CHAPTER 30: her pov (5)

1.3K 90 3
                                    

Pinanood ko si mama na isabit ang malaking graduation picture ko sa pader namin. It's inside of a golden frame. Sa baba nito, mayroong tatlong transparent cabinet na magkakatabi.
 
"Here, we're going to put each of your achievements here." Tuwang-tuwang aniya bago idisplay ang lahat ng medal at certificate na nakatambak lang sa kwarto ko rati. "What can you say about it?" 
 
"Ang ganda po," 
 
"Diba? Para kapag bumisita ang mga kaibigan ko, ang achievements mo ang unang sasalubong sa kanila. Excited na ako, ipagmamalaki kita sa mga yun." 
 
I did not respond. 
 
I watched her put my trophies in a straight pattern. I never imagined her displaying any of my pictures on our wall. Hindi parin ako makapaniwala kahit na ilang araw na ang lumipas. She's very different. She's even humming a song happily. 
 
Kung dati, kaming dalawa lang ang madalas na kumain sa hapag ni papa, ngayon, kasama na namin siya.

"Here. Eat more. Dapat damihan mo ang pagkain para may energy sa pag-aaral."

Pinagsisilbihan niya rin ako, madalas siya pa mismo ang naghahanda ng pagkain ko at pinapanood akong kumain.
 
I should be happy 'cause she is now fine and our relationship is already working. Pero hindi ko maiwasang mailang paminsan-minsan lalo na at hindi naman ako sanay sa ganoong treatment.

I sighed.

Lumapit ako sa kan'ya at mahigpit siyang niyakap. Ano pa bang inirereklamo ko? She's doing her best to get back at me. Kahit na.. bunga ako ng isang trahedya.
 
"Why are you not going to our field trip?"
 
"I just don't want to." Sagot ko sa makulit na si Van. Nasa school kami ngayon dahil sinamahan niya akong mag-report ng grade para sa scholarship ko.
 
"Pero masaya yun, our friends will come too." 
 
Yes, and that means Sabrina will also be there. Mainit ang dugo ko sa isang yun. A group of girls approached her at our graduation and admitted that one of their friends had a big crush on her. 
 
"Please? Punta ka na?" He put his palms together. 
 
"Kahit na gustuhin ko man, hindi p'wede. Mahal ang bayad dun, Van. I don't have that kind of money." Ayoko namang manghingi kay papa dahil pangbili pa ng gamot at vitamins ni mama.
 
"I'll pay!" 

"No."

"Too late. I already massaged ma'am Cha." Ipinakita niya ang screen ng phone kaya nanlaki ang mata ko.
 
"What? Are you serious?" Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. "Mapapagalitan ka ng parents mo-" 
 
"No. I have my own money." Inilabas niya ang wallet at ipinakita sa'kin ang loob. There's a lot of blue bills inside of it. "See?" 
 
"Ayoko parin." Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Burahin mo ang message kay ma'am, hindi mo naman ako sagutin." 
 
He's crazy. Kahit na mayaman pa siya, dapat hindi siya basta-basta nagwawaldas ng pera. Siguro totoo ang sinasabi nila Tamg na crush niya ako. Gustong-gusto niya akong kasama, e.
 
"Diba malapit na ang birthday mo? Think of this as an advance gift from me." 
 
"Hindi na, Van. Magbabasa nalang ako ng libro sa bahay." I pushed his face away. 
 
"We're going to have a lot of activities there! Hindi ka magsisisi!" 
 
Napaisip ako sa sinabi niya. Sabagay.. nandoon din naman ang iba naming mga kaibigan. Hays! Sige na nga, pupunta na ko. 
 
"Fine." I nodded at him. 
 
Van's a nice friend. Palagi siyang nakabuntot sa'kin at namamangha sa lahat ng mga ginagawa ko. Matalino rin siya pero wagas kung bumilib sa tuwing nag re-recite ako. He also treats me differently from the other girls. He's more gentle on me.

Ang totoo niyan, naisipan kong iwasan siya nung una pagtapos malaman ang nangyari kay mama. Pero habang tumatagal, narerealize kong anong pinagkaiba ko rito kung ang mga tulad niyang walang kasalanan at kaalam-alam ang pagbubuntungan ko ng galit? 
 
"Enjoy, Reign!" Hinalikan ako ni mama sa pisngi bago pakawalan. 

Alam niyang field trip ang pupuntahan ko pero hindi niya alam na si Van ang nagbayad dahil sinabi kong libre at school ang sumagot nito. She believes me because I'm a scholar.
 
"Hindi mo naman na ako kailangang sunduin," saad ko pagpasok sa backseat kung saan nakaupo rin si Van. 

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now