CHAPTER 62: Heartbeat

2.3K 132 53
                                    

"Magsasarado na po kasi yung bar, pakiasikaso nalang po yung kaibigan niyo, sir."

Pilit kong idinilat ang mata ko habang nagsasalin ng alak sa baso. But the liquor always ended up spilling on the table, so I couldn't help but get irritated. Hinagis ko ang baso bago tunggain ang bote.

"Sab!" Lumapit si Linken at hinawakan ako sa balikat. Pagtapos ay nakahawak sa ulong tumingin siya roon sa nabasag. "Sabrina, ano ba 'yan?!"

"Don't touch me," I said, moving his hands away.

"Para ka namang gago, Sabrina! Wala ka sa bahay niyo, umayos ka nga!" Stress na sigaw niya bago bumalik doon sa kausap na lalaki.

"Ito po yung listahan ng mga gamit na nasira niya. Binato niya po kanina yung upuan kaya madaming bote ang nabasag. May nakaaway din po siya kaya umalis yung iba naming customer. Ang dami niya pong naabala, sir, pakibayaran nalang po bago kayo umalis."

"Sige, sige, pasensya na talaga bossing,"

Maya-maya lang, naramdaman ko na ulit ang presensya ni Linken sa tabi ko. Pilit niyang tinatanggal ang hawak ko sa bote ng beer.

"Putang ina naman, paanong tatlong milyon agad yung mga nasira mong gamit?" Mangiyak-ngiyak na bulong niya.

I yawned and grabbed another bottle, peeking, only to throw it away because there's no liquor inside anymore.

"Ano ba!" I pushed his hands.

"Sabrina!" he exclaimed, but I remained unbothered.

I continued to sip my drinks, wincing slightly at the harshness of the drink, roughly moving down my throat with a gulp. Hindi ko masyadong makita si Linken dahil nanlalabo ang paningin ko. I can't fully open my eyes, but I don't want to permanently close them either. Ayoko pang matulog.

Nagsimulang magpiripindot si Linken sa phone niya. I know he's looking at me; I can see him in my peripheral vision. He sat on the chair beside me and problematically ran a hand through his forehead as he watched me take another large sip from my drink.

Later on, someone popped up and approached us.

"Lynpen! Buti naman dumating ka na!"

Dumiin ang hawak ko sa bote. The bare sight of her made the blood rush to my brain quicker; every bone in my body tightened at her presence.

"Lynpen, sorry, alam kong importante yung pinuntahan mo, pero hindi ko na kasi talaga alam kung anong gagawin. Hindi siya nakikinig sa'kin, ayaw niya ring umuwi."

I had gritted teeth and a foul taste left on my tongue the moment I heard her name. It was a feeling I despise more than anything.

Hindi niya tinapunan ng kahit na isang tingin si Linken dahil dumiretso siya sa'kin.

I scanned her face slowly. Eyes moving up and down, fully taking in her appearance. She wore a white long-sleeve dress suit that hugged her body perfectly. Her short hair's down, she's holding a bag, and she's wearing nice make-up.

"Yung isa sa nakaaway niya, hinampas niya ng bote sa ulo, nasa ospital ngayon kasi bumaon daw yung bubog. Gusto raw magsampa ng kaso nung mga kamag-anak. Galit na galit sila, nakausap ko na kanina sa phone, pumunta raw ako ro'n kung ayaw kong magdala sila ng pulis dito."

My eyes steered away from her direction, turning my focus back onto the table.

Tss.. ginawa ko lang naman yun dahil sila ang nauna. Tahimik akong nag-iinon mag-isa nang bigla nila akong lapitan at guluhin. Kung ganoon ang naging responde ko sa akto nila, kasalanan na nila 'yon. They should learn to face their consequences. After all, ang tatapang nila diba?

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now