa'kin. I find her confession funny, to be honest. How did she even catch feelings for me that easily when she barely knew me?
When I ask her about it, she says, dahil daw magaling akong mag skate. Bruh.. seriously? You cannot have feelings for someone just because you know a simple thing about them.
Mas maiintindihan ko pa sana kung sasabihin niyang paghanga lang yung dahilan bakit siya nag confess. Pero bro? Ang sabi niya seryoso raw siya sa'kin at gusto niya raw talaga ako. The fuck, she's even asking me in a funny manner what type of woman I want so she can change her style.
Hay! Hay! Kalma! Alam kong pogi ako, pero kalmahan niyo lang naman!
Dapat nga hindi ko na siya kakausapin, e. Pero dahil magkaklase kami at mahirap hindi magkaroon ng interaction, wala akong ibang nagawa. Para narin sa peace of mind niya, balato ko na yun.
"Sino 'to, Sab? Kilala mo?" Ipinakita saakin ni Linken ang isang random account na nag-follow sa kaniya sa ig.
"Mutual ni Tamg at Lynpen?"
"Oo. Weird nga e, apat lang nasa following list. Silang dalawa tapos ikaw at ako." Sagot niya sa'kin.
Curiosity immediately filled my body. I took my phone out of my pocket and checked my Instagram. Sino naman kaya 'to? Private ang account ni Lynpen at hindi siya basta-basta nag fo-follow ng kung sino-sino.
"Ifo-follow back mo?"
"Oo, titignan ko kung ano yung limang nakapost." I tap the follow button, and it immediately accepts my request.
Nalaglag ang panga ko sa nakita.
"I fucking knew it!" I exclaimed right after seeing a sweet photo of Tamg and Kaori in the first post. They're hugging in that picture! Ang dami, may hawak silang cake tapos electric guitar.
"They're in a relationship?!" Laglag din ang panga ni Linken.
"Obviously." I cannot stop myself from smirking while scrolling down for the next picture.
I knew it! The moment I saw them together in that ramen shop, I knew something was fishy.
Kitang-kita sa peripheral vision ko kung pa'no magmadali si Linken sa pagkuha ng phone niya para ma-stalk niya rin ito.
I laughed.
Obvious naman kasi ang dalawang yun! Lalong-lalo na si Kaori. Madalas ko siyang makita sa hallway dahil iisa lang ang strand namin, magkalapit pa ng classroom.
Hairstyle palang ligwak na siya, e. I remembered her having long and shiny black hair when we were in 7th grade. There's no way on earth she's going to cut her hair that short, knowing how healthy and beautiful it is. Not unless she's into girls.
"Diba? Diba?! Sabi sa'yo e! Kaya ka 'di pinapansin niyan kasi inlove siya kay Tamg! Naiirita siya sa prisensya niyo!" Pagtutukoy ko roon sa ibang mga schoolmate naming lalaki na nagkagusto rin dito.
Maya-maya lang, sinundo na ako ng teammates ko na si Zorel dahil hanap na raw ako ni coach.

YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...