CHAPTER 20: Weird

1.3K 103 3
                                    

"Bye! Ingat kayo ha!" Nakalabas ang ulo sa bintanang kumakaway si Tamg doon sa umaandar na sasakyan ni Van. 

Nasa loob nito si Lynpen dahil siya ang maghahatid dito. Si Linken at Tamg, nasa akin naman. Gano'n naman palagi e, madalas gusto mag solo nung dalawa kaya kapag nandito lang si Gail sila nagkakaroon ng kasama sa sasakyan. Pero dahil napapadalas ang hindi nito pagsama sa'min, balewala rin. 

"Okay ka lang, Sabrina? Kanina ka pa tahimik." Kinalabit ako ni Linken mula sa backseat. 

Hindi ako umimik. Nagpatuloy lang ako sa pag-iikot ng manibela para tuluyang makaalis sa pinag paparkan ko. 

"Malungkot 'yan kasi hindi nanaman sila okay ni Lynpen." Tamg made a tsked sound. 

Binilisan ko ang andar at inunahan ang nasa harapang sasakyan ni Van. 

I'm not sad. I'm just annoyed.

Required bang sungitan ako porke natalo siya? Ang harsh kaya nung pagkasabi niya kanina. E kung tutuusin nga nag-explain lang naman ako kasi magkaibigan kaming dalawa tsaka pinagtatanggol ko yung sarili ko dun sa pangbibintang ni Tamg tungkol saaming dalawa ni Heather. 

"Totoo?" 

"Oo. Pero wala yun, baka nairita lang kasi ang daldal ni Sabrina." Tinawanan ako ni Tamg. "Alam niyo naman yun.. gusto sa tahimik na lugar. I can't blame her. Magulo ang isip niya dahil sa nangyari." 

"Malamang problemado yun ngayon." 

"I know right. The teachers were literally so disappointed at her. Nakita mo ba kung pa'no sila tumingin sa kan'ya kanina?" 

"Sus, 'di 'yan. Anak nila yun si Lynpen, malamang sa susunod na linggo bati na ulit sila nito."

"Totoo. Tsaka, hello? Para namang hindi tao si Lynpen para hindi magkaro'n ng emosyon. That stem girl kept on repeating what she's saying, e nasagot na nga ni Lynpen. So stupid."

"Sayang ka tuloy, Sabrina. 'Di mo nakita kung pa'no mapikon si Lynpen dun sa dati mong ka-talking stage." 

"I don't care about her." Humigpit ang hawak ko sa manibela. "At puwede ba? She has a name. Stop mentioning the things that we had in the past. It's irritating." 

Ni hindi ko na nga maalala ang pangalan niya. Siguro kung hindi 'to binanggit kanina ni Linken, baka hindi ko rin nabring-up. 

Pag-uwi sa bahay, nagreact ako ng natawang emoji sa IG story ni Heather nang makitang picture namin 'tong dalawa. Lakas din ng trip niya, sabing huwag itong story kasi mukhang meme itsura ko roon e! 



notso.heather
whachutalkin abt? u look like a baby here, so cute.



Napairap ako sa reply niya. 

Lumipas ang mga araw at hindi parin kami nagkakaayos ni Lynpen. Ewan, ang hirap din kasi kapag magkaibang strand kayo at magkaibang schedule. Tapos halatang iniiwasan niya pa ako, kaya napakadalang talaga kung magkrus ang landas naming dalawa. 

"Nakita mo si Lynpen?" 

"Oo, kasama ni Van." 

Tapos palagi pa silang magkasama nito kaya ang hirap humanap ng tyempo! Wala naman akong problema kay Van dahil kayang-kaya ko itong paalisin kung kailan ko gusto. Kaso kay Lynpen? Wag nalang! Baka sabihan pa ako nitong istorbo kapag ginambala ko ang alone time nilang dalawa. 

"Sab! Free ka later?" Nilapitan ako ni Heather kaya tumigil ako sa paglalakad. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong skateboard na nakaipit sa pagitan ng braso at baywang ko. "Ay.. mag s-skate ka?" 

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now