"Ang team nila Cortez ang nanalo," pinanood kong ibalita ng mga teammates ni Zamika sa kan'ya ang nangyari sa laro.
Nandito kami ngayon sa loob ng clinic, at mag-iisang oras na akong nandirito. Pagtapos kasi ng naging sagutan namin kanina nila Tamg, hindi na ako nagpakita pa ulit sa kanila. Nakakapikon silang lahat, lalong-lalo na si Lynpen. Kumukulo nanaman ang dugo ko sa kaniya.
"Sorry Zam, hindi namin naipanalo. Nahirapang mag defense si Trina, ang lakas kasing pumalo ni Cortez, parang imposibleng i-block." Dagdag ng isa sa kanila.
Ngumiti si Zamika sa mga ito. Umirap naman ako sa hangin at nag-iwas ng tingin. Ayan nanaman siya sa pagiging mabait niya.
"Bakit kayo nag s-sorry? Dapat nga ako yung nanghihingi ng pasensya sainyo kasi iniwan ko kayo." Mahina siyang natawa. "Pero totoo, ang lakas pumalo ni Cortez. Nasampolan nga ako, e." Nagawa niya pa talagang magbiro.
Maya-maya lang, nagsialisan narin ang mga teammates niya dahil kailangan pang bumalik ng mga ito sa gymnasium. Dumaan din saglit ang coach nila rito para kamustahin siya, tapos ay umalis narin agad.
"Alam mo ba ig ni Lynpen?"
"Bakit?" I raised a brow when she asked that sudden question.
"Duh? Of course I'm going to congratulate her and her team. Worthy silang kalaban, gusto ko yung naging game namin." Sinimulan niyang buksan ang phone niya at i-enter ang password. "E si Tamg? Alam mo ba ig niya?"
Umiling ako. "Huwag na, huwag mo na silang i-congratulate."
"What? But why?"
"Wala lang, hindi naman na kailangan."
"Sab, that's not a nice attitude." She starts to scold me.
Oh, trust me! Mas hindi nice ang attitude nila!
Paulit-ulit akong umiling sa kaniya kahit na ilang beses niya pa akong pinilit. I would rather choose to die than give her their socials. 'Di ko hahayaang i-congratulate niya mga 'yon pagtapos ng mga pinagsasabi ng mga 'to kanina.
Ni hindi nga sila nag-alala sa sinapit ng girlfriend ko! Lalo na si Tamg! Binara-bara niya pa ako tapos tumawa na akala mo naman nakakatawa ang nangyari. Mas nag-alala pa talaga siya dun sa salamin ni Lynpen. Bakit? May buhay ba yun? Kung sa kaniya kaya mangyari ang nangyari kay Zamika?
"Ako nalang magsasabi sa kanila," naupo ako sa gilid ng kama at saka siya mahigpit na niyakap.
Seryoso, nag-alala talaga ako sa kan'ya kanina. Hindi ako mapakali lalo na nung 'di pa siya nagigising. Ni hindi nga ako umalis sa tabi niya nung pinayagan na akong pumasok sa loob e. Naupo lang ako sa gilid habang nakahawak sa kamay niya, pinagmamasdan ang maganda niyang mukha.
"How do you feel?" I kissed her on the forehead.
"I'm fine. Nag-alala ka ba?"
"Baby, malamang. Muntik na nga akong umiyak-"
"Zamika!" Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kuya niyang kasali sa council.
Nagpapanic, mabilis akong tinulak palayo ni Zamika dahilan para muntikang matumba sa sahig. Mabuti nalang at naagapan ko ang sarili kaya nakatayo agad. Nagpunta ako sa gilid habang pinapanood ang kuya niyang lapitan siya at mahigpit na yakapin.
"K-Kuya, what are you doing here-"
"The school contact me! Ano bang nangyari sa'yo?! Natamaan ka raw ng bola? How come nawalan ka ng malay dahil lang dun?!"
Napalunok ako nang lingunin ako nito. Kita ko kung paano magsalubong ang kilay niya kaya mas lalo akong ginapangan ng kaba.
No one from her family knows about our relationship. Nag college ang kuya niya nung maging kami kaya hindi nito alam kung ano ang mayroon saaming dalawa. Wala rin namang nagsusumbong dahil grumaduate na ang lahat ng mga ka-batch nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/361377397-288-k254197.jpg)
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...