CHAPTER 28: her pov (3)

1.3K 90 1
                                    

"Scholarship?! Malaking tulong 'yan, Reign!" Tuwang-tuwa akong niyakap ni papa pagtapos kong sabihin sa kan'ya ang magandang balita. 
 
Iyong homeroom teacher ko, nilista ang pangalan ko sa scholar nang 'di pinapaalam sa'kin. Kanina ko lang ding uwian nalaman dahil pinaiwan niya ako sa room para makausap. Qualified daw ako sabi ng school, kaya tinanggap nila ako.
 
Lumagpas kasi ang average ko sa grading system nila. Tinignan din nila ang ibang mga records ko galing sa dati kong school at nang makitang pare-pareho ang lahat ng ito, napagpasyahan daw na hanggang junior high ang contract na ibibigay sa'king scholarship.
 
"Remember, Lynpen. Dalawang rules ang kailangan mong sundin. No 89 below, at no violation records. Keep your records clean at hindi ka rin p'wedeng mag absent nang lalagpas ng limang beses sa buong taon." 
 
I nodded at my adviser. "Opo." 
 
"Oh siya, sige, mag-iingat ka." Anito. Uwian na namin ngayon kaya lumabas na ako ng classroom. Diretso ang lakad ko papuntang gate nang bigla akong kawayan ng isang babae.
 
Lumingon ako sa likod para tignan kung ako ba o may kinakawayan lang siyang nasa likuran ko. Nang makitang walang kahit na sinong tao ang nandidito, I pointed at my chest. 
 
"Ako?" 
 
"Yes! Lapit ikaw dito!"

Kahit na naguguluhan, sinunod ko siya. 
 
Tuluyan ko siyang namukhaan nang makalapit na ako. I know her; she's my classmate. Iyong sobrang puti at may blonde rin na buhok. Pero hindi siya si Sabrina, okay? Kulay green ang mata niya, blue ang sa isang yun. 
 
"Anong kailangan mo?" 
 
"Are you going home?" She smiled at me. Siya lang ang mag-isang nakaupo rito sa lamesa sa tapat ng isang malaking puno. Batibot kung tawagin namin ito. 
 
"Oo." 
 
"Great! Huwag ka uwi muna! Usap tayo!"
 
Napakunot ang noo ko sa accent niya. "Huh?" 
 
"I said let's hang out! Duh?" She rolled her eyes. Tapos ay tumayo siya at hinila ako paupo sa tabi niya. "You know what? I want to be your friend. You're so smart and humble." 
 
I was about to speak if I hadn't been preceded by someone. "Hoy, Gail! Si Lynpen 'yan ah?!" 
 
I turned my gaze to the side to see who it was. "Tamg," 
 
"Hi!" Yayakapin niya na sana ako kung hindi lang ako mabilis na umiwas.
 
Because of what I did, tumawa iyong isa niya pang kasamang lalaki. Kilala ko rin 'to, siya iyong maingay sa room at palaging kasama ni Sabrina sa kalokohan. Madalas silang napapagalitan ni ma'am sa harap ng klase.
 
"Kawawa! Feeling close kasi!" He laughed, then looked at me. "Hi Lynpen, bakit ka andito?" 
 
"Hey, that's rude." Tinulak siya sa balikat ni Van. Sa kanilang lahat, sa kan'ya ako may pinaka maraming interaction dahil kami ang palaging nagpapalitan ng papel sa tuwing mag che-check na. Matalino siya, matataas ang mga score na nakukuha niya.
 
"Inimbitahan ko siyang samahan ako at pumayag naman siya." 
 
"Grabe naman sa inimbitahan, Gail." Tumawa nanaman si Tamg. "Imagine, tagalog sinasabi mo pero accent mo pang british." Sabay sila ni Linken na tumawa. 
 
Kinagat ko ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Napansin ko nga rin. Kakaiba ang accent ni Gail sa tuwing nagsasalita siya ng tagalog. Mali-mali rin minsan ang mga salitang pinagsasama niya kaya para siyang hindi sa pilipinas nag-aaral. 
 
"Sorry about my friends. They're really like that. If they ever made you feel uncomfortable, don't hesitate to tell me." 

Umiling ako kay Van nang tabihan niya ako. "Ayos lang-" 
 
"Hi guys!" Biglang lumitaw ang may hawak na skateboard na si Sabrina. She's wearing a jersey. Madalas hindi nag u-uniform ang isang 'to, e.

"Sabrina! Nand'yan ka na!"
 
Nagtaka ang mukha nito nang makitang nandidito ako. Pinanliitan niya ulit ako ng mata katulad ng palagi niyang ginagawa bago bulungan ang kalapit niyang si Linken. Tumingin ito sa'kin tapos ay tumawa. 
 
Kumunot ang noo ko. Why are they laughing? 
 
Hinampas pa siya nito sa balikat habang nagtatakip ng bibig at iniiling ang ulo. Parang pinag-uusapan nila akong dalawa dahil tingin sila nang tingin sa'kin.
 
Irritation immediately filled me. Tumayo ako at walang pasabing nagmartsa paalis para layasan silang lahat. What do they think they're doing? If they think it's funny, it's not! It's freaking annoying! Pasimuno talaga ang Sabrina na yun kahit kailan! 

Curse of Love [Free Space Series #2]Where stories live. Discover now