CHAPTER 48: Over

2K 128 24
                                    

Reign ran out of the car after I stopped in front of the hospital. Pagtapos kong ipark ang sasakyan, sumunod agad ako at nagpunta sa kwarto na kinaroroonan ng kaibigan.

I opened the door and got inside. There I saw, Reign kneeling next to the bed while holding the hand of our unconscious friend.

"What did the doctor say?" Tanong niya sa isang babaeng nasa loob din ng kwarto. She's probably Madeline, the one who called awhile ago.

Binitawan ko ang doorknob at humakbang papasok. I came closer to see his condition.

"They said that there's a chance that he'll lose his memories."

Nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha ko habang isa-isang tinatapunan ng tingin ang mga sugat niya sa mukha at katawan. Things aren't looking too good.

I clenched my fist.

"Where is he?!" Hindi rin nagtagal, dumating na si Linken at Gail. Nag-aalala ang mga mukha nito. Nagtama pa ang paningin namin ni Linken bago siya tuluyang lumapit sa walang malay naming kaibigan.

I stayed quiet and chose to go outside.

I sat on one of the chairs here in the hallway and ran my fingers through my hair. Napahilamos ako sa sariling mukha at pumikit.

Why do I feel guilty? This isn't my fault. This isn't anyone's fault either. Pero bakit pakiramdam ko ako ang dahilan?

"Okay ka lang?" Tinapik ako sa balikat ni Yesha.

Tatlong araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon, hindi parin nagigising si Van. I forced myself not to panic. After all, the doctor stated that his condition is no longer critical; we just need to wait for him to wake up and everything's will be alright again.

Inabutan ako ni Ayesha ng hawak niyang soft drinks. "I heard the news about your friend. Yung myembro ng sikat na banda?"

I opened the coke and drank it.

"He's all over the internet. Nagwawala ang mga fans niya, wala pa raw update sa kan'ya."

Right. Maraming security na nakapalibot sa labas ng ospital ngayon dahil gustong pumasok ng ibang mga fans sa loob. They're crazy. Dumating na ang mga pulis sa puntong kailangan na silang bugahan ng tubig dahil sa hindi nila pakikinig.

"He's going to move to another hospital,"

"Edi goods. At least do'n walang mga baliw na fans." Nagsindi ng sigarilyo si Ayesha bago tumingin ulit sa'kin. "Mukhang wala ka sa hulog, ah?"

"I'm good,"

"Hindi ka makausap ng maayos tapos lagi ka pang tulala. Tsk, Sabrina. Hindi ka mananalo d'yan sa ginagawa mo. Paalala ko lang ha? Bukas na yung laban mo kaya itabi mo muna 'yang pag-aalala mo sa kan'ya."

I shoved her hands away when she held me by the shoulder.

It's not about him.

Tatlong araw na siyang walang malay, tatlong araw narin kaming walang matinong usap ni Reign. Palagi siyang nasa ospital, nagbabantay kay Van. Sa tuwing dadalaw naman ako para kausapin siya, lagi ko siyang naaabutang tulog. Kahit ang pagpasok sa trabaho, hindi niya magawa.

"Bebi, nauuhaw ka ba? I brought some juice from the convenience store."

"There's a water dispenser here, Sabrina. You don't have to do that." She wasn't even looking at me when she said that.

Napatikhim ako at walang ibang nagawa kung hindi ang maupo at pagmasdan siyang titigan ang kaibigan namin.

Palaging ganoon ang nangyayari.

And I'm getting tired of it.

"P're! Wala akong makitang vacant seat!"

Bitbit ang skateboard na itinutok ko ang buong atensyon kay coach. This will be my first public appearance after three years of not skateboarding. Hindi p'wedeng pumalpak ako rito.

"Buo ang tiwala ko sa'yo, bata. Kahit na tatlong taon ka pang natengga, alam kong malaki ang iginaling mo. You've made significant progress."

I nodded at coach before looking away. My eyes wander around the whole place. This is my sixth time searching for someone, and I kept on failing. Hindi ba siya pupunta?

"Ayan na si Luan, p're." Pagbulong palang ni Ayesha, kaagad ko nang hinanap ang tinutukoy niya.

People screamed after Luan, a.k.a. the most famous skater in today's year, showed up. I watched her wave at the audience while holding her skateboard on her left arm. Nakaipit ito sa braso at baywang niya.

This is my first time seeing her again after three years. Nang dumapo ang tingin niya sa'kin, nginisian ko siya. I move my brows up and down, making her glare at me. Mahina akong natawa bago pailing-iling na ibalik kay coach ang tingin.

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now