CHAPTER 39: Why?

1.7K 106 9
                                    

"Put your hair to the side," lumapit ako sa estudyante, at saka siya tinulungan sa pag-aayos ng buhok. "There. Huwag ka gumalaw."

Mabilis akong bumalik sa tapat ng camera para makuhaan siya ng maayos na shot. Ligalig ng batang 'to, hindi ko na mabilang kung nakailang saway na ako sa kan'yang 'wag gumalaw.

"Next," kinuha ko ang toga nito para isuot sa susunod.

Ilang oras pa akong nagtagal sa trabaho bago tuluyang matapos ang batch 2. I was in the process of placing the cameras inside my bag when a random kid approached me.

"P'wede po magpa-picture?" Batang lalaki ito na may mga kasamang tropa sa likod.

"Ayoko nga. Sino ba kayo?" I smirked to tease them.

Parang iiyak na sila kaya binawi ko agad ang sinabi. Kinuha ko ulit ang camera sa loob at saka sila sinenyasang umayos ng tayo at pumwesto roon sa harap.

"Kayong lahat ba? Angas niyo naman." Hindi talaga bukal sa loob ko 'tong ginagawa ko e. "Sige, tayo kayo d'yan. Baka magtawag pa kayo pagtapos nito, ah?"

"Hindi po, sa phone lang po, Idol."

"Phone?" Nagsalubong ang kilay ko at ibinaba ang camera. "Bakit sa phone ko pa?"

"Haha! Slow pala 'to si idol, e!" Tumawa ang isa. "Sa'yo kami magpapa-picture, idol. Mga skaters kami, at ang angas mong mag skate! Pinapanood ka namin dati! Nakafollow nga kami sa tiktok mo."

Ipinakita niya sa'kin ang phone niya, nakataas ang kilay ko naman itong tinignan. Naka-follow nga siya.

"P'wede isa-isang picture pagtapos ng groupie?" Humirit pa talaga yung isa.

I nodded. Tuwang-tuwa tuloy sila habang mga tumatalon pa. Narinig kong ipagyayabang daw nila yung picture sa iba nilang mga tropa.

I can't help but smile. Nakikita ko sarili ko sa kanila.

I gave up skating a years ago after losing a battle with someone. It was broadcast on television, and a large amount of people watched it. It was a traumatic occurrence for me because I ended up in the hospital. I damaged my ankle and was unable to skate for a year due to the severity of the injury.

Pero ayos na ako ngayon. Hindi ako nag s-skate kasi sariling desisyon kong hindi na muna bumalik. Siguro sa susunod na, kapag ginanahan ulit ako.

I actually lost my passion. It was heartbreaking.

Dumagdag pa si Meril na imbis mag-alala sa'kin, pinagalitan pa ako. Sinumbong niya ako kay Dadi at ipinakita ang video ko na hindi makatayo at halos mamatay na sa sobrang sakit. Hinahampas ko yung sahig nung mga oras na yun, sakit talaga, pakiramdam ko sasakabilang buhay na ako e.

"Sabrina!" Nagulat ako nang pumasok si Rabiya sa pinto. She's smiling at me widely.

"Hey,"

"Tapos ka na mag-trabaho?" Inilibot niya ang paningin sa paligid. After that, she raised the bags she was carrying. "I bought us food. Sabayan mo akong kumain, please?"

Napatingin ako sa relo ko. 30 minutes pa bago ang break. Ang aga niya naman ata ngayon?

"Sure." Hindi na ako nagtanong pa dahil nakakaramdam narin ako ng gutom. "But we don't have a table here, lipat tayo ng cafete-"

"No, it's okay. We can eat on the floor."

"On the floor?" My voice's sarcastic. "You serious?"

"Yeah, I'm fine with it. Madalas maingay sa cafeteria kaya naiirita ako. Tsaka, hindi naman ako maarte para hindi maupo sa sahig." Sabi niya habang umuupo na. Sabay niyang inilapag ang mga supot na dala.

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now