CHAPTER 63: Proposal

2.6K 149 72
                                    

"Good mood na good mood tayo, ah?"

Inayos ko ang cap na suot at iniyuko ang ulo. Si Linken ang maingay na dumadaldal sa tabi ko. Nakakairita siya, kung wala lang kami ngayon sa labas, baka kanina ko pa siya nasapak.

"Ayos mukha natin ah? Parang hindi nag super saiyan kagabi?"

I ignored him and just focused my gaze on the luxurious necklace that was displayed in the store we were currently in. I'm planning to give this as a gift to Lynpen because today's her birthday. Pupunta kami mamaya sa bahay nila dahil naghanda raw si tito.

"Malamang bongga yung celebration mamaya. First birthday ba naman ni madam dito sa pinas pagtapos ng ilang taon sa ibang bansa e."

I nodded. Nasundan ito ng hagikgik niya kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Kayo ha... Kinausap ko lang yung manager tapos biglang naghahalikan na kayo pagbalik ko-ouch!" Hinampas ko siya sa dibdib. "Pucha, bro, masakit!"

Nakatanggap kami ng mapanghusgang tingin galing sa mga empleyado at mamimili kaya kaagad akong humiwalay kay Linken para hindi madamay.

Pero sinundan niya ako.

"Alam mo? Minsan gusto kitang gantihan e. Tanggalin ko kaya 'yang sumbrelo tsaka facemask mo 'no? Para naman maranasan mong mas magdusa pa. Ako kaya nakipag-areglo ro'n sa pamilya nung lalaking hinampas mo ng bote sa ulo! Ang dami kong ginawa kagabi! Tapos ikaw patulog-tulog lang sa sasakyan. Ayaw ka pang paistorbo ni Lynpen sa'kin. Huwag daw kitang gigisingin kahit na anong mangyari kasi gusto niyang magpahinga ka. Nasa'n ang pagiging makatarungan do'n? Alam ko namang baby ka niya, pero pakshet kayo, huwag niyo akong idamay! Natutulog nang mahimbing yung tao sa bahay tapos biglang may tatawag sa'kin? Punta raw ako sa location na sinend kasi may babayarang tatlong milyon?! Angas mo naman talaga ano? Ako pa talaga nilagay mo sa emergency number mo!" Pabulong at tuloy-tuloy na isinigaw niya.

Sa dami ng sinabi niya, wala akong naintindihan kahit na isa. I stopped walking when a necklace caught my attention.

"Miss, p'wedeng pakuha nito? Gusto kong tignan." Sabi ko roon sa babaeng naka-uniporme. Pinanood ko siyang kuhain ito.

Ipinatong niya ang necklace at agad ko naman itong sinuri. I interestedly stared at it. At first glance, you'll think there's no design on it, but if you look closer, you'll notice a small circle in the middle.

Nonetheless, it's still plain. Walang kabuhay-buhay, ibang-iba roon sa mga katabi niya na naggagandahan at mayroong naglalakihang dyamante.

Tumitig ulit ako sa kwintas. What's so special about it? How did it even catch my attention in the first place? Akmang magtuturo na sana ng iba, kung hindi lang biglang nagsalita ang babae.

"It's a 100-language I love you projection necklace, ma'am."

That stopped me. "A what?"

"In love nanaman siya..."

"Shut it, Linken. I can't focus." I pushed him on the shoulder.

Sinuri ko ulit ang necklace at hinawakan. Right. Of course, there will be something special about it. Pero dahil sa sobrang liit nito, hindi pumasok sa isip ko na posible ito.

Inalok kami ng sales associate na subukan ito kaya dinala niya kami sa isang kwarto. Pinatay niya ang ilaw at tinapatan ng flashlight ang hawak na necklace.

"Woah," I heard Linken whisper beside me.

Umuwang ang labi ko sa laki ng naging sakop. I was expecting a little projection, but it filled the whole room! Mayroon sa kisame, pader, at sahig. The words in different languages were also moving; they're changing colors to red, purple, green, and black.

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now