"Bilis! Dito tayo sa harapan para makita tayo ni Lynpen." Hinila ako ni Tamg papunta sa unahan.
Pagdating namin dito, naabutan namin sila Van at Linken. May program kasi na nagaganap ngayon, e. Nakapalibot at nakabilog ang mga estudyante sa gilid nung mga representative each strand na mag d-debate. S'yempre isa na rito si Lynpen. Kailan ba hindi nasali ang isang yun sa ganitong activities?
"Where's Gail?"
"Wala, sabi niya hindi siya makakanood kasi may importante raw siyang gagawin." Tamg rolled her eyes. "She's definitely lying. Alam niyo bang nakasalubong ko siya kanina. Sinong kasama? Edi yung nerd naming kaklase."
"Hindi siya nagpunta rito kasi magkasama sila nun?" Si Linken. "Naaaayy! Isumbong 'yan kay Lynpen! Pinagpapalit tayo sa 1 year palang nakilala!"
I laughed too before turning my gaze back at Lynpen. As I was looking at her, I couldn't help but check her out. Ang hilig niya talaga sa tirintas. Yung hairstyles ni Elsa sa Frozen? Tapos inilalagay niya ito sa harapan sa may dibdib niya.
She's wearing their uniform. Yung t-shirt ng mga council, kaya sa tuwing tumatalikod siya, nakikita ang nakaprint na President sa likod. Yup! You heard it right. She's the president of the whole senior high school. Tapos nakatuck-in ang t-shirt niya roon sa high waisted na fitted niyang blue jeans.
"Tumabi ka nga! Hindi ko makuhaan ng maayos na picture si Lynpen. Galaw ka nang galaw, lagi tuloy nasasama yung likod mong malapad." Tinulak ni Tamg si Linken.
"Nag g-gym kasi ako."
Hindi nag stick si Lynpen sa pagsusuot ng graded contacts nung nabasag ang salamin niya last year. Isang buwan lang ata ang lumipas, tapos mayroon na ulit siyang bago. It's still a clear and transparent, ang tanging nagbago lang ay yung frame at size. Kung dati rectangle, ngayon oval na.
"Tanga, Tamg. May tumatawag sa'yo sa kabila oh." Itinuro ni Linken ang harap namin habang tumatawa. "Lagot ka! Taksil na humanista ka!"
"Pabayaan mo sila, ayoko naman dun sa representative namin." Hindi manlang ito lumingon sa pwesto ng strand niya. "Masyadong mayabang ang isang yun at halatang may lihim na galit sa'kin. Lagi akong pinupuna sa suot ko. Sana nga ma-trashtalk siya ni Lynpen mamaya e."
I laughed.
Tamg has a lot of issues inside and outside the school. Nonetheless, she still managed to stay unbothered.
Maya-maya, nagsimula nang tawagin ng emcee ang first pick na mag d-debate. Nakasama rito si Lynpen.
"Ako kinakabahan para sa kaniya!" Hinampas ako ni Tamg. "Huy! Stem pala kalaban nila Lynpen! Kilala niyo ba 'yan?"
Nanliit ang mata ko nang mamukhaan ang babaeng nakasalamin din.
"Siguro naman kilala niyo diba?" Lumingon siya saaming dalawa ni Linken.
"Bakit hindi mo itanong kay Sab kung sino 'yan? Puro absent lang 'yan, pero kilalang-kilala niya 'yan."
"Oo, 'yan yung matalino sa kabilang section."
"Sus, ex mo nga ata 'yan."
"Tanga, hindi." Tinulak ko palayo ang mukha ni Linken. But because of what she said, Tamg's eye widened.
"She's your ex, Sabrina?"
"Sinungaling 'yan si Linken, hindi naging kami nun. Failed ka-talking stage ko lang." I laughed and then shook my head. "She's too boring for me kaya isang linggo ko lang nakausap. Not my type."
"Enk! Sabihin mo, masyadong matalino para sa'yo kaya 'di mo mauto!"
"Oh, shut up. Hindi ko sila kailangang utuin kasi kahit wala pa akong ginagawa, down bad na agad sila sa'kin."
YOU ARE READING
Curse of Love [Free Space Series #2]
RomanceHave you ever been in a love so deep that it was simultaneously thrilling and terrifying? Something that embodies the bittersweet contradiction that our greatest happiness stems from the same thing that brings us the most sorrow? If so, how did it...